Epilogue

5 1 0
                                    


Alex, I want to say thank you for all you have done for me and for our family. Humihingi rin ako ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko bilang asawa. I just want you know that I'm not mad at you. I just want your true happiness that's why I'm setting you free.

Ginusot ni Alexander ang liham na iyon ng asawa. Kaya pala hindi siya mapakali nang huling magkausap sila sa telepono para magpaalam dito. Nakakasama lang ng loob dahil hindi ito nagtiwala sa kaniya. But despite of that, hindi niya magawang magalit dito. Masyado niyang mahal ang asawa.

Katunayan ay mag-iisang buwan na niyang hinahanap ang mag-ina niya. Lahat na lang ng scientific reasons ay inisip niya para i-justify ang ginawa nito. Na baka dumaranas lang ito ng emotional distress o kaya ay trauma. In short, pinipipilit niyang unawain ang ginawa nito.  Hindi niya matanggap na matapos ang pangalawang kasal nila ay ganito ang mangyayari.

Nahilot niya ang sentido sa sobrang pagod. Humingi na siya ng tulong sa mga kaibigan ngunit wala pa ring balita sa kinaroroonan nito at ng anak nila. Nag-aalala na rin ang mga magulang nila dahil hindi rin ito nagpaalam man lang sa kanila.

"I'm sorry, Alexander!", ani Gia na palapit. "Kasalanan ko kung bakit naglayas si Alessandra.", saad nito.

"No worries! Ginusto ko ring makatulong. Susunduin ka na ba ni Francis?", usisa niya na ang tinutukoy ay asawa nito.

"Yeah! Maya-maya ay narito na iyon! Salamat ha! Kung hindi dahil sa tulong mo ay tiyak na hindi siya maniniwalang anak nga niya ang pinagbubuntis ko."

Hindi niya masabi sa asawa ang totoong kalagayan nito dahil confidential iyon. Pero ngayong pamilya niya ang nakataya, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa asawa ang sekreto ni Gia. Tanging sila lang nina Max at Blake ang nakakaalam dahil katulong niya ang mga ito sa paglutas ng kaso. At siya ang witness niyon. Nangyari iyon sa kasagsagan ng paghahanap niya rin sa asawa at buntis pa sa anak nila.

"You know, I trusted you so much, Alexander. Alam kong hindi mo ipagkakalat ang sekreto ko ngunit kung iyon lang ang paraan para magkaayos kayo ng asawa mo, I will understand."

"Salamat kung ganoon. Pero hindi naman kailangan na umabot sa ganoon."

"I know. Binibigyan lang kita ng permiso."

"Hey! Masyado kayong seryoso!", agaw ni Francis sa atensiyon nila.
"Ready, sweetheart?", baling nito kay Gia.

"Yeah!", sagot nito at muli siyang binalingan. "Paano ka?"

"Don't worry, mahahanap ko rin ang mag-ina ko!", pagbibigay assurance niya.

"What if i-televise mo na ang paghahanap sa kanya.", suhestiyon ni Francis.

Sukat sa sinabi nito'y nagpaalam na siya sa mag-asawa.

Alex, love, please go home! Nagkakamali ka ng hinala sa amin ni Gia. We don't have any affair. May asawa siyang tao. I'm begging you. Please go home and we will talk. I just can't tell you the reasons because it's too confidential. And once you will know, you'll also get devastated.

Iyon agad ang bumungad kay Alessandra pagbukas niya ng kanyang social media account. At base sa petsa ng pag-upload nito ay tatlong araw na itong nakakalat sa internet. Mag-iisang buwan na siyang nagkukulong sa Brilliance Empire Hotel na pag-aari ng mag-asawang Emerald at Kiefer Sebastian.

Pinunasan niya ang mga luhang pumatak mula sa mga mata niya. Hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin ito. Walang gabi na hindi niya ito iniisip at naaalala. Natuto rin siyang tikisin ang mga magulang. Ngunit hindi si Cassie.

Hinanap siya nito at kinontak siya. Nagkataon na kabubuhay lang niya ng cellphone na dalawang linggo na niyang hindi binubuhay.

"Alex, umuwi na kayo ni Alexis. Alexander is like a living dead. Hindi siya makapagtrabaho. He's been miserable since you left. Maawa ka naman sa kaniya. At si Gia? Inuwi na ng asawa niya sa Italy. My gosh, Alex! Ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong multo.", panenermon nito sa kanya.

Nahiya siya bigla sa sarili. Sa inasal. Ano pang mukha ang ihaharap niya sa asawa? Hindi man lang siya nagdalawang isip na iwanan ito. Ano ba itong nagawa niya?

Pinunasan niyang muli ang mukha ngunit napatda sa nakita. Hindi niya alam kung aparisyon lang ba ang nakikita niya. Si Alexander naglalakad palapit sa kaniya habang kalong-kalong nito ang anak nilang si Alexis.

"Huwag ka sanang magalit kina Emerald. Naawa lang naman sila sa akin.", paliwanag nito nang makalapit sa kaniya.

"I....umm ... understand..", mahinahong saad niya.

"May I?", hinging permiso nito para umupo sa tabi niya. Tumango na lamang siya sa kawalan ng masabi. Tila naumid ang dila niya. "I'm sorry if you feel I neglected you!"

Doon na humulagpos ang luha niya. "No, Alex! I'm sorry coz I didn't trust you! I'm sorry!", aniya at yumakap dito. Doon niya lang napatunayan kung gaano siya nangulila dito.

"I've witnessed a crime, love!", pag-amin nito na ikinagulat niya. "Hindi ko naman alam na si Gia pala ang babae."

At dahil sa sinabi nito ay kaagad niyang naunawaan iyon. Kaya hindi na niya pina-elaborate dito ang pangyayari. At kung siya man ang nasa kalagayan nito ay tiyak na ikamamatay niya.

"I'm sorry kung nagpadalos-dalos ako.", muli ay paumanhin niya.

"It's okay! Ang mahalaga ay magkasama na muli tayo.", anito at niyakap siya. "I love you so much."

"I love you too!"

Bahagya itong lumayo sa kanya. "Let's go home? Hinihintay ka na nina Mommy at Daddy."

Alexander felt relaxed and contented. Naiuwi na rin niya ang kaniyang mag-ina. Tuwang-tuwa rin ang mga magulang nila at sabik na niyakap lalong-lalo na ang apo. Kaya naman ipinaiwan sa kanila ang bata. Kaya solong-solo nila ang bahay.

Pagkalabas ng banyo ay hindi niya nakita ang asawa. Kaya naman nagtungo siya agad sa kusina. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi siya napuna.

"Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon ah!", pagkuha niya sa pansin nito.

"Aba dapat lang! Kelangan kong bumawi sayo! Kahit araw-araw pa!"

Hindi siya umimik at sa halip ay niyakap niya ito mula sa likod. "Bilisan mo na iyan! Gusto na kitang kainin!", bulong niya rito.

"Alex, ang bibig mo!", tila naeskandalong saway nito.

He chuckled. "What I mean is, gusto ko nang kumain tayo!"

Tinikman nito ang niluluto. "Tapos na!", anito sabay harap sa kaniya. "Ayan! The food is ready!"

Ngunit iba palang "food" ang tinutukoy nito dahil ang magaling niyang asawa ay humarap sa kaniya na kitang-kita ang cleavage. Pasaway talaga!

---wakas---

Thank you for reading,
Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

-----------------------

Book 7: coming soon....

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon