Chapter 6

6 1 0
                                    


A/N: Hello po sa mga nag-aabang ng stories ko... Medyo busy Lang sa part time job ko few months ago but don't worry, I'm back... Sisikapin ko pong makapag-update as long as I'm free. So please enjoy with this chapter... ☺️😍😘

************

Napapailing na lang si Alessandra nang matapos ang seremoniya ng kasal Nina Jacque at Aries ay wala ring seremoniyang kinaladkad nina Denver at Blake ang kanyang asawa. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hintayin si Emerald kinukuha ang kotse nito.

Maya-maya pa'y naroon na ito sa harap niya kaya agad siyang sumakay sa passenger seat. Habang paalis sila ay tanaw niya pa rin ang pakikipagharutan ng asawa sa mga kaibigan nito.

"Umamin ka nga best!", pukaw sa kanya ng kaibigan. Ibinaling na niya ang atensiyon nang mawala na sa paningin niya ang asawa. "Tapos na ba kayo ni Alexander sa level of friendship?", taas-kilay na tanong nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo?", pagmamangmaangan niya. Tiyak na kakalbuhin siya nito oras na malaman nito ang totoo.

Pinaningkitan siya nito ng mga mata ngunit bago pa nito muling maibuka ang bibig ay tumirik ang kotse nito. "What the -"

Mabilis silang bumaba ng sasakyan at sinilip ang hood nito na mabilis umusok. "Ano ba iyan? Ang malas naman natin!", reklamo niya.

"Sinabi mo pa!"

Maya-maya pa'y may humintong sasakyan sa harapan nila. Bumaba ang windshield sa driver's seat at bumungad ang nakakunot-noong si Eugene.

"Problem?", usisa nito.

"Eugene!", sabay na bulalas nila ni Emerald.

"Tumirik ang kotse ko!", maktol pa ni Emerald.

"Hop in!", kaagad nitong alok sa kanila kaya mabilis silang tumalima.

Pag-upo niya sa backseat ay nasalubong niya ang paningin ni Renee sa rearview mirror.
"Hoy babae! Bakit ka narito?", palatak niya rito. "Kaya pala nakasambakol ang mukha ni Russel, iniwan mo pala!", dagdag pa niya.

Hindi ito umimik kaya napabuntong-hininga siya. Hindi ito ang oras para talakan ang kaibigan. Naalala niyang may pabor pala siyang hihingiin dito para sa kanyang cuisine. Nauna na niyang kinausap si Shy tungkol sa live band na nais niya. Ngunit sa kasamaang palad ay abala ito sa kung saan-saan.

Muli niyang binalingan ang kaibigan bago tumikhim. "Ren, favor naman oh!"

Tiningnan siya nito sa rear view mirror. "Ano ba iyon?"

"Pwede ka bang kuning singer ng Apl's?"

Tuluyan na nitong ibinaling ang paningin sa kanya. "Bakit ako?", kunot-noong usisa nito.

"Actually, dalawa talaga kayo ni Shy! And since may pinagkakaabalahan pa ang babaeng iyon, ikaw muna!"

"Pwede bang humindi?", biro nito.

"Renaissance Madrid! Bawal kang humindi!", singhal niya na ikinatawa lamang ng mga kasama nila.

"My gosh, girl! Ang tapang mo namang humingi ng pabor!", pambubuska sa kanya ni Emerald.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang maging singer si Renee ng Apl's Cuisine kaya lalong mas dumami ang mga customers nila. Inaabot ng mga waiter sa kaibigan ang isang papel kung saan nakasulat ang mga requested songs ng mga customer.

"Alright! Para kay...Nina?", basa nito sa pangalan ng isang customer. "Request mo ang kanta ng kapangalan mo?", biro pa ni Renee na ikinatawa ng ibang audience. "Alright, here it is!"

Who'd have thought this is how the pieces fit? You and I shouldn't even try making sense of it. I forgot how we ever came this far! I believe we have reasons but I don't know where they are! Don't blame it on my heart!

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon