Abala si Alessandra sa pagsasaayos ng mga bagong biling damit at gamit ng anak nila ni Alexander. Napag-alaman nilang lalaki ang anak nila nang magpa-ultrasound sila. Sa sobrang excitement ng asawa ay hindi niya na naawat ito at agad silang nagshopping sa RVD mall.Napahinto siya nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Pansamantala niyang iniwan ang ginagawa at dahan-dahang tumayo. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya sa labas ng gate si Czarina.
Kaya sa halip na lumabas ay nanatili siya sa kinatatayuan at hindi pinagbuksan ng gate ang babae. "Go away, Czarina!", pagtataboy niya rito at kaagad na isinara ang pinto.
Narinig niya ang pagkalampag ng gate kaya hindi na niya nagawang i-double lock ang pinto. Ngunit bago pa siya makapasok sa kwarto ay bumukas na ang pinto at pumasok si Czarina.
"I just welcome myself then!", anito sabay ngisi.
"Ano bang kailangan mo?"
"Hernandez just ruined my life and my career. Wala nang network ang gustong tumanggap sa akin dahil sa kasong isinampa nila ng ASN laban sa akin!"
"At ano ang kinalaman ko diyan?", sikmat niya. "You did that to yourself and no one is to blame but you yourself alone!"
"It's all his fault, damn it! Kaya wawasakin ko rin siya! And it's gonna be through you!", sigay nito at agad siyang sinugod.
Sapo-sapo niya ang maliit pang tiyan at hindi niya napaghandaan ang pagbagsak niya. Tila namanhid ang buong katawan niya nang maramdaman ang pag-agos ng dugo sa mga hita niya.
"My baby!", hagulgol niya at binalingan ng masamang tingin si Czarina na tila natulos sa kinatatayuan. "Napakasama mo!", sigaw niya rito.
Nakita niya ang takot sa mga mata nito kaya mabilis itong tumalikod at iniwan siya. Pinilit niyang abutin ang spare phone sa center table and dialled his husband's number.
"Alex, our baby! Please hurry!", bungad kaagad niya nang sagutin nito ang tawag. Napaigik siya sa sakit kaya nabitiwan niya ang telepono. "Hold on, baby! Daddy is coming!", pagkausap niya sa anak.
Maya-maya pa'y narinig niya ang ugong ng motorsiklo ng asawa at agad siyang nakita. "Alex!", narinig niyang sigaw pa nito bago siya tuluyang nawalan ng malay.
Pagmulat ng mata ay bumungad kaagad sa paningin niya ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan. Mabilis rin niyang hinagilap ang asawa na nakayuko sa tabi niya.
Iginalaw niya ang mga kamay ay hinaplos ang ulo nito. "Thank God, you're finally awake!"
"Our baby?", usisa niya nang maalala ang nangyari.
Hinalikan nito ang kamay niya. "Don't worry! He's safe!"
Napabuntong-hininga siya at kumalma sa narinig. "Mabuti naman kung ganoon!"
Ngunit nakita niya nang tumigas ang anyo nito. "At pinagbabayaran na ni Czarina ang atraso niya sa atin!"
"Nakakulong na siya?", she asked hopefully at tumango ito. "Paano?"
"Kasama ko na ang mga pulis at ambulansya nang pauwi ako. Nasalubong namin ang kotse niya kaya hinabol siya nang mga pulis nang magtangkang tumakas. Habang dumiretso na kami ng ambulansya pauwi sayo!", paliwanag nito.
"Galit na galit siya nang sumugod sa bahay. Hindi niya matanggap na sira na ang career niya.",saad niya.
"She deserves it!"
Maya-maya pa'y naroon na rin ang mga magulang nila.
"How are you, iha?", usisa kaagad ni Mommy Sophia.
BINABASA MO ANG
THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETED
Romance"Totoo pala ang kasabihang 'Parents know better'. Kaya kahit ilang beses man akong magpakasal, saanman klaseng simbahan, iisang babae lang ang gusto kong maging bride at iyon ay ikaw." Sa araw ng kanilang debut ay itinakda ng kanilang mga magulang a...