Chapter 14

7 1 0
                                    

Punung-puno ng dugo ang white tuxedo ni Alexander ngunit wala na siyang pakialam. Ang mas inaalala niya ay ang kalagayan ng asawa. Maraming dugo ang umagos mula rito matapos barilin ni Czarina sa likod. At ngayon ay kritikal ang kondisyon ng asawa.

Kung bakit naman kasi hindi agad ipinaalam sa kanila na nakatakas ang babae. Disin sana ay naagapan nila ang pangyayaring ito.

Kasalukuyan nang inooperahan sa mga oras na ito si Alessandra. Hindi niya man lang naprotektahan ito. Nasapo niya ang ulo.

"Son, she will be fine!", saad ng ina.

"I'm useless, Mom! Hindi ko man lang siya naprotektahan."

"No! Wala kang kasalanan! And I'm sure, Alex will not blame you!", giit nito.

Napailing siya. "I don't know, Mom!"

Naagaw ang pansin nila sa pagdating nina Max at Blake.

Kaagad niyang hinarap ang mga ito. "Any news?"

"Nasa bartolina na siya.", sagot ni Max. "Ewan ko lang kung makatakas pa siya.", ismid nito.

"Grabe! Para rin siyang si Agatha! May turnilyo sa utak.", tukoy ni Blake sa half sister ni Emerald. Minsan din ang nanganib ang anak nito sa babae.

Bumukas na ang operating room at lumabas na ang doctor. Kaagad niya itong sinalubong. "Doc, how's my wife?"

"Natanggal na namin ang bala sa katawan niya. The next thing we will do ay ang masalinan siya ng dugo. Maraming dugo ang nawala sa kanya. By the way, hindi naman siguro tayo mahihirapan sa paghahanap ng donor since narito ang family niya.", mahabang paliwanag nito.

"Go ahead, doc!", singit ni Cassie. "Ako na ang unahin mo sa list, since kakambal niya ako."

"Kung ganoon, umpisahan na natin ang pagcheck sa mga dugo niyo!"

Lahat nga sila ay nagpa-blood check. At gaya ng gusto ni Cassie ay ito nga ang nauna bago siya. Sumunod naman ang kanilang mga magulang.

Makalipas ang ilang oras ay sinimulan na ang pagsasalin ng dugo sa asawa. At sina Cassie at Daddy Llenard ang naging donor.

"Maayos na ang kalagayan ng pasyente.", bungad ng doctor matapos ang blood transfusion.

"Eh doc, kelan ba magigising ang anak ko?", tanong ni Mommy Sophia.

"Let's just wait. She needs it by the way."

"Thank you, Doc!", sagot ng biyenan bago nagpaalam ang doctor.

Nilapitan niya ang nahihimbing na asawa at hinawakan ang kamay nito. "Please, wake up, wife! Hinihintay ka namin ni Alexis!"

Ngunit ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin ito nagigising.

"Hey, sis! Wake up!", pangungulit ni Cassie nang dumalaw ito. "It's been three days already.", Binalingan nito ang anak niya na kalong-kalong nito. "Hey, little buddy! Give your mom a big hug. Baka sakaling magising na."

"Mama!", sambit ng anim na buwang sanggol.

Nagkatinginan sila ni Cassie sa gulat. Sana ay marinig ng asawa ang anak.

"A-Alex!"

Mabilis na dumako ang atensiyon niya sa asawa na sa wakas ay gising na. Kaagad niya itong nilapitan at inalalayan sa pag-upo.

"Do you need anything? Water o nagugutom ka na?", natataranta niyang tanong.

Bahagya itong ngumiti. "Tubig muna." Kaagad niya itong inabutan ng isang basong tubig. Nang matapos ay binalingan nito ang kanilang anak. "Hi baby!" Inabot naman ito ni Cassie sa asawa niya. "Mama is here na!"

"Si baby Alexis lang pala ang makakagising sayo!", saad ni Cassie.

"Napanaginipan ko siya. Tinawag niya daw akong Mama!", natatawa nitong saad.

"It's not a dream, wife!", sabat niya.

Nanlaki ang mata nito. "Really!?", bulalas nito at muling nilingon ang anak. "Say Mama once more, son!", anito ngunit hindi na muling nagsalita ang bata.

"Akin na muna yang pamangkin ko at baka mabinat ka pa. You need to eat para makabawi ka ng lakas.", ani Cassie bago kinuha si Alexis. "Maiwan ko na muna kayo!", paalam nito bago lumabas ng silid.

Inilapit niya ang tray ng pagkain dito. "May masakit ba sayo?', usisa niya. "I just call the doctor!"

"She's finally well. Wala naman kaming nakitang vital organs na naapektuhan. She's good as new.", pagbabalita ng doctor. "Pwede na siyang madischarge bukas!"

Kaya kinabukasan ay naroon na sila sa bahay nila kasama ang mga magulang.

"Are you sure, okay ka lang dito anak?", usisa ng ina. "Especially, balik ASN ngayon si Alexander."

"Mom, I'll be fine! Isa pa, hindi naman aabutin ng alas nueve ang ASN patrol.", aniya.

Dahil nga wala na si Czarina ay pinabalik ng station ang asawa bilang news anchor. Wala na sanang balak bumalik ito ngunit batid niyang matagal nang pangarap nito iyon. At nais niyang suportahan ito tulad ng ginagawa nito sa kanya magpahanggang ngayon.

"Oh well! Palagi ka na lang naming bibisitahin dito. Lalo na ngayon, parang wala nang balak bumalik ni Cassandra sa Paris.", saad naman ng ama. "Ewan ko ba sa batang iyon, parang may pinagtataguan!"

Napaisip siya sa tinuran ng ama. Something is really going on with that brat sister of her.

"Love, I'm sorry! Male-late ako sa pag-uwi ngayon. Si Gia kasi. She needs help. Sabi ko nga baka awayin mo na ako!", pangatlong gabi nang paalam ni Alexander sa kanya. Kausap niya ito ngayon sa telepono.

Si Gia ang bago nitong co-anchor at ayaw man niyang mag-isip ng masama ay hindi niya mapigilan. Ayaw niyang pagdudahan ang mga ito lalo na kung maaalala niya ang mga pinagdaanan nilang pagsubok.

Dalawang linggo pa nga lang ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital. At nitong huli nga ay napupuna niyang madalas na magkasama ang mga ito.

Napaparanoid na siguro siya at alam niyang napaka-unfair noon kay Alexander. Ngunit siguro nga ay kailangan niya munang mag-isip. At hindi niya iyon magagawa kung ganito sila palagi.

"Love?", pukaw ng asawa mula sa kabilang linya. "Still there? Is there something wrong? Tell me, I'll just tell Gia -"

"No!", agap niya. "I mean, there's nothing wrong. Sana ay matapos na ang problema niya."

"You sure? Don't worry, sisikapin kong makauwi agad. I love you!"

Tila nagkabikig siya sa lalamunan at hindi niya magawang tugunin ito kaya naman ibinaba na niya ang telepono at nagsimulang mag-empake.

Kailangan niyang lumayo pansamantala. Sa lugar kung saan hindi siya nito matutunton.

---tatapusin---

Thank you for reading,
Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon