Chapter 2

6 1 0
                                    


Hindi matanggap ni Alexander na nagoyo siya ni Kendra. Buong akala niya ay ito na ang babaeng maihaharap niya sa altar. Before her ay kabilaan din ang naging girlfriends niya ngunit nang makilala niya si Kendra ay binago niya ang sarili. Nagpakatino siya para rito. That even his own wife supported him.

Ngumiti siya nang mapakla nang maalala ang asawa. How come na hinayaan niyang mamagitan si Kendra sa kanilang mag-asawa? Kung totoo man na may time machine, babalikan niya ang mga panahon ng unang taon nila bilang mag-asawa. Pakakawalan na niya si Kendra at paninindigan ang pagiging asawa kay Alex. But reality really sucks. There is no such thing as time machine. Hindi na niya mababago pa ang mga nangyari.

Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin lalo na nang matikman niya ang mga labi ng asawa. Napailing siya. Buong akala niya ay kilala na niya ito but he was wrong. Mas nakilala niya lalo ang feminine side nito. Sa harap ng pamilya at mga kaibigan nila ay tila amazona ito kung kumilos. Ngunit sa kanilang tahanan ay nakikita niya ang pagiging submissive nito sa kanya. At bilang ganti, he respected her. Kaya nga kahit sabihing nakatira sila sa iisang bubong at natutulog sa iisang kama, they lived and act as normal as best friends that they have been. Kahit nakakaramdam na siya ng kakaiba tuwing nasa malapit ito ay pilit niyang nilalabanan ang sarili. Dahil ang nasa puso't isipan niya ay si Kendra. Si Kendra na nagpabago at bumuo sa kanya ay siya rin palang dudurog sa kanya.

Matapos ubusin ang laman ng isang bote ng alak ay pinagtatapon niya ito kung saan-saan. Sinusuntok niya ang bawat umaawat sa kanya. Wala na siyang pakialam. Kung makikita lang ng mga ungas niyang kaibigan ang pinaggagagawa niya, tiyak na pagtutulungan pa siya ng mga ito. Nakaramdam siya ng panghihina dahil sa matinding pagod kaya naman sandali niyang ipinikit ang mga mata at isinubsob ang mukha sa mesa.

Ngunit tila naalimpungatan siya nang marinig ang boses ng asawa. "Alex, honey!", anito sabay tapik sa pisngi niya. Bahagya niyang iminulat ang mga mata at bumungad sa paningin niya ang magandang mukha nito. "Uwi na tayo!"

Tila naman natauhan siya at agad na tumango. Pinilit niyang tumayo nang mag-isa ngunit nakaalalay pa rin ito. Tinitigan niya ito at napalunok. "I'm sorry! I drag you into my mysery."

Nakalabas na sila ng bar nang lingunin siya nito. "Don't think about it at mamaya na natin pag-usapan iyan. Uwi muna tayo!"

Sinikap niyang hindi maging pabigat dito at pilit na inaninag ang dinaraanan nila hanggang makalapit sila sa kotse nito. "Dito na lang muna ang motor mo.", suhestiyon nito na ikinatango niya.

Pagkasakay nila pareho sa loob ay minaniobra na nito ang sasakyan paalis sa bar na iyon. Habang nagmamaneho ito ay hindi niya inaalis ang paningin dito. "Nakaka-conscious naman ang tingin mong iyan!", saway nito.

"Do I really deserve this?", mahinang tanong niya. Alam niyang prangka itong tao kaya hindi ito magsisinungaling sa kanya.

Pumalatak ito. "Aba! Ang Kendra na iyan ang may diperensya sa ulo kaya kalimutan mo na siya!", anito at pinaharurot ang kotse. Maya-maya pa'y naroon na sila sa bahay nila.

At dahil nabawasan na ang kalasingan niya ay tuwid na siyang naglakad papasok habang ipinaparada nito ang sasakyan. Dumiretso siya sa banyo at naligo. Nagbabad pa siya ng ilang oras bago tuluyang lumabas na siya namang pagpasok ng asawa. May dala itong mangko.

"Pinagluto kita ng sopas kaya ubusin mo iyan! I'll just take a shower.", anito at hindi na siya hinintay na sumagot at agad na pumalit sa kanya sa banyo.

Humakbang na siya palapit sa mesa kung saan naroon ang sopas. Sa sobrang sarap niyon ay agad niya iyong inubos. Kakainom lang niya nang tubig nang iniluwa ng banyo ang asawa. Napatingin ito sa mangko at baso na wala nang laman. "Gusto mo pa ba? Meron pa sa kusina!", alok nito.

Umiling siya. "Nah! I'm good!", pagtanggi niya.

Umupo ito sa harap ng tokador at nagsuklay. "Mabuti na lang at nasa VIP room ka kanina. Kung hindi ay laman ka ng sarili mong broadcasting network!", palatak nito. " News Anchor Alex Hernandez, nagwala sa sariling bar!", iiling-iling na pagbabalita kuno nito. "Tsk! Tsk! Nakakahiya!"

Napasimangot siya. "I know, right? Huwag mo nang ipaalala!"

Maya-maya pa'y tumayo na ito at humakbang palapit sa kama. Humiga na ito at tumagilid paharap sa kanya. "Nga pala, tumawag kanina sina Mommy! Bumisita naman daw tayo one of these days!"

Humiga na rin siya sa tabi nito. "Kelan ka ba pwede?", sa halip ay tanong niya.

Tumihaya ito. "Kelan mo ba gusto?", balik-tanong nito.

"Ikaw ang bahala. Alam mo namang gabi naman ang trabaho ko.", sagot niya.

"Tomorrow?"

"It's fine with me."

Kinabukasan nga ay naroon sila sa bahay ng kanilang mga magulang. Kasalukuyang nasa garden ang ina ni Alessandra kaya naman sinamahan niya ito doon.

"Anak, ilang taon na rin kayong kasal ni Alexboy, wala pa ba kayong balak na bigyan kami ng apo?", tanong ng kanyang ina na si Sophia.

Mabuti na lamang at abala ito sa paggugupit ng mahahabang damo kaya hindi agad nito napuna ang reaksiyon niya na tila natuka siya ng ahas. Nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan. "We're working on it Mom! Hindi pa lang siguro time na magkababy kami. Y-you know, we're both busy.", pagsisinungaling niya. Paano naman mangyayari iyon eh they never intended to consummate their marriage aside from that wonderful kiss they've shared many times?

Binitiwan nito ang hawak na gunting at hinarap siya. Bumuntong hininga ito matapos siyang saglit na tinitigan. "Alam kong napilitan namin kayo sa kasal na iyan, pero anak, kung pinaparusahan niyo kami na huwag bigyan ng apo, tatanggapin ko.", maluha-luhang saad nito.

Agad naman siyang nakonsensya. "Mom, huwag niyo pong isipin iyan. Hindi po namin iyan gagawin sa inyo ni Alex.", pagpapanatag niya rito.

Niyakap naman siya nito. "Salamat naman kung ganoon anak!"

Naagaw ang atensiyon nila nang bumukas ang gate nila. Nang nilingon nila iyon ay nakita nila ang pagpasok ng kanyang mga biyenan, sina Alejandro at Amanda Hernandez.

Sinalubong niya ang mga ito at niyakap. "Mabuti naman at napasyal kayo dito.", saad ng ginang at bahagyang sumulyap sa tiyan niya. Nilingon nito ang kanyang ina. "Balae, wala pa rin. Pinaparusahan yata talaga tayo!"

Napailing naman ang ginoo. "Magsitigil nga kayo! Huwag niyong madaliin ang mga bata!", awat nito sa pagdadrama ng dalawang ginang. "Puntahan ko lang sina Alexander sa loob.", paalam nito maya-maya.

Napailing na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang ginoo samantalang ang dalawang ginang naman ay magkaagapay na tumuloy sa kusina. Sumunod na lamang siya sa mga ito.

"I'll cook Mom!", pagboboluntaryo niya nang akmang pakikialaman ng mga ito ang mga inihanda niyang sangkap sa lulutuing pochero.

"Tulungan ka na namin!", saad ni Mommy Mandy.

"No, Mom! Since ngayon lang kami nakapasyal uli, ako na po ang bahala. Just sit back and relax.", aniya rito.

Nagkatinginan ang dalawang ginang bago nagkibit-balikat. "Sa nakikita ko, mukhang espesyal ang lulutuin mo!", pagpapaubaya ng kanyang ina bago siya iwan ng mga ito.

Hindi lang batid ng mga ito kung gaano kaespesyal ang araw na iyon para sa kanya. Kaya naman hindi mapuknat ang ngiti niya habang nagluluto.

---itutuloy---

free to vote and share the link..

@mjfreesia

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon