Lulan na sila pareho ng sasakyan pauwi ngunit hindi pa rin mawaglit sa isipan nila ang kaganapan kanina sa cuisine ng asawa."What are you thinking?", di niya na napigilang itanong.
Bumuntung-hininga muna ito bago tumugon. " They love each other. The thing is... Russel refuses to believe because all along, ang alam ng utak niya ay si Shy ang mahal niya pero iba naman ang dinidikta ng puso niya. While Renee, kahit nasasaktan, never expect anything from him dahil alam niya kung saan ilulugar ang sarili niya.", mahabang anito na ikinailing niya.
"Maybe Russel deserve sometime alone para makapag-isip-isip!", komento niya.
"Maybe you're right! Pero bilis-bilisan niya bago mahuli ang lahat.", biro nito na ikinatawa niya.
Maya-maya pa'y naroon na sila sa tapat ng bahay nila kaya iginarahe niya na ang sasakyan.
Alexander never expected the blissfulness he felt as of the moment. Hindi naman niya sinasabing hindi siya naging masaya sa pagiging magbestfriend nila ni Alessandra. But then he realized that maybe they were really destined to be lovers than friends. At handa siyang protektahan ang pagsasama nila.
He suddenly felt the urge to touch her face. Even they made love all night, hindi pa rin siya dinadapuan ng antok. Ngunit katulad ng inaasahan niya ay nagising ito.
"I'm sure matutupad na ang apong hinihiling nila pagnagkataon. Imposibleng hindi pa tayo makabuo niyan!", natatawang salubong niya rito.
Nakatikim tuloy siya ng hampas mula rito. "Umaga na, Alex!", anito at akmang babangon.
Agad niya naman itong niyakap upang pigilan. "Let's take the day off!", pakiusap niya rito.
Naramdaman niya ang pagkibit nito ng balikat. "Alright!', pagpayag nito.
Kaagad naman silang natulog nang magkayakap. At sa muling pagmulat niya ng mata ay wala na sa tabi niya ang asawa. Nilingon niya ang orasan sa ibabaw ng mesa. Mag-aalas onse na pala at natitiyak niyang nasa kusina na ito at nagluluto.
Bumangon na siya at tinungo ang banyo. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Pagpasok niya sa kusina ay naabutan nga niyang abalang-abala ito sa pagluluto. Kaagad rin niyang napuna ang tatlong putahe na nakahain sa mesa na saglit niyang ipinagtaka. Ngunit dahil hindi siya napapansin nito ay mas pinagtuunan niya ang pagkasabik na malapitan ito. Nang malapitan niya ito ay agad niya itong niyakap at hinalikan sa batok. Not knowing na may mga audience sila na naninilip mula sa may pinto ng dining hall.
Kinakagat ni Alessandra ang labi upang mapigilan ang sarili mula sa pagbungisngis. Hindi naman kasi maalis-alis sa noo ang pagsasalubong ng kilay ni Alexander. Kaharap lang naman nila sa hapag-kainan ang kanilang mga magulang. Kung hindi pa dumating ang mga ito ay tiyak na lampas tanghalian na siya magigising. Kaya sa halip na bumalik sa tabi nito ay mabilis na siyang naligo bago nagluto.
"Ang aga niyo naman pong bumisita!", sita nito habang abala sa pagkain.
Nanlaki naman ang mata ni Mommy Amanda bago pumalatak. "Aba, Alexander! Tanghali na!"
Samantalang humagikgik lamang ang kaniyang ina. "Balae, hindi ba obvious na tinutupad nila ang hinihiling natin?"
Natigilan naman ang biyenan at kaagad na napangiti. "Really?"
Nag-init ang pisngi niya sa pinag-uusapan kaya naman napapahiyang sinaway niya ito. "Mommy, ang table manners mo!"
"I'm sorry! I'm just so excited!", she just rolled her eyes on her mother's rant.
"Alexander, last night mo na pala sa ASN mamaya?", pag-iiba ni Daddy Alejandro na mabilis na ikinatango ng asawa. "Why the sudden change of mind? Hindi ba at pangarap mo ito?", pahabol nitong tanong.
"I need to focus on my business, Dad! And I want to have more time with my wife.", anito sabay kindat sa kanya.
"Well that's a good idea!", komento naman ni Daddy Llenard.
"Siyang tunay! At nang mabilis niyo na kaming mabigyan ng apo!", sabat naman ni Mommy Amanda na ikinatawa nilang lahat.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, hindi lang naman iyon ang dahilan niya. He really couldn't stand the aggressiveness of his co-anchor. Kung dati ay nakakaya niya pang i-tolerate ang hantaran nitong pakikipagflirt sa kanya ngunit ngayon ay tila mas tumindi pa. At natatakot siya sa kung anuman ang gawin nito sa asawa niya.
Napukaw ang atensiyon niya nang maramdaman ang kamay ng asawa kaya kaagad niya itong nilingon. "Natahimik ka na.", nagtatakang saad nito.
Umiling siya. "Nothing. Don't mind me..', pagbabalewala niya.
"Nga pala..", agaw ng ama sa atensiyon nilang lahat. " I just saw Czarina awhile ago. Pero paalis na siya. I'm wondering kung galing siya dito."
Naikuyom niya ang kamao sa narinig. Mukhang kailangan niya nang bilis-bilisan ang kilos upang maprotektahan ang asawa.
"Hindi naman po, Dad!", sagot ng asawa. "Baka may binisita lang po siya dito sa village."
Napatango na lamang ang ama at Hindi na nagkomento pa.
********
Mabilis na umibis ng sasakyan si Alessandra matapos iparada ang sasakyan sa tapat ng private clinic ni Aries. Ilang araw na siyang hindi dinadatnan kaya malakas ang kutob niyang matutupad na ang matagal nang inaasam-asam ng kanilang mga magulang.
Pagbukas niya ng pinto ay laking tuwa niyang maabutan ito roon. Kung minsan kasi ay naroon ito sa ospital. Abala ito sa pakikipag-usap sa nag-iisang pasyente kaya hindi siya napapansin. Bagamat pinagtataka niya kung bakit ganoong propesyon ang nais nito ay nakikita niyang masaya ito sa ginagawa.
Sa wakas ay tumayo na ang kausap nito kaya naman nagawa na nitong ibaling sa kanya ang paningin. Kaagad namang lumawak ang ngiti nito pagkakita sa kanya.
"Im sure the gang would celebrate except sa mga friends mo once they found out your secret.", sa halip ay pambubuska nito.
Naitirik niya ang mga mata sa tinuran nito. "Huwag ka nang mangonsensya. I'll tell them soon naman!", aniya at umupo sa katapat nitong upuan.
"At kelan naman iyon? Remember, hindi magtatagal they will know the obvious especially paglaki ng tiyan mo.", di papipigil pa ring paalala nito.
"Oo na!", sumusukong turan niya at sinimulan na siyang kunan ng vital signs.
Maya-maya pa'y binigyan siya nito ng reseta ng vitamins na dapat niyang inumin bago siya nagpaalam. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya hanggang makarating siya sa cuisine at madatnan ang isang hindi inaasahang bisita.
--itutuloy---
free to vote and share the link..
@mjfreesia
BINABASA MO ANG
THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETED
Romance"Totoo pala ang kasabihang 'Parents know better'. Kaya kahit ilang beses man akong magpakasal, saanman klaseng simbahan, iisang babae lang ang gusto kong maging bride at iyon ay ikaw." Sa araw ng kanilang debut ay itinakda ng kanilang mga magulang a...