Prologue

17 1 0
                                    


Ito sana ang pinakamasayang araw sa buhay ni Alessandra, Ang araw ng kanyang ikalabing- walong kaarawan. Ngunit hindi, dahil ito pala ang araw kung kelan itinakda ang kasal nila ng matalik niyang kaibigan at kababata na si Alexander. Ngayon din ang ika-dalawampu't isa nitong kaarawan. Buong akala pa naman niya ay ito na ang simula ng kanyang pagiging independent ngunit nagkamali siya. At natitiyak niyang ganoon din si Alexander. Parehas nilang ikinagulat at hindi matanggap ang desisyon ng kani-kanilang mga magulang.

"Mommy, why are we here in this chapel? Para naman akong ikakasal nito. It's my debut, Mom!", bulong niyang komento sa ina nang makalabas ng sasakyan. Ipinagtataka niya rin na wala sa tabi niya ang kakambal.

Ngunit ngumiti lang ito at hinalikan siya sa pisngi. "This is our gift to you and Alexander. I hope maging masaya kayo!"

Napasinghap siya. "You mean, nandito din si Alex?", hindi makapaniwalang bulalas niya. "I thought nauna na silang umuwi!" Sa isang hotel kasi idinaos ang debut party nila ng kakambal at ni Alexander.

Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng ina ngunit nararamdaman niyang mayroong  magaganap na hindi kanais-nais. Akma niyang ibubuka ang bibig nang bumukas na ang pinto ng chapel at pumailanlang ang isang awitin. Tila nanigas siya sa kinatatayuan nang mapagtanto na hindi iyon isang debut celebration. Nanlamig ang kamay niya at gusto sana niyang tumakbo ngunit pinagitnaan na siya ng mga magulang.

Paanong hindi niya agad mapupuna eh hindi naman siya nakasuot ng wedding gown!? Nais niyang manlumo habang dahan-dahang naglalakad ngunit nanaig pa rin ang respeto niya sa mga magulang. At habang papalapit ay nakikita niyang matipid na ngumiti sa kanya si Alexander. At dahil kilalang-kilala niya ito, nababatid niyang ikinabigla din nito ang nagaganap.

"Sa tingin mo, this marriage will work out?", basag ng katabi sa katahimikan sa pagitan nila.

Bahagya lang niya itong sinulyapan bago nagkibit ng balikat. "Hindi ko alam! Siguro! Ngunit paano ba?", usisa niya bago ito hinarap. "Paano na tayo ngayon? I love Andrew as much as you love Kendra!"

Pumihit na rin ito paharap sa kanya. "Kailangan ba nating sabihin sa kanila?", balik-tanong nito.

Napaisip siya. "Hindi naman siguro kailangan. Tutal alam naman nilang we're best friends since birth."

Napatango ito at ibinagsak ang sarili sa kama. "Hindi ko alam na kasal at sarili nating bahay ang regalo nila sa kaarawan natin. Alam naman nilang may kanya-kanya tayong commitment. Ilang taon na ba kayo ni Drew?"

"Two years na!"

"See? Samantalang kami ni Kendra, we we're going three years next week.", dismayadong saad nito.

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon