Kabanata 7

25 5 31
                                        


[Kabanata 7]

NAKATULALA ako habang nakatingin kay Kian sa 'di kalayuan. Malamang, sa arm chair niya. Nagbabasa ng libro.

From where I am, I can see clearly how handsome he was. His thick eyebrows, down to the bridge of his nose and how pointed his nose was. Those pinkish-red lips, those prominent jaw and his overall face. Also, I said his skin was fair. Those, messy hair that made him look more attractive.

Nagulat ako ng tumingin ito sa banda ko at agad tumalikod na sumalubong naman agad ang nakataas na kilay ng best friend ko. 

“Oh, bakit parang nakakakita ka ng ghost?” She asked confusedly and loudly and I'm sure that Kian can hear it. Damn!

“W-wala!” Pagtanggi ko at inayos ang aking postura. Tumikhim pa ako at kunwaring nagbasa.

Thankfully, hindi kagaya no'ng mga nababasa ko at nakikita sa k-dramas hindi baliktad ang libro. So, successful.

Pasimple akong tumingin sa gawi ni Kian. Napapikit agad ako at napakagat labi dahil nakatingin pala sa 'kin. His stare that almost make me melt!

Siniko ko so Yesha at agad itong umangal. “Bakit ka ba naniniko?”

“Just look at where Kian is. Nakatingin pa rin ba rito?” I whispered, that the both of us can only hear.

“Pake ko kung nakatingin dito? Ikaw na nga ang tumingin. Nagbabasa ako, e.” Mataray na tugon niya. The hell, sasampalin ko 'to mamaya.

I scoffed, “are you really reading or adding a person on your crush list?”

“The hell you care! Naghahanap ako ng posibleng pag-confess-an. 'Yong sure ball!” Tumili siya, pero hindi siya pinansin ng mga kaklase ko. I don't know what's Kian reaction. Hindi ko pa rin kayang tingnan siya.

“They or him, can't resist me,” she added, and nodded.

Okay?

Still, I can't get Kian out of my mind. Why the hell, he'd do that?

Bakit niya naman susuntukin si Kaleb, wala namang ginagawa ang tao?

Ah, yes. Nagbanggaan kami, but hindi naman siya sangkot sa nangyari. Hindi rin kami friends, or...

does he like me?

No, scratch that. It's impossible. Ayaw ko namang paasahin ang sarili ko, and hindi ko pa rin nako-confirm if I really have a crush on him.

“Bakit ang lalim ng iniisip mo?” Untag sa 'kin ni Yesha, kaya agad nagising ang diwa ko.

“Ha?” Medyo naka-float na tanong ko.

“Hakdogerist!” She's so epal talaga. Like, I want to slap her for how many times. Hindi marunong mag go with the flow.

“Okay,” walang ganang saad ko.

Lutang akong pumunta sa canteen, for lunch. Hindi ko na naman mahagilap ang higad na best friend ko. Saan kayang lupalop 'yon tinangay ng hangin.

Blown by the wind, lang?

Nang nasa entrance na sana ako. Natigil ako dahil sa nangyari kahapon. Oo nga, nakakahiya 'yong nangyari. Kaya kahit na gusto kong bumili, lalabas na lang ako.

Tumalikod na ako at hindi ko sinadya na mapayakap sa taong nasa likuran ko. Shit, ang bango. Napunta sa dibdib niya ang kamay ko at bahagyang dinama ito.

Not bad, kahit na hindi gano'ng matigas. Paano kaya if sa part ng tummy niya. May abs kaya?

“What are you doing?” That cold voice made me shiver. What the hell!

Akala ko ba kahapon ang unlucky day ko pero hindi ako na-inform na until now pala. Iniiwasan ko nga siya simula kanina.

“Ah, sige. Bye!” Agad akong tumakbo papalayo roon.

Sinundan ba ako ni Kian? Chos, ang assuming ko naman kung gano'n.

Agad naman akong tinubuan ng kahihiyan sa ginawa. Did I just, felt him?

Bakit ko 'yon ginawa? Si Kian pa!

Frustrated akong naglakad patungo sa isang bench sa field. Kitang-kita roon ang mga students na gumagala, since lunch. I saw couples nearby, and I just wanted to shout PDA!

Hindi na rin ako ginutom dahil lang sa ginawa. Nahihiya ako sa kan'ya at ayaw ko siyang makita ko maka-interact man lang kasi hindi ko pa rin alam ang reason niya no'ng sinapak niya si Kaleb.

“Oh, Arra!” A familiar voice came out from nowhere.

Tumingala pa ako para makita ito, though napatakip naman ako sa mata dahil sa sinag ng araw. I looked at him, a bit shocked.

“Have you eaten your lunch?” He asked calmly.

We aren't friends, and we just met earlier.

“Oh, I haven't,” I replied casually.

“Ah, friends na tayo ah!” He beamed in excitement. Seriously?

Lalaki ba 'to. Para siyang babae, or pareho sila ng personality ni Kaleb which is maloko.

“What should I call you, then?” I asked.

“Kurba nalang.” Tumango naman ako. “Since wala namang pwedeng itawag sa 'yo, so Arra pa rin.”

Tumawa ito dahil sa sinabi pero wala akong nakitang rason para tumawa. Nakakatawa ba 'yon?

“Pero, seriously. Anong status niyo ng cousin ko?” Kahit na hindi ako kumakain, nabulunan ako sa sariling laway. Napatuwid pa ako sa pagkakaupo.

He's looking at me, raising a brow. “Huh? Anong status?”

“Wow, ang galing mo rin eh. Hindi man klaro sa 'kin kung bakit biglang sinapak ni Kian 'yong lalaki kanina, pero I came out with a reason na ikaw 'yon.” Tumatango-tango pa 'to habang nagsasalita. “Pero masakit naman umasa.”

What the hell?

“Masakit umasa?” Napatanong tuloy ako ng nag-aalinlangan.

“May crush kasi ako, hindi ko alam kung crush ko ba o gusto na.” Nagulat ako sa biglaan niyang pag open up.

I thought people nowadays don't trust easily with people they just met.

“Oh... tapos?” Interesting naman kasi ang sinasabi niya so na curious ako kung anong nangyari.

“She's my childhood friend.” Oh, sikat na pala 'yan. Sa childhood friend nagkakagusto.

“Oh, anong masama do'n? Baka gusto ka rin.” Thought I'm not really sure.

Hindi naman kasi lahat nagkakagusto sa matagal mo nang nakakasama, minsan sa bago mo pa lang nakikilala.

“I don't think na may pagtingin siya sa 'kin. Basagulera kasi 'yon, but it made her more attractive.” Tinamaan ang Lolo niyo.

Though, bago pa kami nagkakilala nitong si Kurba parang ang gaan sa pakiramdam na kausap mo siya. Pwede rin akong makasagap ng information tungkol sa cousin niya.

“Maybe you confess your feelings towards her. Bago pa mahuli ang lahat.” Tumingin ito sa 'kin, unti-unting ngumiti at nagngising aso agad.

“Then confess your feelings towards my cousin, too. Sabay tayo.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell talaga! Paano niya nalaman?

Mind reader ba siya? Am I too obvious?

Buking na ba ako?

Pakening shit! Gusto kong manabunot!

Author's Note :

As I promised, may update sa Sunday. Also, nagsusulat ako sa spare time ko. Or nakakagakit ako ng cp. Kaya short chapters lang meron ako, short chapters nga sa previous story ko 'di ba?

Aim ko lang kasi is 40k+ words count story, so yeaaah!

Update nga ito!

I know votes and comments aren't that important but can you tap the star and leave a comment? Thanks in advance!

Last Daybreak | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon