Kabanata 26

14 3 29
                                    


Tw : Domestic Violence

[Kabanata 26]

I WAS crying the whe time. All I saw was darkness, someone blindfolded me. Hindi rin ako makapaniwala na hindi ko siya natulungan. Ang tanga ko. I'm a failure.

Bahagyang umuga ang sasakyan kung saan ako lulan. Hindi ko alam, kung delivery truck ba ito sa likuran ako nilagay. Ngunit kahit na natatakpan ang aking mga mata ay hindi maawat sa pagtulo ang aking mga luha.

Lahat nalang talaga ng tao... lolokin at sasaktan lang ako.

Ngayon, napagtanto ko na sa akin ang mali. Ako 'yong mali, dahil simula't sapul hindi ako kailanman ginusto. Ginusto para mabuhay.

Kung hindi nila ako ginusto, so it means they hate me. They don't want me here... existing in this cruel world.

Napasigaw ako dahil bigla akong nauntog, ang sakit sa ulo. Dahil do'n, samu't saring alaala ang nagsibalikan.

“Arra!” Tinulak ako ng classmate ko dahil ayaw raw nila sa 'kin. Napatingin ako sa kanila ng maluha-luha, lagi ko na lang pinipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa 'kin.

“Lumayo ka!” Sigaw ng crush ko, sa elementary. Napayuko ako at napatingin sa hugis puso kong card na naglalaman ng damdamin ko. Napatingin ako sa card, nakita kong pinulot niya ito at agad naman akong natuwa. Pero nagsitulo ang aking mga luha, nang harap-harapan niya itong pinunit. “Alam mo? Hindi ko magugustuhan ang kagaya mo. Walang may gusto sa 'yo.” Tinulak niya ako sanhi upang tumama ang ulo ko sa isang bakal. Kahit crush ko nga, sinaktan ako.

“Mama! Look at my work!” Pag-aagaw ko sa atensyon ni Mama na nakatuon sa dalawa kong nakakatandang kapatid. Naiirita niya akong tiningnan. “One star?! Hindi ka ba gagaya sa mga kapatid mo na laging A+! Masaya ka na sa gan'yan. Umalis ka nga! Mag-aral ka na ro'n, para maibsan naman ang kabobohan mo.” Tinulak ako nito palabas at pinagsarhan ng pintuan. Doon, lumandas ang aking mga luha.

Pinalis ko ang aking mga luha ng maalala lahat ng 'yon. Kailan ba ako sumaya?

Kahit hindi ko matandaan, I know naging masaya ako for a short of time. Sinakop lang ako ngayon ng kalungkutan kaya hindi ko maalala, alam ko naman ding naging masaya ako hindi ko lang nahahalata.

Simple things can make you happy, you must be happy enought because until now you're still breathing.

Naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Nang tumigil ito, agad sumalubong sa 'kin ang liwanag. Kinuha na rin ang nakatakip sa aking mga mata at agad bumungad sa 'kin ang walang emosyong mga mukha ng aking pamilya.

“You had the guts to leave, us. Hindi ka nakonsensya.” Mataray na ani Ate Aisha, napatingin ito sa kan'yang cellphone at natuwa sa nakita.

Tumalikod ito sa gawi ko sanhi upang makita ko ang screen ng kan'yang cellphone. In a relationship?

May jowa si Ate? Alam ba nila Mama 'to?

“Hayaan niyo na. Halika ka Arra, punta ka na sa kwarto mo. May pagkain do'n, saka magbihis ka na. Ang dungis-dungis mo, ang dugyot.” Kahit na sinubukan ni Mama na kalmahin ang kan'yang pagsasalita ngunit hindi niya pa rin maitago ang pandidiri.

Napatungo ako at hindi na kayang salubungin ang kanilang mga tingin. Ate Aela, beside Papa was quiet. While Papa's eyes pierced through me.

Parang marami siyang gustong sabihin pero hindi lumabas sa kan'yang bibig. Napatingin din ako kay Mama na sinubukang ngumiti sa akin ngunit alam kong peke.

Last Daybreak | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon