[Kabanata 4]
GALIT NA GALIT akong nagmartsa patungo sa kinaroroonan ng lalaking itinuro ni Ayesha, 'yong lalaki rin palang bumangga sa 'kin kahapon. Sinuswerte ka pa naman.
“Arra, wait! Huwag siya, ayaw kong maging karibal kita!” Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Ayesha dahil wala naman itong saysay. Hindi ko rin gusto maging karibal siya at kailanman hindi ako magkakagusto sa lalaki.
“Akala ko ba walang spark?” Sinabayan ko na lang siya. Gusto ko rin siyang asarin habang patuloy naming binabagtas ang kinaroroonan ng lalaki.
“Hindi, joke lang 'yon! Huwag kang magpakita sa kanya. Akin nalang 'yon.” Pagmamakaawa pa niya at sinubukan niya pa akong pigilan pero hindi ako nagpatinag.
“May atraso siya sa 'kin, hindi ko siya aagawin.” Galit na ani ko at nagmadaling maglakad. Ang bagal kasing maglakad ni Ayesha, kaya naiwan siya. Bahala nga siya sa buhay niya.
Sa wakas nakita ko na rin ang lalaki. Pero no'ng napadako ang tingin niya sa gawi ko parang bumagal ang takbo ng mundo ko. Bakit kasi ang gwapo?
Hindi ko naaninag ang mukha niya no'ng nabangga niya ako, e. Kaya hindi ko rin alam na gwapo ito. Pero, may atraso pa rin siya sa 'kin. Hindi ko siya kayang gustuhin dahil sa ugali niya.
“Hey jerk!” I called him and his gaze turned at my direction. Agad kumunot ang noo niya ng makita ako, para pang kinikilala ako.
Tinuro niya pa ang sarili at tiningnan ang buong paligid. “Ako ba?” Napairap ako kasi maangas ang dating niya nang magtanong siya.
“Hindi, siya.” Mataray na saad ko sabay turo ko sa katabi niya. Agad nanlaki naman ang mga mata ng lalaking katabi niya na hindi ko type, narinig ko rin ang asaran nila. Napairap ako.
“Siya pala, e. Sige, sibat na ako!” Aakma siyang tatakbo ng binato ko siya ng doll shoes ko. How dare he!
“Aray!” Daing niya nang tumama sa kanyang likuran ang doll shoes ko. Napairap na naman ako, ang oa naman ba kasi. Rubber 'yon, magaan tapos aaray siya? Kalalaking tao.
“Miss, pwede ka naming i-report sa prefect of discipline.” Sabat no'ng lalaki na tinuro ko kanina. Inirapan ko lang siya at pinagkrus ko ang aking mga braso.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa Kaleb na sinasabi ni Ayesha. Pinagtaasan ko siya ng kaliwang kilay. “I think you need to apolize to me.”
“Luh, ikaw dapat gumawa niyan.” Natatawang sambit niya. Gosh, I hate this kind of personality. Like maloko, parang ang hirap maniwala na nagseseryoso.
“Have you forgotten what you did to me yesterday morning?” I asked, sarcastically. Pero tumawa naman siya sa 'kin at sinabayan nalang din siya ng mga loko-loko niyang mga kaibigan.
“Paano ko matatandaan kung hindi naman kita kilala. Miss, ikaw ang lumapit sa 'min at binato pa ako ng sapatos. Ikaw dapat ang humingi ng tawad.” Magi-guilty na sana ako sa ginawa ko kasi seryoso siya no'ng sabihin 'yon pero agad naman din siyang tumawa at sinabayan na naman ng mga kaibigan niya.
Seriously? Para iwas kahihiyan, sinasabayan siya? Sino ba siya?
“Binangga mo ako kahapon! How dare you!” Dinuro ko pa siya at siya naman, sinangga ang mga daliri ko. As if naman tutusukin ko ang mga mata niya. That's all dirty, duh.
“Miss, hindi ko maalala na may nabangga ako.” Pag-aamin niya pero ramdam kong nag-aalinlangan siya. See, hindi siya sure sa mga ginawa niya kahapon. For sure maraming kalokohan ang ginawa nito.
“Think first, or else you'll be my prey.” Iniwan ko siya do'n na naguguluhan at sumalubong sa 'kin si Ayesha na hingal-hingal.
What the heck? Ang bagal niya. Ilang meters lang naman ang kinaroroonan namin, hindi siya agad nakasunod?
BINABASA MO ANG
Last Daybreak | ✓
RomantizmLast Series #2 | Complete Nang dahil lang sa isang oras, na hindi inaakala ni Arra Aerra Cañete. Biglang magbabago ang kanyang hangarin sa buhay. Ang dating maldita at mataray, ay magiging mabuti habang buhay? Ano bang nangyari sa oras na ito, upang...
