Just don't mind the book cover, HAHAHA. I know wala 'yan sa story, basta cover na 'yan.[Kabanata 30]
JUST THEN, parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya kayang paniwalaan. We just talked earlier! Hindi niya ako iiwanan. Para agad nagsibalikan lahat ng mga sinabi ni Kaleb sa 'kin.
“He was beaten up by his father when he went back home. Grabe ang pagkabugbog niya, Arra. Hindi niya kinaya. Halika... kailangan ka rito.” Agad naputol ang tawag ng sabihin niya ang pangalan ng ospital kung saan naroroon si Kaleb.
Agad kong tinungo ang baba, dahan-dahan din ang paglakad ko baka magising pa ang aking pamilya. Ayaw kong malaman nila kung saan ako pupunta, kahit na sabihin ko pang ipaglalaban ko si Kaleb sa kanila. Gusto kong puntahan si Kaleb, nagbabasakali na hindi totoo ang mga sinabi sa 'kin ni Yesha. Hindi 'yon totoo, alam ko 'yon baka prank lang.
Malapit lang ang ospital na sinabi niya. Hindi na ro'n sa Ojeda Doctor's Hospital. Kaya pwede ko na ring lakarin since walang pwedeng masakyan sa gan'tong oras. Hindi ko maramdaman ang pagod dahil sa pagmamadali ko. Nang hindi ko kinaya ay magpahinga muna ako, umupo ako sa gilid ng kalsada. Napatingin sa daang walang tao, tahimik lang sa gan'tong oras.
Tumayo rin ako kalaunan. Hindi dapat ako mapagod. Kailangan kong puntahan si Kaleb. Ilang minuto lang ay nasa ospital na ako, tinanong ko agad ang nurse kung saan ang morgue nila kaya agad kong hinanap 'yon. Nang matunton ito ay agad akong pumasok at biglang may pumutok at nagsiliparan ang iba't ibang kulay ng papel.
“Happy Birthday!” Gulat ko silang tiningnan lahat, naroroon ang pamilya ko, si Yesha at si Kaleb na nakangiti sa 'kin. Hindi ko nakapagsalita at nakakilos man lang sa nangyari. Paanong? Hindi ako makapaniwala. Napaiyak ako at napahagulhol. Akala ko... akala ko iiwan na niya ako. Fuck him! I thought... all of those were just a prank! Akala ko talaga.
Agad na may yumakap sa 'kin at pinatahan ako pero tinulak ko siya at pinagsusuntok sa kan'yang dibdib. “Akala ko! Akala ko may masamang nangyari!” Naiiyak kong sabi ngunit tinawanan nila ako. Hindi talaga ako makapaniwala na hindi 'yon totoo, at isa pa narito ang pamilya ko.
“Happy Birthday, Arra!” Greet sa 'kin nina Ate Aisha at Ate Aela. They even handed me a gift, magaan lang at malaliit na boxes ang binigay nila sa 'kin. The two of them were genuinely smiling. “Happy Birthday, Anak.” Papa greeted me and handed me also a gift. He even huged me tightly after handing it to me, Mama followed. Walang halong kaplastikan ang mukha niya na ikinabago ko.
Parang panaginip lahat ng ito...
“Happy Birthday.... Anak.” Napaluha siya ng sambitin ang salitang anak at agad niya akong yinakap. “I don't have a gift. I think my presence is enough, also my hug. Ngayon ko lang ito ginawa sa 'yo.” Napaluha na rin ako sa mga sinabi niya.
“Arra....” Natigil ako at tiningnan ang lahat ng taong nakapaligid sa 'kin na unti-unting nawawala. Buong ngiti silang nakatingin sa 'kin, walang kurap. Tuluyan ko na ring naimulat ang aking mga mata. Napatingin ako sa buong paligid at nasa gilid pa rin ako ng kalsada. Nasa harapan ko si Yesha na siyang gumising sa 'kin.
Nakatingin siya sa 'kin na nag-aalala. “Arra, halika na.” Agad niyang kinuha ang aking kamay at hinila ako patungo sa kung saan ngunit alam ko rin na sa ospital ang aming pupuntuhan. Ilang minuto rin ang lumipas at nasa entrada na kami ng ospital. Ibang ospital ito. Napagtianod pa rin ako kay Yesha hanggang sa huminto siya sa tapat ng pintuan na may nakasulat sa itaas na Morgue.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sana... pareho ng panaginip ko. Ngunit hindi ngayon ang birthday ko. Bakit naman gano'n ang napaginipan ko?
BINABASA MO ANG
Last Daybreak | ✓
Roman d'amourLast Series #2 | Complete Nang dahil lang sa isang oras, na hindi inaakala ni Arra Aerra Cañete. Biglang magbabago ang kanyang hangarin sa buhay. Ang dating maldita at mataray, ay magiging mabuti habang buhay? Ano bang nangyari sa oras na ito, upang...