Leave at least 50 comments, kidding aside. Trip ko lang kasi malapit mag 1k ang comments, lmao. Btw, reto niyo ko sa girl friends niyo chos. Studies first 'to, e. Joke lang.
[Epilogo]
PABABA na ako papunta sa kusina ng hinila ako ni Ate Aela na nakangiti sa 'kin. “You should try this one!” She beamed at that thought, then handed me a dress. Nalaman din nila na may date kami ni Kian. Kanina pa nila bukambibig ang date naming dalawa. “Ate, naman. Date lang 'yon, e.” Inirapan lang ako nito at hinila papunta sa kwarto ni Ate Aisha.
“Sis! Itong kapatid natin, ang cheap! Dapat suotin niya 'tong dress ko 'di ba?” Saad ni Ate Aela kay Ate Aisha na pinagtaasan kami agad ng kilay ng makapasok kami sa kan'yang kwarto. “Ang pangit ng dress na 'yan. You should wear mine, Arra.” Sa halip na suotan nila ako, nanatili ang masama nilang titigan sa isa't isa. Parang anytime magkakaroon ng WW3. Great!
I rolled my eyes and turned my back at them. Basta, gan'to lang ang susuotin ko. I don't care, by the way. Nag-aaway na sila ng tuluyan na akong nasa baba at naabutan si Papa na pinagmamasdan ako. “Where are you going, Anak?” He asked me softly, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hindi ako komportable sa aking pamilya kahit na maayos ang tungo nila sa 'kin.
Parang may parte sa 'kin, na ayaw maniwala.
“Somewhere, Papa.” Tugon ko sa tanong niya. Alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko, wala rin akong balak magpaliwanag. Nakakatamad kasi.
“I overhead, you'd go on a date?” Halos matumba ako sa tanong ni Papa. Seriously? Pati na rin siya?
Honestly, hindi ako pupunta sa date. Wala naman among balak makipag-date ngayon, si Kian? Crush ko lang naman 'yon, never ko ring pinapansin. Hindi ako tipo ng babae na nagpapansin sa kanilang mga crush. It's just for an inspiration, ayaw kong pumasok sa isang relasyon.
“I'm not. Hindi po 'yon totoo.” Tinalikuran ko na siya, how rude I was but I didn't regret it. Hindi ko lang alam kung bakit parang mainit ang ulo ko sa pamilya ko kahit na wala naman silang ginagawang masama.
Nagpakawala ako ng buntonghininga tsaka umalis na sa bahay. I don't know where am I going but I just needed to unwind. Napatingin ako sa nilalakaran ko, patungo ako sa paaralan. Which is, feel ko lang sarado ngayon dahil walang pasok. Tiyak bubungad din sa 'kin ang guard na may bilugan na tiyan at hindi ako papatuluyin.
Ngunit ilang minuto lang ang makalipas, nasa harapan na ako ng paaralan. Napadako ang tingin ko sa natatanging burol dito. May kirot sa puso ko nang napatitig ako do'n. Tila may bumulong sa hangin na... riyan mo sinaktan siya ng paulit-ulit.
Mayroon sa parte ng pagkatao na may hinahanap, may hinihintay at tuwing naiisip ko 'yon ay hindi ko maipaliwanag kung bakit masakit.
Tumingin ako sa guard house at walang nakitang bantay, wala 'yong guard na bilugan ang t'yan. Kagyat akong tumakbo papasok ng paaralan, nakita kong may nakaparadang mga kotse sa loob ng mga guro kaya kailangan hindi ako makita. Maaaring kwestyunin nila ako kung bakit ako naririto.
Agad kong tinahak ang daan patungo sa burol. May kung ano sa puso ko na gustong masilayan ang burol na 'yon. Na para bang may mga alaalang nakabaon do'n na parte ng aking pagkatao. Na nakatago, hinding-hindi ko pwedeng malaman kailanman. Nang makita ng tuluyan ang burol ay agad kong tinahak ang daan patungo sa punong-kahoy na mag-isang nakatirik sa mismo g burol.
Nang nasa lilim na ako ng puno ay hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang bumuhos ang mga luha ko. Ang hapdi at kirot, sa aking puso ay hindi ko maipaliwanag. Tila ako'y sawi... sawi sa hindi ko alam na dahilan.
Bakit ako nagkakagan'to?
Napasandal ako sa katawan ng puno at tinitigan ang buildings ng paaralan. Tahimik, mga huni lamang ng mga ibon ang siyang maririnig. Napatingin din ako sa asul na kalangitan, nagsimula na rin ang aking mga luha sa muling pagtulo ng walang katapusan. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit... masakit kahit wala akong alam na angkop na rason para magkagan'to ako ngayon.
Sana... kung sino ka man. Kahit ngayon lang magpakita ka sa 'kin. Kailangan kong pawiin mo ang sakit sa puso ko. Lahat ng mga tanong ko ay nais kong masagot mo. Dahil, ako... alam ko na sa sarili kong wala akong nalalaman. Kung totoo nga bang wala akong alam. Ayaw ko ng gan'to. Nasasaktan ng walang dahilan.
Dahil sa pagmulat ko sa aking mga mata. Parang may kulang. Parang may mali. Hindi ko maintindihan. Ayaw long paniwalaan lahat ng nangyayari sa buhay ko kasi parang hindi tama. Parang mali, mali lahat. Hindi 'yon ang nalalaman ko. Mula sa pamilya ko, hi di ko maipaliwanag na hindi ako gano'ng naniniwala sa trato nila sa 'kin. Trust issues kumbaga. Kay Yesha, palagi niya akong kinukumusta at alam lang siya lang ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ko.
Si Kian... hindi ko alam. Ang natatandaan ko, crush ko siya ngunit parang may nag-iba. Wala na 'yong pagbilis ng tibok ng aking puso. 'Yong mga nagliliparang paru-paro sa aking t'yan ay biglang nawala. Nagising na lang ako na parang ayaw ko na sa kan'ya.
Sa huli, ang singsing. Hindi ko alam bakit may suot ako na singsing paggising ko. May nakaukit na Arra × Kaleb, Last Daybreak. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. Misteryoso ang dating sa 'kin at hindi ko alam kung sino si Kaleb?
“Kaleb...” Pagbanggit ko sa pangalan niya at napahawak agad ako sa aking dibdib. Bakit masakit? Bakit tumulo agad ang aking mga luha?
Sino ba siya?
Nang mahimas-masan ay tumayo na ako at pinagpagan ang sarili. Kahit na naguguluhan, walang makuha sagot ay hindi ko na rin pinilit ang sarili na malaman ang misteryo sa aking pagkatao na nakakubli.
Wala akong pasubaling na tumakbo. Pinipigilan ang mga luhang tumulo... bakit masakit talaga sa puso? Ano bang mayroon?
Agad akong tumilapon sa kabilang banda ng may nakabangga sa 'kin. “Tang*na! Sorry!” Agad nitong paghihingi ng tawad, tumalikod na rin ito ng hindi ako tiningnan. Parang pamilyar ito...
Just then, just like how heavens and oceans collides. When I saw the guy's face, my tears can't stop from cascading down my face. Too many memories flash backs. Lahat ng mga masasaya at malulungkot na alaala. Kung paano nagsimula at magwakas. Nakita kong hindi niya ako nakilala.
Ngunit agad ko siyang yinakap. Kahit na masakit dahil hindi niya ito ginantihan ay parang secured na ako at lahat ng katanungan sa aking isipan ay tila nasagot.
Kahit niya ako maalala ay hinalikan ko siya sa kan'yang labi, maluha-luha at tinawag siya sa kan'yang....
“Kaleb....” pangalan.
The End.
BINABASA MO ANG
Last Daybreak | ✓
RomanceLast Series #2 | Complete Nang dahil lang sa isang oras, na hindi inaakala ni Arra Aerra Cañete. Biglang magbabago ang kanyang hangarin sa buhay. Ang dating maldita at mataray, ay magiging mabuti habang buhay? Ano bang nangyari sa oras na ito, upang...
