Chapter 1

9 1 0
                                    


Masayang-masaya siya sa naging success ng grand opening ng kanyang Apl's Cuisine. Isa itong semi-coffee house and restaurant na matagal na niyang pangarap na matupad. Tinulungan lang naman siya ni Secret Hubby na maipatayo ito. Nang maalala ang asawa ay napasimangot siya. Wala na naman ito. Malamang na nasa kandungan na ito ni Kendra. Lalong sumama ang timpla niya sa huling naisip. Nitong huling linggo ay sa bahay na lamang sila nagpapangita.

Akma na siyang magwo-walk out nang mahagip ng paningin ang bulto na nakikipagsiksikan sa maraming tao. May dala pa itong bouquet ng bulaklak nang makarating sa harapan niya. "Akala ko, hindi ka na makararating.", salubong niya rito.

"Sorry! Traffic eh!", anito at mabilis siyang hinalikan sa labi na ikinagulat niya.

Agad naman siyang napatingin sa mga kaibigan. Kumalma naman siya nang makitang abala ang mga ito bilang pansamantalang waitresses niya sa cuisine. Muli niyang ibinaling ang tingin sa asawa at pinanlakihan ito ng mata. "Baka magduda ang mga iyan.", bulong niya rito.

Ngunit nginisihan lang siya nito. " And so? Besides, sanay naman na ang mga iyan sa closeness natin.", as a matter of fact na saad nito bago siya inakbayan.

Hindi na siya sumagot at sa halip ay niyaya niya ito sa kusina para kumain. Pinagmamasdan niya ito habang kumakain at nararamdaman niyang may mabigat itong problema. Sa tinagal-tagal nilang magkaibigan slash mag-asawa ay kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Hindi nga siya makapaniwala na aabot ng pitong taon ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Siguro ay dahil sa pareho rin silang abala at full support sa isa't isa.

Hinintay niya itong matapos bago inusisa. "Spill it.",

Kunot-noong bumaling ito sa kanya kaya pinagtaasan niya ito ng kilay. Bumuntong hininga ito tanda ng pagsuko. Batid naman nitong hindi ito mananalo sa kanya. "We broke up.", hindi makatinging saad nito.

Three words. Tatlong salita lang ngunit kakaibang pag-asa ang ibig sabihin niyon para sa kanya. Come to think of it. Makalipas ang dalawang taong kasal na sila ay wala man lang nag-ungkat ni isa sa kanila ng salitang annulment. Para sa kanya, hindi na kailangan niyon dahil matagal na niyang inamin sa sarili na lumalim na ang pagmamahal niya para dito. Kaya nga nang minsang mahuli niya sa akto ang pambabae ni Andrew, hindi man lang niya ito iniyakan. Nitong huli ay hinihintay niyang ito mismo ang magbanggit ng salitang kinaaayawan niya dahil anim na taon na rin ang relasyon nito kay Kendra. Buong akala niya ay matutuloy na sa kasalan ang dalawa.

Hinila niya ito patungo sa  private office niya. Tumikhim siya bago ito muling inusisa.  "Kailan pa?"

"Noong isang araw lang.", anito matapos ihilig ang likod sa couch.

Umupo naman siya sa tabi nito. "Ano bang nangyari?"

"She's pregnant!", tila hirap na hirap na saad nito. "And definitely it's not mine!"

Nanlaki ang mata niya sa nalaman. Hindi niya lubos akalain na ibabasura ni Kendra ang anim na taong relasyon nito kay Alexander. "Kilala mo ba kung sino ang ama?"

Napatiim-bagang ito. "Kay Andrew. Nakasalubong ko sila sa clinic ni Aries."

Napahilot siya sa sentido. "Paano niya nagawang pumatol kay Andrew? Alam naman niyang babaero iyon!", hindi niya napigilang palatak.

Nagkibit na lamang ito ng balikat. "Ayoko na lang pag-usapan!"

Agad naman niya itong naunawaan. "Akala ko nga, we will file an annulment para maalok mo na ng kasal si Kendra."

Nagulat pa siya nang marahas itong bumaling sa kanya. "There will be no annulment, my Apple.", anito at walang sabi-sabing hinalikan siya sa labi. Hindi na siya nakapag-isip pa. Iniyakap na rin niya ang mga braso nito sa batok nito.

Kinagabihan, isang hindi inaasahan ngunit magandang balita ang nakarating sa kanya  mula sa asawa. Buhay pa pala ang kaibigan nilang si Amor. Kaya kinabukasan ay maaga siyang nagtungo sa cuisine matapos tawagan ang mga kaibigan. Magkapanabay pa sila ni Emerald na dumating. Kaya pagkaparada ng kotse ay mabilis siya nitong nilapitan.

"I'm so glad that Amor is still alive!", anito habang papasok sila ng cuisine.

"Oo nga eh! Iniisip ko tuloy kung sino ang inilibing natin that time.", saad naman niya nang maalala si Jacque. "I wonder how Jacque felt about the news." Alam naman kasi nila na may lihim na pagsinta ito sa kababata nitong si Timothy.

Buong akala pa nila ay makikipagkompetensiya pa ito kay Amor para makuha ang atensiyon ni Timothy. Ngunit hindi. "Bilib nga ako kay Jacque. Kaya niyang magsakripisyo para mga taong mahalaga sa kanya.", palatak ni Emerald na ikinasang-ayon niya na lamang.

"Don't worry. Nase-sense ko na malapit na niyang mahanap si Happiness!", saad niya na ikinatango nito.

Nakapasok na sila at nahagip ng paningin nila si Charm na tila malayo na naman ang tingin.
Nagkatinginan sila ni Emerald bago nilapitan ang tulalang kaibigan.

Napamulagat ito nang makatikim ng tampal sa noo mula sa kanya. "Bakit ba bigla ka na lang nananakit?", singhal nito na ikinatawa lang ni Emerald. Aminado naman siyang may  pagka-amasona siya. At hinding-hindi niya iyon babaguhin.

"Ano ba kasi ang ikinangingiti-ngiti mo diyan?", usisa niya matapos umupo sa tapat nito. Umupo na rin si Emerald sa tabi niya.

Nagkibit balikat lamang ito. "Nothing. Naalala ko lang kung paano naging epic fail ang pagpapaselos namin ni Aries kay Jacque!", salaysay ni Charm.

Sa gulat niya'y bahagya niya itong sinabunutan. "Bruha ka! May alam ka pala. Hindi mo man lang i-share!", sumbat niya.

"Kailangan talaga manakit?", supalpal nito. At agad na ikinwento nito ang love story ng dalawa. Marami na pala ang nangyari sa mga ito at wala man lang silang kaalam-alam.

"Yeah! I remember how they loath each other during our high school days!", saad naman niya matapos nitong magkwento.

Napatango si Charm. "Let's expect their wedding invitations this coming days.", anito.

Nae-excite naman siyang tumango. "Teka, wala ka bang pictorial?", pag-iiba ni Emerald nang tila may naalala.

Hindi naman agad ito nakasagot kaya inunahan niya na. Buong buhay na kasi nito ay inaapi-api ito ng ina at kapatid. "Charmaine, matagal na kitang sinabihan na iwanan mo na yang ate mo!", palatak niya.

Kung napupudpod lang ang dila, matagal na iyong nangyari sa kanya sa sobrang tigas ng ulo nito. Batid naman niyang hindi ito masisisi. Unlike Charm, she has a wonderful family and of course, her Alex.

Kinagabihan bago magsara ang cuisine ay nakatanggap siya ng tawag mula sa asawa. Ngunit napakunot siya ng noo nang hindi ito mabosesan. "Ma'am Alex?"

"Speaking!', napipilitang sagot niya.

"Ma'am, nakatulog na po si Sir dito matapos magwala kanina."....

"Okay. Thank you! I'm on my way!", paalam niya sa kausap. Natitiyak niyang naroroon ito sa katatayo lamang nitong bar. Mukhang kailangan niyang rendahan ang sarili dahil tiyak na madudurog na naman ang puso niya sa murmuring scene nito sa tuwing nalalasing.

-itutuloy---

free to vote and share the link..

@mjfreesia

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon