Chapter 11

6 1 0
                                    


Maagang pinuntahan ni Alexander ang asawa sa bahay ng mga magulang nito. Ilang araw na itong naroon at namimiss na niya ito. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay ng mga biyenan pagkabukas niya ng gate. Dire-diretso siyang naglalakad sa sala at patungo na sana sa komedor nang may maulinigang mga tinig na tila galit na galit at nag-aaway.

"Paano natin ipapaliwanag kay Alexander na nilayasan tayo ni Alessandra?", nakilala niya agad ang boses ni Mommy Sophia.

"It's yours and Mandy's fault. We can't blame her!", mahinahong saad naman ni Daddy Llenard.

"Ipaliwanag niyo nga sa akin, Mom, Dad, kung ano talagang nangyari!", demand naman ni Cassie. "Hindi ako maka-relate eh!"

Lumipas muna ang kaunting sandali bago niya narinig ang boses ni Mommy Sophia. "It's just petty quarrel! May hindi lang naman kami napagkasunduan ni Mandy!", pagtukoy nito sa kanyang ina. "You know, we're growing old kaya minsan OA na kami!"

"I'm not convinced, Mom!"

"A-ano.... K-kasi...-"

"Paghihiwalayin nila sina Alex!", di na napigilang sabat ni Daddy Llenard.

"What!?", bulalas ni Cassie na ikinabuntung-hininga niya. "Mom, you can't do that! And you will not do that to them! Hindi sila mga laruan na pwede niyong i-manipulate!", panenermon pa nito sa ina.

"Of course, we won't surely do that! Nabigla lang kami. We don't mean it!", naiiyak nang paliwanag nito.

"Alam niyo namang emosyonal ang mga buntis!", anito at namataan siya nang lumabas ito ng komedor. "Alexander, kanina ka pa ba diyan?", tanong nito dahilan para lumabas ang mga biyenan.

"Yeah!", tugon niya at binalingan ang biyenang babae. "I'll find her and please Mom, magbati na po kayo ni Mommy."

"Oo, anak! Promise! Iuwi mo lang si Alessandra!"

Tinanguan niya ang mga ito at nagpaalam na. Kaagad siyang lumulan sa motor at umuwi sa bahay nila, nagbabakasakaling nagkasalisi sila ngunit wala ito roon. Isa-isa niyang tinawagan ang mga kaibigan at tinanong ngunit iisa lang ang sagot ng mga ito. Wala roon ang asawa niya. Nagtungo din siya sa cuisine ngunit nabigo rin siyang makita ito roon.

Nagugutom na siya ngunit wala siyang gana. Hindi rin naman siya mapapakali hanggang hindi niya ito matagpuan. Ilang beses muna siyang huminto para tawagan ito ngunit boses lang ng operator ang naririnig niya. Saglit siyang nagpahinga habang iniisip kung saan ito maaaring nagpunta hanggang maalala ang tree house na ilang taon na nilang hindi nabibisita.

Mabilis siyang sumakay muli ng motor at nag-U-turn. Bumalik siya sa village na kinaroroonan ng bahay ng kanilang mga magulang ngunit dumiretso siya sa kabilang pader niyon.

Masamang-masama ang loob ni Alessandra sa ina. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nitong paghihiwalayin silang mag-asawa. Hindi lang nagkasundo ang dalawang ginang sa pagpaplano para sa kasal nila uli ni Alexander.

Hindi niya kakayanin kung magkataong hindi na magkaayos ang mga ito. Kung hindi magkasundo ang mga ito, huwag na lang dumalo ang mga ito. Tutal ay naroon naman ang kanyang ama at biyenang lalaki.

Pinahid niya ang mga luha nang marinig ang pamilyar na ugong ng motor ng asawa. Napangiti na siya nang makaakyat ito sa tree house.

Lumapit ito at lumuhod sa harapan niya. Malamlam ang mga matang tumitig sa kaniya. "Pinag-alala mo ako!", anito pagkayakap sa kaniya. Bahagya itong lumayo at pinunasan ang pisngi niya. "I know what happened! Naabutan ko silang sinesermunan ni Cassie."

"Paghihiwalayin nila tayo!", humihikbing sumbong niya.

"They can't do that dahil hindi tayo papayag.", anito at ngumiti. "Baka nga bati na sila ngayon."

Napahalukipkip siya. "I don't want to see them!", nakasimangot niyang saad.

Pinisil nito ang baba niya. "Huwag kang sumimangot! Baka pumangit ang anak natin!", anito at mabilis siyang hinalikan sa labi. "Huwag mong palipasin ang sama ng loob mo kina mommy!"

Napanguso siya. "Naiinis pa ako sa kanila."

Hinalikan uli siya nito nang mabilis. "Naiinis ka pa?"

"Hindi kasi maalis-alis sa isip ko ang pagtatalo nila eh!"

"Ano ba kasi ang pinagtalunan nila?", kunwa ay usisa nito.

"It's for our upcoming wedding!", maiksing tugon niya dahil napapagod siyang isa-isahin ang mga iyon sa dami.

"Maybe we'll just hire a wedding planner para siya na ang bahala sa lahat.", suhestiyon nito pagkaraan.

"Mabuti pa nga!", kaagad niyang pagsang-ayon.

Hindi niya napaghandaan ang pagsugod nito ng halik sa kanya. Masuyo iyon kaya tila nablangko ang isip niya. Awtomatiko namang pumulupot sa batok nito ang mga braso niya.

Maya-maya ay huminto na ito at tinitigan siya. "Nabura na ba sa isip mo?"

"A-ang alin?", tila wala sa sariling tanong niya.

Ngumiti ito at inalalayan na siyang tumayo. "Tara nang bumaba at nang makakain na!", aya nito at napuna ang paghawak nito sa tiyan. "Nagugutom na ako!"

Tila naman natauhan siya. "Then let's go para maipagluto na kita."

Nauna itong bumaba at hinintay siya. Hinawakan siya sa kamay habang pababa siya ng hagdan. Maya-maya pa'y umangkas siya nang patagilid sa motor nito at kumapit nang mahigpit dito bago minaniobra ang motor pauwi sa bahay ng kanilang mga magulang.

At doon ay naabutan nilang nagyayakapan ang kanilang mga ina. Naisip niyang simulat sapul ay magkaibigan nang matalik ang mga ito kaya siguro madali ring nagkabati ang mga ito.

Tumikhim ang asawa niya para kunin ang atensiyon ng mga ito. Naluluha naman ang mga mata ng mga itong sumalubong sa kaniya ng yakap.

"Alessandra, anak, patawarin mo na kami ng mommy mo! We didn't mean it, okay?", paumanhin ni Mommy Amanda.

"Ipapaubaya na namin sa iyo kung anuman ang desisyon mo. Hindi ka na namin pangungunahan!", pagsegunda naman ng kanyang ina.

Bumuntung-hininga siya bago tumango. "I'm sorry din po kung pinag-alala ko kayong lahat."

Nilapitan naman siya ng Kapatid at niyakap. "Napagalitan kasi nina Daddy at Tito Alli kaya nagbati.", sabay bulong nito bago lumayo. "Tara nang kumain dahil nakapagluto na ako."

Lihim siyang napangiwi. Kung gaano niya kahilig ang pagluluto ay kabaliktaran niya naman ang kakambal dahil weakness nito iyon.

Isa-isa nang pumaroon ang lahat sa komedor at tahimik lang na kumain. Para sa kanya ay kaunting practice na lang at makukuha rin nito ang tamang timpla.

"Hindi ko alam na nag-aaral ka na palang magluto, anak.", singit ni Daddy Llenard.

"Tinuruan ako ng Master chef sa Paris, Dad! Nakakahiya naman kung hindi ko siya seseryosohin!", nangingiting saad nito.

"Well, good for you, Cassie! Ituloy mo lang iyan and I'm sure makakapag-asawa ka uli!", sabat naman ng kanilang ina but Cassie just rolled her eyes na ikinatawa nilang lahat.

Nang matapos ay nagpaalam na sila sa mga ito na uuwi na siya sa bahay nilang mag-asawa.

Pagkapasok pa lang sa main door ay kaagad siyang niyakap ng asawa sabay bulong. "Alex, love, magluto ka naman. Gusto ko pang kumain."

Hindi niya tuloy napigilang tumawa. Kaya pala kanina pa ito walang imik ay dahil kaunting kaunti lang ang kinain nito sa bahay ng kanilang magulang. Naiiling na lamang niyang pinagbigyan ang hiling nito.

---itutuloy---

Thank you for reading,
Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon