Trigger Warning : Suicide, Self-Harm/Parasuicide, Domestic Violence
[Kabanata 21]
ANG sarap sa pakiramdam na nagkaayos kami ng best friend ko. Nginitian ko siya at napagpas'yahang naming mag-stay rito sa burol.
Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Bakit sinabi ni Kian na kapatid niya ang nahalikan ni Yesha?
“Totoo ba 'yong sinabi ni Kian? Na hindi siya ang kasama mo no'n?” Hindi siya nakagot at tumingin sa'kin. She shrugged.
“Hindi ko alam. I think, tama siya. They both look alike. So baka nga... better confirm it with him.” Tinanguan ko lang ang sinabi niya. Naninibago rin ako kasi sobrang clingy nitong Yesha.
Parang gusto ko nalang bumalik no'ng panahon na nagtatarayan kami'ng pareho.
“I'll protect you at all cost, Arra.” Yinakap na naman niya ako, hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti. Ang sarap pakinggan na nagmula ang mga salitang 'yon sa matalik mong kaibigan.
“I'll protect you too.” Tugon ko at mas lalong hinigpitan ang aking pagkakayakap.
Umuwi ako no'n na may ngiti. Masayang-masaya ako, dahil kahit na nasaktan ako sa mga nakaraang araw. Nakangiti naman ako pagkatapos.
Pagpasok ko sa bahay nagulat ako ng makita ang mga art materials ko na sira at hindi na makilala. Parang pinaghahampas ito ng kung ano. Dali-dali kong kinuha ang mga ito.
Ang ibang water color paper ko na mayroon calligraphies ay napunit na. Na smudge pa nga ang iba, nasira dahil biglang natuluan ng aking mga luha. Hindi ko nga rin namalayan na tumulo na pala ang mga ito.
Pilit kong pagdikitan lahat. Umaasang mabubuo ulit. Pati ba naman ang hilig ko, idadamay nila. Pati ba naman 'to na nakakapagpasaya sa 'kin, ipagdadamot nila? Hindi ba talaga nila ako hahayaang maging masaya.
I wanted to confront them. But I can't. I can't withstand their hurtful words, if that happens. I can't... I can't accept more pain. I can't... I can't suffer more pain.
I always blame the world for being cruel. I always ask myself if where did I do something wrong?
Saan ba ako nagkamali. Saan ba ako nagkulang. Saan ba dapat ako lulugar?
My suicidal thoughts crept in me. Napapatitig ako sa rope na nasa gilid ng wall. Parang nakikita ko ang sarili kong nakabigti. Parang... hindi ko na kaya pang manatili.
Nakakapagod. Nakakapagod lahat ng mayroon ako. Mismomg sarili ko, nakakapagod.
Iniwan ko ang mga art materials na sira-sira na. Our house was filled with conciliatoriness. Ang tahimik ng buong bahay. Ngunit bakit nangyari ito sa mga art materials ko? Sa mga masterpieces ko?
Sinong may gawa nito?
Dahan-dahan akong lumapit sa rope. Parang may natutulak sa 'kin na kunin ito. Na ito ang tanging solusyon para makapagpahinga ako. Na ito lang ang tanging solusyon para mabawasan ng taong wala namang worth. Taong unworthy.
I wonder if my family will cry? I guess not. I'm not their family. I'm just no one.
Nang makuha ang rope ay napatitig ako nito. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Buti nga, may tumulo pa kakaiyak ko. Akala ko mauubusan na ako ng luha.
“I think... this is the better solution?” I asked myself, smiled bitterly.
If I'll commit suice, it can't change the fact that my family doesn't like me. Parang sasayangin ko lang aking buhay kung gano'n. Wala namang silbi kung mamamatay ako.
BINABASA MO ANG
Last Daybreak | ✓
RomanceLast Series #2 | Complete Nang dahil lang sa isang oras, na hindi inaakala ni Arra Aerra Cañete. Biglang magbabago ang kanyang hangarin sa buhay. Ang dating maldita at mataray, ay magiging mabuti habang buhay? Ano bang nangyari sa oras na ito, upang...
