28th Chapter

1.3K 81 1
                                    

Eloisa's Point of View

One day ago umamin si Paolo na he's starting to fall in love with me kaso naputol iyon kaya baka dudugtungan niya iyon ng joke lang. Mapaglaro siya kaya hindi imposibleng magkatotoo iyong sinabi ko.

Isang araw na ang nakalipas ng mangyari iyon. Kahapon, Lunes ay madaming nangyari kahit na wala siya. Medyo nag iba ang ihip ng hangin kahapon.

I wore a blank white t shirt and skinny jeans. Pedeng huwag ng mag suot ng uniporme dahil wala namang klase ngayon.

Lumabas ako at naglakad na papuntang elevator. Napaka gulo lang dahil parang may kulang sa akin kahapon at pati ngayon.

Nang sumakay akong Elevator ay pinindot ko ang ground floor. Nang konting puwang na lang ay magsasara na ang pinto ng elevator may kamay na nagpigil nito.

Our eyes met, halos parang may kung ano mang bagay sa tiyan ko ang lumilipad... mapupungay ang kaniyang mata, his lips red, at magandang kurba ng panga.

Ang gwapo niya.

Nang nginitian niya ako halos gumuho ang mundo ko, nag iwas tuloy ako ng tingin. This guy's playful. Just like Paolo.

Nagsara na ang pinto ng elevator at hinihintay ko ng bumukas ulit iyon... pero bakit parang ang bagal ng oras? Habang lumilipad ang utak ko dahil sa atmosphere dito sa elevator nag flashback ang pag amin ni Paolo sa akin.

Hindi nakami nag tagal pa sa Lamesa Eco Park, pagkatapos ng lunch ay umalis na kami doon.

Tahimik sa kotse yung ingay lang sa labas na humaharurot na sasakyan sa kabilang lane ang naririnig ko, hindi pa rin ako makamove on sa mga nangyari kanina.

Bumuntong-hininga ako.

Nakatigil ang sasakyan dahil sa nakapulang stop light.

"Eloi, forgot to give you this." sabi niya, kinuha niya iyong backback niya sa likod. Ipinatong niya iyon sa kaniyang hita at binuksan ang zipper.
Kinuha niya yung nasa loob nito na kulay blue na teddy bear.

He gave me that bear with a smile.

"P-Para saan 'to? Paolo... wala namang okasyon ngayon, hindi ba?"

"Occassion doesn't matter if I want to give something to a special person," my eyes opened so big!

"What do you... What do you mean?" tanong ko sa kan'ya.

"Eloi, I... I'm starting... I'm starting to fall in love with yo--" he cutted-off. May bumusina kasing sasakyan galing sa likod. Nang tumingin kami sa kalsada naguumpisa na palang mapawi ang trapiko. Kulay berde na rin iyong stoplight.

Nakatunganga lang siya, pinalo ko iyong braso niya dahil bumusina ulit yung nasa likod. "Paolo! Green na yung light!"

"Ahh... fuck, yes. I'll start the car, sorry." sambit niya at he started the car and drove slowly.

He's really losing his mind.

Nang tumunog ang elevator ay nagising bigla ako sa paglipad ng aking utak agad namang lumabas iyong lalaki. Lumabas na rin ako.

Paghakbang ko ay may para akong naapakang bagay. I checked it.

It's a necklace. Agad kong kinuha ang kwintas at luminga-linga para hanapin ang lalaki. Pero wala... wala na siya.

Tiningnan kong mabuti ang kwintas. Ang disenyo nito ay infinity. Woah.

Naglakad na ako papalabas at ibinulsa ang kwintas. Kapag nakita ko ulit siya ibabalik ko sa kaniya iyon.

~*~

"Eloi!" sigaw ni Japshane na nagpagulat sa akin. "Kamusta?" that's double maening for sure. Trending ngayon pag absent ni Paolo. Sinisisi nga nila ako, e. Kesyo nanlalaki daw ako kaya hindi lumasok si Paolo. May nagsabi ring hiwalay na daw kami. Hays. Pinapaulanan na ako ngayon ng blockmails. May nagbigay ulit ng red blooded letter. Wag daw akong pumuntang Ball. Sisirain niya daw gown ko. Wala naman talaga akong balak pumunta doon.

WTF: PLAYS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon