Chapter 9

8 1 0
                                    

This wedding reception would have been happier kung kompleto sila. At dala ng paglilihi, napapahikab na lamang siya sa sobrang antok.
Sila pa naman ni Emerald ang emcee sa halip na si Shy. Naiintindihan naman niya ang kagustuhan nitong magkaayos sina Russel at Renee.

"Ano ba namang party ito? Bakit ang boring?"

Sukat sa narinig ay tila bulang naglaho ang antok niya. Masaya siyang makita si Renee na kasama ni Shy.

"Wooh! Simulan na ang party?", sigaw ng asawa na ikinatawa niya.

"Mamaya na!", awat naman ni Emerald.  "Nasaan na ang mga single ladies diyan?", sa halip ay tawag nito.

"Kasali ka kaya!", ingos niya rito at bumaba na rin ng entablado.

"Bilisan niyo na! Gagawa pa kami ng baby brother ni Eunice!", hiyaw ni Charm na lalong ikinahiyaw ng lahat. Iwinawagayway na rin nito ang hawak na bouquet. Once in a blue moon lang nagiging kwela ang kaibigan nilang ito. Patunay lang na masaya ito sa bagong simula ng buhay nito kasama ang asawa na si Eugene.

"Single men! Dito naman kayo sa kabilang side!", dinig niyang tawag naman ni Shy.

Kasabay niyon ay iwinawasiwas na rin ni Eugene ang garter. Lahat ay umiindak sa saliw ng tugtog. Napataas ang kilay niya nang mapagtantong Stop dance naman ang trip ni Shy. Wild na kung wild. Pero hindi siya nakisabay. Normal lang siyang sumayaw hanggang huminto ang tugtog at sabay nang inihagis ng  bagong kasal ang bouquet at garter.

Napapailing na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong bouquet.  Hindi man nakisali sa kanilang kaguluhan ay si Renee ang nakasalo niyon.

Naramdaman niya ang paglapit ng asawa kaya naman inalis na niya ang atensiyon sa kaibigan.

"Let's go?", aya nito. Pasimple niyang inilibot ang paningin. May kanya-kanya nang pinagkakaabalahan ang mga kaibigan nila kaya hindi na sila mapupuna ng mga ito.

Dinala niya ang asawa sa isang Italian restaurant. "Bakit hindi pa tayo sa reception kumain? Ang mahal kaya dito!", bulong nito pagkaupo nila.

Nagkibit-balikat siya. "Naalala ko hindi pa tayo nagkaroon ng formal date!"

Pumalatak naman ito. "Anong hindi? Madalas kaya tayong lumabas noon! Wala pa sina Andrew at Kendra sa mga buhay natin. At saka nagdate tayo noong anniversary natin."

Lumawak ang ngiti niya. "Basta! Tonight is special."

Maya-maya pa'y dumating na ang order nila at habang kumakain ay isinawalat niya rito ang naisip na bakasyon.

"Out of town? Saan naman?", usisa nito.

"Gusto mo ba sa beach?"

"Game! Hindi ko pa naisusuot ang two piece bikini ko!" Sa sinabi nito'y tila gusto niyang bawiin ang sinabi.

At tulad ng sinabi nito pagkalipas ng dalawang araw ay naroon sila sa isang beach sa Batangas.

Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya. Hindi pa naman masyadong halata na buntis siya kaya sasamantalahin niya na ang pagkakataon na maisuot ang bagong biling two piece bikini.

Napahilamos na lamang ito ng mukha bago siya masuyong hinila palapit dito. "Alex love, pwede bang magdamit ka na lang? Baka mapaaway ako sa suot mong iyan!"

Wala namang masama sa tinuran nito at naiintindihan niya naman iyon. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya. Tila kaybigat niyon at namamasa na ang mga mata niya.

Naramdaman na lamang niya ang paghalik nito sa buhok niya. "Alright! Just flaunt your sexiness! Possessive lang talaga ako pagdating sayo!", bawi nito.

Napangiti na lamang siya sa pag-amin nito. "Thank you! And I'm sorry, ganito pala kasensitive pag buntis."

"It's okay!"

Tatlong araw silang nagtagal roon at hinayaan ang mga sarili na mag-enjoy. At ngayon nga ay pauwi na nang tila may maalala ito.

"Kailan pala natin ibabalita kina mommy ang good news?", tanong nito habang ang mga mata ay nakatuon sa kalsada.

Napaisip siya. "What if doon tayo dumiretso?"

"Then we'll go there!"

Maya-maya nga ay naroon na sila sa bahay ng mga magulang. Naabutan din nila roon ang mga biyenan. At katulad ng inaasahan, anong laking tuwa ng mga ito nang malamang buntis siya. At kahit sa harap ng hapag-kainan ay walang humpay ang tanungan at kumustahan.

"Hindi ka ba nagkaka-morning sickness, anak?", si mommy Sophia.

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Tuwing madaling araw po!"

"What food do you crave for?", singit naman ni Mommy Amanda.

"Wala naman pong specific!"

"Regular ka bang nagpapacheck up?", ang ina uli.

"Yes, Mom! Schedule ko nga samakalawa."

"May kilala akong magaling na obgyne.", suhestiyon naman ni Mommy Amanda.

"Meron na po Mommy!", di na nakatiis na sabat ng asawa.

"Sino?", halos magkapanabay na tanong ng dalawang ginang.

"Si Doctor Dela Paz! Kaibigan namin!", malumanay nitong sagot. "Let's finish our food. Hindi na makakain nang maayos ang asawa ko sa kakatanong niyo."

Natahimik na ang mga ito dahil hindi na maipinta ang mukha ni Alexander. Feeling niya tuloy, ito ang naglilihi sa kanilang dalawa.

Hindi na pinayagan ni Alexander ang asawa na magpunta pa sa cuisine. Kaya naman siya na ang nagkusang bisitahin ito tuwing umaga at naroon naman siya sa bar kapag gabi. Kaya bago mag-alas dies ng gabi ay naroon na siya sa bahay.

Kasalukuyan niyang binabasa ang sales report at listahan ng cuisine nang lapitan siya nina Cataleiah at Warren. Ang dalawang ito ang mga pinagkakatiwalaan ng asawa niya. Kakapromote lang ng mga ito. Si Warren bilang head chef mula sa pagiging waiter at si Cataleiah naman bilang assistant manager mula sa pagiging cashier.

"Sir kumusta na po si Ma'am?", usisa ni Warren.

"She's fine. Ayoko lang na mapagod siya at ma-stress."

"Tama po! Mabuti at malakas ang kapit ng baby niyo, Sir!", Ani Cataleiah.

"Right! Salamat sa pagmamalasakit niyo sa kaniya!", aniya. Naroroon na kasi ang mga ito nang magsimula ang APL's cuisine.

"Ay! Don't mention it, Sir Alex! Kahit naman po parang amasona si Ma'am minsan, alam naming mahal na mahal kami no'n.", ani Cataleiah.

"Oo nga po. Kahit ang pamilya namin ay mahal na mahal din siya.", pagsegunda naman ni Warren.

"At kukunin namin kayong isa sa mga abay."

"Kailan po ba?", si Warren.

"Sa birthday namin!"

Tumili sa kilig si Cataleiah. "Oh my! Magkapangalan na, magkabirthday pa! Meant to be po talaga kayo!"

Ngunit inabala sila nang tumunog ang cellphone niya. Pagkabasa ng pangalan ng asawa ay kaagad niya iyong sinagot. Ngunit bago pa niya maibuka ang bibig ay kaagad siyang kinabahan pagkarinig sa boses ng asawa.

"Alex, our baby! Please hurry!"

---itutuloy---

Thank you for reading,
Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon