Chapter 13

6 1 0
                                    


Mabining naglalakad si Alessandra sa center aisle ng simbahan kung saan kasalukuyang idinaraos ang reunion of matrimony nila ni Alexander. Bago pa siya tuluyang makalapit rito ay sinalubong na siya nito.

"Hindi na makapaghintay talaga!", pangangantiyaw naman ni Denver na siyang tumayong best man nito. Nagtawanan tuloy ang mga audience, ganoon din ang pastor na magkakasal sa kanila.

Nang makalapit sa pastor ay binasbasan sila nito bago sila binigyan ng pagkakataon na magpalitan ng vows.

Hinarap nilang mag-asawa ang isa't isa at naunang magsalita si Alexander. "Alex, love, kung ako ang tatanungin kung dapat bang ulitin ang nakaraan o hindi, I'd rather choose not to change anything. Dahil sa kasalan na iyon, I really found the true meaning of love and that is to be with you. Totoo pala ang kasabihang 'Parents know better'. Kaya kahit ilang beses man akong magpakasal, saanman klaseng simbahan, iisang babae lang ang gusto kong maging bride at iyon ay ikaw."

Nang siya na ang susunod at pinigilan niyang humikbi. "Alex, being with you is not as easy as other girls would think and say. I even understand them but they didn't know you deep within. At dahil nga magkasama na tayong lumaki, I have loved you even your flaws. And I know, ganoon ka rin sa akin. Lumaki tayong minahal ang isa't isa bilang magkaibigan and this married life brings us closer than the old days as we are to each other."

"I love you, Mrs. Alex."

"I love you, too."

Tumikhim ang pastor at nakuha niyon ang pansin nila. "You may kiss the bride.", nangingiting susog nito.

Alexander kissed her without any hesitation and a warm applause welcomed them. Kagyat na silang naghiwalay at nagsimulang maglakad palabas ng simbahan kung saan unlimited yata ang confetti na isinasaboy sa kanila.

Huminto ang asawa kaya nilingon niya ito. "Let's just throw the bouquet and garter here!", suhestiyon nito.

Napaisip siya. "It's part of Shy's program later di ba?"

"I think it's more exciting to just throw them here.", katwiran nito.

Kaya bago sila sumakay sa bridal car ay sabay nilang inihagis patalikod ang hawak nilang bouquet at garter. At dahil naku-curious siya kung sino ang nakasalo ng mga iyon ay hindi muna sila sumakay. Nakita niyang iiling-iling si Denver habang inilaladlad ang garter. Ngunit ang bouquet ay hindi malaman kung kanino napunta hanggang lumitaw ang kakambal na hawak-hawak iyon.

Bagaman iba naman ang sinasabi nito. "Si Max ang nakasalo, guys! I swear!", tila nanunumpang saad nito, nakataas pa ang kanang kamay. "Inabot lang niya sa akin!", pangangatwiran pa rin nito at hinanap ang huli sa karamihan. "Max, don't do this to me!", hysterical na saad nito sabay abot ng bouquet kay Denver na kaagad nagsalubong ang kilay. Kaagad namang tumalilis ng takbo ang kapatid.

Pagdating sa reception ay kaagad siyang nagpalit ng gown kung saan siya komportableng gumalaw. Nang matapos ay kaagad silang bumaba at sa umpukan ng mga kaibigan siya nagtungo matapos ihanda ang sarili sa pang-uusisa ng mga ito. Hindi naman kasi siya binisita ng mga ito nang makapanganak siya maliban kina Max at Shy. At naiintindihan niya naman kung bakit. Naglihim siya sa mga ito. Lalong-lalo na kay Emerald.

"So it has been what?", nanunumbat nitong usisa. "Eight years to be exact! Kasal na kayo ni Alexander?"

"I'm sorry!", mahinahong paumanhin niya. She can't blame her friend.

"So my hunch is right all along!", sabat naman ni Jacque na ikinalingon nilang lahat. "Akala niyo kasi walang nakakapansin sa inyo pag sabay kayong nawawala."

"Ako, matagal ko nang alam!", pag-amin naman ni Max. " I just don't feel to say it to you girls because I respect their privacy."

"Yeah, me too!", Shy said guiltily. "Ayoko ring pangunahan sila ni Alexander."

Bumuntung-hininga si Emerald bago siya hinarap. "I'm not really mad. Nakakatampo lang talaga. We're best friends you know!"

"Correction, Emmy!", sabat ni Jacque. "Close friend lang. Si Alexander ang best friend."

"Hey, awat na!", sabat naman ni Charm. "Ang sweet kaya! Nagtampo din ako pero naisip ko din that time, miserable ang buhay ko."

"Right! Let's just forget about it and let's move on. Hindi naman pwedeng magkasira ang friendship natin dahil lang doon.", saad ni Amor.

"Exaggerated ka naman, Amor!", ani Jacque. "Slight tampo lang naman!"

"I'm sorry talaga guys! Nahiya lang talaga ako to inform you about that. Na-pressure lang talaga ako between achieving my dreams and being a wife.", she shrugged. "Eighteen pa lang ako that time and I feel insecure sa inyo kasi malaya kayo.", paliwanag niya.

"Nah! It's alright now. And I'm telling you, you're a wonderful wife and successful in your chosen career.", ani Emerald.

"Tama iyon!", pagsang-ayon ng lahat.

Naagaw ng palapit na asawa ang atensiyon nilang lahat. "Hey, ladies! Can I borrow my wife?", paalam nito.

Napanguso naman si Emerald. "Go ahead!"

Nagpaalam na rin siya sa mga ito at sumunod sa asawa. Pagkaupong-pagkaupo nila sa nakalaan para sa kanila ay ikinagulat nila ang pagdating ni Kendra. Napuna niyang blooming ito at nakikita niyang genuine ang kasiyahan nito.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Alex.", bati ni Kendra nang makalapit.

"Salamat!", magkapanabay pa nilang sagot ng asawa.

Napuna niya ang singsing sa palasingsingan nito. "You're married!", masayang bulalas niya.

Tumawa ito. "Not yet but we're getting there. At sana ay makapunta kayo!", anito sabay abot ng envelope.

Bago pa niya iyon mabuksan ay narinig niya ang isang pamilyar na boses. "Finally!", kaagad niyang nakita si Andrew. "Hey, hon! Iniwan mo naman kami ni Kenneth sa kotse!", maktol nito sabay baling sa kanila. "By the way, congratulations sa inyong dalawa!"

"Thanks, Drew!", saad niya.

"I just wanted to say I'm sorry sa nangyari noon.", agap ni Kendra.

Nagkatinginan silang mag-asawa at nagkibit-balikat lang si Alexander. "No worries! Kinalimutan na namin iyon!", anito.

"Right! Tapos na iyon.", pagsang-ayon niya naman.

Nagpaalam na ang mga ito kaya naman nagpaalam muna siya sa asawa. "I'll just go to comfort room!", aniya at tumayo na. Ngunit bago pa siya makahakbang ay nakaramdam siya ng kung anong bumaon sa likod niya bago tuluyang nagdilim ang kanyang paligid.

---itutuloy---

Thank you for reading,
Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon