Chapter 3

9 1 0
                                    


Napapailing na lang si Alexander habang nakikinig sa usapan ng amang si Alejandro at biyenan na si Llenard. Naglalaro ang mga ito ng chess. Kanina pa siya natatalo kaya pinalitan siya ng ama nang dumating ito. Kaya heto at pinapanood na lamang niya ang paglalaro ng mga ito.

"Ang mga babae talaga, minsan OA!", palatak ng kanyang ama. Abala ang mga mata nito sa chess board.

Natawa naman ang biyenan. "Sinabi mo pa!", anito. Hindi pa rin kumukupas ang galing nito sa chess dahil malapit nang makorner nito ang queen ng kanyang ama.

"Pinaparusahan daw tayo ng mga anak natin!", tila natatawang saad pa ni Alejandro.

Pareho silang natigilan ng biyenan at binato ng nagtatakang tingin ang kanyang ama. "Pinaparusahang papaano?", boses iyon ng biyenan.

"Hindi daw tayo bibigyan ng apo.", anito at bumaling sa direksyon niya.

Tuluyan nang nawala sa laro ang konsentrasyon ng dalawang ginoo at mataman nang nakatuon sa kanya ang mga paningin ng mga ito. "Totoo nga ba, Alexander? Wala kayong balak na bigyan kami ng apo?", kunot-noong usisa nito.

"Siyanga naman, Alex! Kung tutuusin ay pitong taon na kayong kasal ni Alessandra at ni hindi man lang kayo nababahala na magkababy.", segunda naman ng ama.

Napalunok siya. Hindi niya akalaing ngayon siya gigisahin ng mga ito. "W-well, a-alam niyo namang pareho kaming abala ni Alex. You know naman na nagsikap muna kami na maging stable sa trabaho.", pag-a-alibi niya.

"Kung totoo yang sinasabi mo, make sure na magkakaroon na kami ng apo bago matapos ang taon.", banta ni Daddy Llenard.

"Tama! Wala na kayong mairarason pa dahil pareho naman kayong matagumpay na sa inyong mga karera.", pagsang-ayon naman ng ama. "Kaya mangako ka sa amin, Alexander!"

"Stop it you two!", napabuntung-hininga na lamang siya nang marinig ang boses ng asawa. "Pinagtutulungan niyo naman si Alex! Kumain na nga po kayo, lunch is ready."

"We're just asking him!", apela ni Daddy Llenard.

"Huwag niyo po kaming madaliin. Darating din tayo diyan!", anito. Napaisip siya. This is a good chance para ma-consummate na ang kasal nila after seven years of marriage.

Humahakbang na sila patungo sa komedor nang hindi pa rin natitinag ang dalawang ginoo sa upuan.  "Kung ayaw niyo pa pong tumayo riyan, uubusan namin kayo ng  pochero at paella.", banta ng asawa at hinila na siya diretso sa komedor.

Nang makarating doon ay naroon na rin ang kanilang mga ina. Pinaupo na siya nito katabi nito. Matapos itihaya ang nakataob na plato at ipinaglagay na siya nito ng pagkain. Habang abala ito at hindi niya maiwasang titigan ito. Bakit ba ngayon lang niya napuna kung gaano ito kamaasikaso? Samantalang araw-araw naman nitong ginagawa iyon sa kanya? Kahit pa kagagaling lang niya kay Kendra? He suddenly felt like an idiot. A jerk. At walang sapat na dahilan para hindi mahalin ang katulad nito.

Lumingon ito sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "Mamaya na yang mga titig na iyan, kain muna!", saway nito sa kanya.

Narinig niya ang paghahagikgikan ng dalawang ginang kaya naman umayos na siya ng upo bago kumain. Siya namang pagpasok ng dalawang matandang lalaki. Mabilis na umupo ang mga ito sa tabi ng kani-kaniyang asawa at akmang dadampot ng pagkain nang sabay na tampalin ng dalawang ginang ang kamay ng mga ito.

Hindi niya tuloy napigilang bumunghalit ng tawa. "Maghugas muna kasi ng mga kamay!", iiling-iling na wika niya.

Ngunit pumormal siya nang balingan siya ng masamang tingin ng ama. "Bakit? Naghugas na ba ng kamay iyang si Alexander?", pikon-tanong nito.

"Tapos na po Daddy!", sa halip ay sagot ng asawa. Kaya wala nang nagawa ang dalawang ginoo kundi ang tumayo muli at maghugas ng kamay.

*****

Napanganga si Alessandra matapos niya itong dalhin sa harap ng bar. Bagong branch ito at mas malapit sa cuisine nito. Matagal-tagal din niyang niligawan ang may-ari ng katabi nitong establishment. Mabuti na lamang at kailangan na nitong magmigrate sa ibang bansa.

"Bakit nga uli Under ang pangalan ng bar na ito?"

Napangisi siya. "Pagbibigay pugay sa inyong mga babae."

Napasimangot ito. "Parang iba ang dating sa akin ng sinabi mo! Feeling ko nainsulto kaming mga babae."

"Hey! You know that's not what I meant!", kontra niya.

Nagkibit-balikat ito. "Fine!"

Niyakap niya ito sa baywang at inalalayan papasok sa bar. Binalingan niya ito at tiningnan ang magiging reaksiyon nito. Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng lugar at napangiti. Lumingon ito sa kanya. "Maganda at wholesome naman! Marami na agad na customers.", puna nito.

"Lucky charm kita eh!"

Nakita niyang bahagyang namula ang magkabilang pisngi nito. Pinisil niya ang mga iyon at ngumuso ito bago tinampal ang mga kamay niya. "Masakit kaya!", reklamo nito.

Inakbayan na niya ito at iginiya sa VIP floor. Nang makarating sa bar counter doon, kumuha siya ng alak bago dalhin sa VIP room. Naabutan niyang tila malalim ang iniisip nito bago niya nakuha ang atensiyon nito. "Ito ang inumin mo dahil mahina lang ang alcohol nito.", aniya at ipinagsalin ito ng strawberry wine.

Sinimsim nito ang wine at napatango. "Masarap siya! Para lang siyang juice!", komento nito.

"I told you! Ano bang iniisip mo?", pag-iiba niya.

Mula kasi nang umuwi sila pagkagaling sa bahay ng mga magulang nila ay madalas niya itong mapuna na tahimik. Kaya nga naisipan niya itong isama sa bar upang malibang ngunit sa nakikita niya ay mukhang malabong mangyari iyon.

"Hindi ko alam kung bakit naisip nina Mommy  na pinaparusahan natin sila kaya ayaw natin silang bigyan ng apo!", tila wala sa sariling saad nito at bahagyang sumimsim ng wine.

Napailing siya. "Guilty lang sila sa ginawa nila sa atin!", aniya at siya naman naglagok ng alak.
"Huwag na lang nating isipin iyon. Dahil sa kabila ng lahat, naging successful naman tayo!"

Lumingon ito sa kanya at napatango. "You're right! Hindi naman nila tayo pinakikialaman sa mga desisyon natin!"

Umisod siya palapit dito at inakbayan ito. "Kaya nga, let's not make a big deal about it."

Inihilig nito ang ulo sa balikat niya. "If you say so.", anito at ipinikit ang mga mata.

Napalunok siya nang dumako ang paningin niya sa mga labi nito. "Lex, susuntukin mo ba ako pag hinalikan kita uli?", pigil-hiningang tanong niya.

Dahan-dahan itong nagmulat ng mata at sinalubong ang tingin niya. " Why would I do that? It's your right! Sino ba ako-"

Hindi na niya ito pinatapos ng pagsasalita bagkus ay sabik niyang tinawid ang pagitan nila. Kung alam lang niya na ganito katamis ang labi nito, sana noon pa niya ginawa. Sana hindi na siya nagpigil. But he regret nothing. Dahil kung noon niya pa ginawa iyon, pareho silang masisira sa konsentrasyon. Pareho pa kasi silang committed sa iba.

"I love you Lex!", anas nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Akma niyang ibubuka ang bibig nang idampi nito ang hintuturo sa kanya. "Don't tell me you love me too yet! It's too early lalo pa't kakahiwalay niyo pa lang ni Kendra. Hindi naman ako atat na marinig iyon mula sayo! I'm just telling you kasi umapaw na eh! I can't handle it anymore. I just wanted you to know how I feel. Just tell me those words when you're ready and no more hesitations."

Alexander just grab her and claimed her lips once again. Masaya siya. How lucky he can be! Damn!

---itutuloy---

free to vote and share the link..

@mjfreesia

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon