[Kabanata 17]
WE CAN'T really assume that all of the people who surrounds you won't hurt you. Even the person whom you trust, can shatter you into pieces.
Habang nakatitig ako sa kan'ya, nanatili pa ring malabo ang aking paningin. Unti-unti ko ring binawi ang aking kamay na nasa kan'yang pisngi. Ngunit pinigilan niya ito, hinawakan niya at pinisil.
“Bakit ka umiiyak?” Now, his voice changed. I can now tell, that he's concern but I'm afraid of my assumption.
Paulit-ulit niya iyong pinipisil na I find it comforting. Minsan, he would rub his fingers on mine. Nakikiliti ako, pero hindi na rin ako umangal.
“Sumilong tayo sa burol,” pinal niyang sabi kaya tumango na lang ako.
Hindi na rin tumulong muli ang aking mga luha. Parang dahil lang kay Kaleb, agad din itong nawala. Hindi ko alam bakit gan'to ang epekto niya sa 'kin, naguguluhan na talaga ako.
Hawak pa rin ang aking mga kamay ng dinala niya ako sa burol. Hindi niya rin naman ako sinabihan na tumingin sa dinaraanan, dahil sa paglalakad namin nanatili ako sa pagkakayuko. I also trust him.
Even though, nasaktan niya ako kanina. Hindi ko kayang magalit sa kan'ya. Hindi ko gustong hindi kami mag-imikan.
Nang nadala niya ako sa burol ay hinarap niya ako. Binitawan niya ang aking kamay na kan'yang hawak kanina. Pero hindi ko inaasahan na hinawakan niya ang aking pisngi at pinilit akong harapin siya.
Ngumiti siya, agad akong nag-iwas ng tingin pero hinarap na naman niya akong muli. I don't want to smile back at him. Hindi ko gustong maging marupok.
Rinig na rinig ko rin ang pagdadabog ng aking puso, galit na galit habang patuloy na isinisigaw ang pangalan ng lalaking kasama ko.
And now, with his effect on me. The way my heart beats for his name. I know, I will claim that I like him.
I like Kaleb Evan Montealegre. But, does he like me?
“I told you already that you can share your problems with me, eh?” His soothing voice made my knees tremble, I can't withstand how good his voice to my ears was.
“Punta ka na sa girlfriend mo.” Umiwas ako ng sabihin ko sa kan'ya 'yon, napasinghap naman siya at unti-unting tumawa.
Hindi ko naman alam kung ano ang nakakatawa.
“Sinong nagsabi na girlfriend ko siya?” Inirapan ko na lamang siya sa kan'yang sinabi. Obvious naman talaga.
“Sabi niyo kahapon, you two are dating.” Mahina kong saad. Hindi ko pa rin masalubong ang tingin niya at bahagyang napalabi.
“And you believe on that?" Tinatanong pa ba 'yon? Bakit hindi ako maniniwala kung kumalat 'yon?
“Bakit naman hindi?” Mataray na tanong ko sa kan'ya na ikinangiti niya. I raised a brow at him.
“I don't want to conclude that only me can make your mood change.” My forehead creased at that statement. What does he mean? Assuming siguro 'to!
“You only changed the topic!” Naiiritang singhal ko sa kan'ya. Agad ding naging seryoso ang kan'yang ekspresyon kaya natahimik ako. Parang gusto ko na lang tumakbo.
“If I will say that we aren't truly dating, then hindi nga. I'm a man of my words, Arra.” Napairap ako sa sinabi niya. That I'm a man of my words thingy, I find it cliché.
“Pwede bang magsabi ka naman ng magandang line. Laos na 'yon sinabi mo, e.” Pagtataray ko pa sa kan'ya, nakita ko pang nabigla siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Last Daybreak | ✓
RomanceLast Series #2 | Complete Nang dahil lang sa isang oras, na hindi inaakala ni Arra Aerra Cañete. Biglang magbabago ang kanyang hangarin sa buhay. Ang dating maldita at mataray, ay magiging mabuti habang buhay? Ano bang nangyari sa oras na ito, upang...
