[Prologo]
NASA hapag kainan kaming lahat ng aking pamilya, ni isang tunog na nagmumula sa mga pinggan ay hindi mo maririnig. Lahat ng miyembro ng pamilya ay parang kalkulado kung kumilos.
Napatingin ako sa mga kapatid ko na nasa postura habang kumakain, pati pagbalik ng mga baso kung saan nila ito kinuha ay naibalik nila talaga ito. Pati na rin si Papa na nakakunot ang noo habang kumakain, gan'to talaga kumain si Papa parang galit lagi.
Si Mama naman ay nakataas ang isang kilay habang marahang hinihiwa ang ulam na nasa kanyang plato. Habang ako, halos hindi na makakain kasi mapapagalitan ako kung makakagawa ako ng tunog habang kumakain.
Marahang tumayo si Ate, pagkatapos ay nagsalita ito. “Thanks for the dinner, I'll just finish my paperworks.” In a snap, isa na lang sa mga kapatid ko ang natira. We are three siblings, ako 'yong pinakabunso.
At 'yong tumayo kanina, siya si Ate Aela. She's in SHS na, and busy talaga sila sa mga paperworks ngayon. Pressured din kasi matalino siya. Maraming papuri ang natatanggap niya, pati na rin si Ate Aisha. Si Ate Aisha naman ay Grade 10 at ako Grade 9.
Hindi kagaya nila. Hindi ako matalino, pero kaya ko namang pumasa kahit hindi ako gano'ng katutok sa pag-aaral. Thankfully, nasasali pa rin ako Top 10 ng hindi pressured. Kahit na sermonan pa ako ni Papa, I don't even care.
Sanay na ako sa mga sermon ng pamilya ko. Minsan tinatarayan ako ng dalawa kong kapatid, pero tinatarayan ko din sila pabalik. Hindi por que matalino sila, pwede na nila akong i-belittle. I don't care about their achievements as long I am still living. Live your life at its fullest ika nga.
Kahit na marami akong iniisip, kung saan-saan na ako dinala ng isip ko ay nagpatuloy pa rin ako sa pagkain. Narinig kong tumikhim si Papa at tumingin sa gawi ko. Oh no!
“How's school, Arra?” Hindi ko alam pero para akong nanigas sa boses ni Papa. May kakaibang impact, na kapag naririnig mo na siyang magsalita.
Hindi ko sinasadyang nakalikha ng tunog sa plato ko. Naramdaman kong natigilan silang tatlo at sabay akong tiningnan.
“Ilang beses ba akong mag-re-remind sa inyo at lalo na sa'yo Arra na huwag na huwag kayong lumikha ng ingay sa hapag-kainan!” Inis na singhal ni Papa kaya napapikit ako sa takot. If hindi ako takot sa ibang miyembro ng pamilya ko, Papa is an exception.
“Kababaeng tao, hindi naman naayon ang mga kilos. Hindi ka nalang gumaya sa mga kapatid mo!” Napayuko ako ng marinig ang kanyang mga sinasabi. Palagi na lang 'yan niyang bukambibig.
Why would our parents tend to compare their children?
Bakit hindi na lang nila tanggapin na may iba ibang flaws ang kanilang mga anak?
“Arra, pumanhik ka na sa kwarto mo.” Sabat ni Mama at marahan naman akong tumango at iniwan silang lahat do'n ng walang paalam. Narinig ko pang nagmura si Papa pero hindi ko na 'yon pinansin.
Sa isip ko ay nagpapasalamat ako kay Mama na sumabat ito kung hindi maluluha talaga ako sa lahat ng sasabihin ni Papa do'n.
Pagkapasok ko sa loob ng aking kwarto ay do'n na ako umiyak. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ako pa 'yong pinanganak dito?
Lagi ko na lang iniisip na ipinanganak ako sa mundong 'to para lang saktan.
Agad akong lumundag sa aking kama at humiga ng nakatihaya. Napatitig ako sa kisame, habang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Sa dinarami-rami ko ng inisip, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
I was awaken because of a touch on my face, it felt like someone touched it. The touch was cold, like the cold air during dawn.
My eyes were still half-open when I roamed my sight at the side of my bed, then I saw a silhouette, I can't see it clearly because my sight was still blurry.
My tears streamed down into my face again. Hindi ko alam bakit ko biglang naramdaman na may karamay ako. Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto at nakabukas 'yon, tiningnan ko rin ang anino na nakita ko kanina at ngayon ay naging klaro na.
Sisigaw na sana ako nang takpan niya agad ang bibig ko. “I came here to check you, did they something wrong?” Bungad nito sa 'kin pero hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko siya.
“Manyakis!” Napasigaw ako kaya agad na naman niya akong pinatahimik gamit ang kanyang mga palad na malalaki, ramdam ko rin ang lambot ng mga ito.
“I said my main reason, don't accuse me things easily.” He glared at me, as a reply I rolled my eyes at him and was about to shout again. “Stop shouting or else...” napataas naman ang mga kilay ko sa sinabi niya, naghahamon. “Nevermind.” he shookt his head.
That dawn or daybreak filled with laughters, problem sharing and everything felt light and a little comfortable. But a news, shocked my whole system and I can't process it easily.
It was exactly 3 am, that something happened and I didn't know that it can change me.
BINABASA MO ANG
Last Daybreak | ✓
RomansLast Series #2 | Complete Nang dahil lang sa isang oras, na hindi inaakala ni Arra Aerra Cañete. Biglang magbabago ang kanyang hangarin sa buhay. Ang dating maldita at mataray, ay magiging mabuti habang buhay? Ano bang nangyari sa oras na ito, upang...
