Sorry for the late update, I was working to Rainy Night these past few days and the prologue will be out next week. It will take your time because it's 6k chapters each. Kaya I will only have a weekly update. But if hindi ko kakayanin I will update if will have spare time, since I will work to Last Nightfall after this.
[Kabanata 28]
NAGTAGAL ng ilang segundo ang halikan namin. Naudlot lang 'yon ng biglang bumukas ang pintuan ng kan'yang kwarto. Pumasok si Papa na naka-straight face.
“I-d-discharge ka na hijo. I hope, you'd go in our house tomorrow. May pag-uusapan lang tayo kasama ang aking pamilya. Naasikaso ko na lahat ng papeles mo.” Sinulyapan ako ng Papa at parang sinesenyasan na tulungan si Kaleb sa lahat. “I guess I need to give you more time. Pwede kayong mamasyal dalawa. Bast—,” I cut Papa off.
“Sige na Pa, mag-commute nalang ako pauwi mamaya. Wala namang dalang gamit si Kaleb dito kaya pwede naman kaming mamasyal. Susulitin namin ang araw na 'to.” Saad ko at tiningnan si Kaleb na nakatingin lang pala sa 'kin kanina pa. Alam ko na ang gustong sabihin ni Papa kay Kaleb. Ayaw ko muna 'yong maalala. Ayaw ko rin silang suwayin.
If choosing him... means disowning me as their family I can't accept that. But I promised Kaleb na pipiliin ko na siya. Pag-iisipan ko pa, ngunit gusto ko ring siya naman muna. Hindi 'yong lagi ko siyang sinasaktan.
Matapos lahat ng mga dapat gawin ay nakita ko na lang ang sarili ko na magkahawak-kamay kami ni Kaleb habang nasa plaza. Napatingin ako sa mga tao sa plaza na may mga ngiti sa kanilang mga labi. Alam mo talagang masaya sila.
Kanina pa ako nagpapatianod sa pagkakahila ni Kaleb, hindi ko rin alam kung saan kami papunta. Nang mapunta kami sa pinakagilid ng plaza ay naroroon lahat ng mga stall ng street foods. Napatingin ako sa lalaking nagtitinda ng tempura. Gusto 'yong tempura kasi masarap at mas sumasarap pa siya kapag masarap din 'yong sawsawan.
“Saan mo gustong bumili?” Binalingan ako ni Kaleb matapos suyurin ng tingin ang lahat ng stall. Naghihintay na lang sa sagot ko. “Sa kay Kuya na nagtitinda ng Tempura.” Sinunod naman niya ang sinabi ko.
Iniwan niya muna ako sa isang pandalawang table, na may magkatapat na dalawang silya. Umupo ako roon at tiningnan siyang bumibili. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa 'kin na girlfriend na ako ni Kaleb. Noon, naguguluhan pa ako sa mga nararamdaman ko para sa kan'ya.
Ngunit ngayon, nalaman ko na kung ano ang sagot sa lahat ng katanungan ko sa kan'ya. Ang alam ko lang ay mahal ko siya. Handa na rin akong lumaban para sa aming dalawa. Hindi na ako magiging mahina, kailangan kong magpakatatag para sa aming dalawa.
He was holding a paper plate with tempura in it. Napatingin ako kan'yang mukha na nakangiti, hindi ko rin maiwasang hindi rin ngumiti. We are both happy now, I know we are the strength and weakness of each other. Kaya kami lang din ang kayang lumaban at magpakatatag para sa aming dalawa.
Umupo siya sa tapat ko at nilapag na ang dalawang paper plate ng tempura. “Tang*na, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang saya-saya ko Arra!” Nakangiti ko na rin siyang tinitigan. Ibinigay niya sa 'kin ang isa sa mga paper plate, kasabay ng stick para pantuhog nito.
“I'm much more happy,” I told him honestly. Hindi ko rin maipaliwanag kung ga'no ako kasaya ngayon. Knowing that it's my first time spending my time with him, my first time being his girlfriend. “Arra. Seryoso ka na ba talaga sa 'kin?”
Napahinto ako sa tanong niya at nginitian siya. Bakit naman hindi? All I know is I love him that much, and I want to risk. Hindi na ako papayag na hindi nila ako magugustuhan para sa kan'ya, kahit na ayawan na ako ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Last Daybreak | ✓
Roman d'amourLast Series #2 | Complete Nang dahil lang sa isang oras, na hindi inaakala ni Arra Aerra Cañete. Biglang magbabago ang kanyang hangarin sa buhay. Ang dating maldita at mataray, ay magiging mabuti habang buhay? Ano bang nangyari sa oras na ito, upang...
