4th Chapter

2.6K 130 3
                                    

Paolo's Point of View

NAPAGDESISYUNAN ko na mag unwind muna, problemadong-problemado ako dahil sa marriage na plano ni Lolo, pupunta ako sa usual tambayan namin ng mga kaibigan ko, at iyon ang bar na pinag-inuman din namin kagabi. Mabuti na lang ay may spare phone ako, ito ang ginamit ko para tawagan si Dominic at sunduin. Dumaan ako sa balkonahe ng kwarto ko para hindi mahuli ni Lolo, mahirap din naman ikuntsaba ang secretary niyang loyal.

Tulad ng plano, nandoon na nga si Dominic, wala ang dalawa, mabwibwisit lang ako kung nandito sila.

"Why did you call me, dude?"

"Sa bar tayo ng mga Mendoza, saka ko na ikwekwento," umupo ako sa passenger's seat, binuksan ang binta at ipinatong ang siko doon.

Kailangan kong mag-laro para mawala ang negativity sa katawan ko, and that game means, playing feelings.

When we arrived at the bar, umuugong ang tugtugin sa bawat sulok, may iba't ibang kulay ring umiikot sa buong paligid. It's too loud para roon mag-usap, kaya pumunta kami sa VIP room.

"Ipapa-fix na naman ako, dude, bago noh?" Pagbibiro ko, laging ito ang problema ko, sobrang bago.

Dahil hindi na kami bago sa bar na ito ang mismong naghahandle pa na si Niel ang naghatid sa amin ng inorder na special tequila.

Dala nito ang sampung baso ng tequila sa isang tray, mixed ito at specialty niya, hindi siya barista pero hilig niya ang mag-ganon.

"Salamat, pareng Niel!"

Nag-thumbs up ito. "No problem, Scott," lumabas na ito kaagad dahil mag-DDJ pa para sa mga nagpaparty.

"Bottom's up!" Maligayang sigaw ko at inom ng unang shot sa sampong baso sa lamesa. "I need to be high so I can forget the stupid thing I have done! May nakilala akong isang Dalagang Pilipina? Phew. There is no such thing anyway," tumawa ako at uminom ulit.

"Don't drink too much, baka mamaya sa Jolo ka na mapadpad. Ano ang plano mo?" Nakadalawang shot na ako pero si Dominic ay hindi pa rin kinikibo ang hawak na baso. Kung ihahalintulad sa isang bagay ang kaibigan kong si Dominic, wala ng iba kundi isa siyang yelo, bukod sa malamig na personality, matigas pa puso at walang napakalamig sa mundo.

Umubo muna ako bago maglitanya. Dalawang beses kong pinaasa ang kaibigan sa plano pero nagkibit balikat na lang ako. "Hindi ko rin alam, ikaw ba may plano ka?"

"Dude, bakit mo ipinasa sa akin? That's your problem, not mine," tulad ng expectation ko, wala ring dulot, kapag naman nandito ang dalawa, si Lance at Warren, puro kalokohan ang isasuggest nung mga 'yon. At mahirap na maraming makaalam ng maiisip kong plano. Hindi naman na wala akong tiwala sa mga kaibigan ko kundi dahil mas konti, mas maliit ang posibilidad na hindi mabuko.

"Umaasa lang ako, hindi naman masamang umasa, malay mo naman may pag-asa," napakunot lang si Dominic sa sinabi ko.

"I actually have a plan, would you mind if I tell you?" Nagpantig ang tenga ko at napangiti ako, minsan talaga masarap umasa kung iyong inaasahan mong mangyari ay matutupad. If you know it is worth assuming for, why not kept on assuming it?

Bilib na talaga ako sa cold-hearted kong kaibigang ito, silent but deadly kung mag-isip! This is the first time he come up with a plan, and I bet, it is not just a good but an amazing plan.

Ngayon na alam kong wala na akong dapat pang isipin, lumabas ako at sinabi ko kay Dominic na maglalaro lang. Bumuntong-hininga ang naiwan na si Dominic sa VIP room.

"Golden Margarita, pareng Niel," order ko at saka upo sa isang bakanteng upuan, pinagmamasdan ko lang ang mga nag-sasayawan sa dancefloor, wala pa akong target, pero hindi ko naman kailangang maghanap dahil panigurado may kusang lalapit.

WTF: PLAYS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon