Chapter 8

6 1 0
                                    


She even saw her smirked when their eyes met. Bigla siyang kinabahan hindi sa takot para sa sarili kundi para sa munti pang sanggol sa sinapupunan. She needs to protect her baby against this witch. Kaya nilakasan niya ang loob habang kaharap ito.

"Ano namang ginagawa mo dito?", mahinang asik niya rito.

"Don't worry! I just came here as a customer, you know!"

Umiling lang siya, trying to ignore her. "Cut the crap, Czarina! I know you're here for my husband!"

Lalong lumawak ang pagbungisngis nito. "Of course at huwag na huwag mo iyang kalilimutan. You'll be surprised when that happens!"

"Im sorry to disappoint you because that will never happen.", gigil na sikmat niya. "Napakapathetic mo naman. You know what nakakaawa ka? Because you stoop down that low para mang-agaw ng asawa ng may asawa!"

Akma siyang sasampalin nito ngunit naging maagap siyang pigilan ang kamay nito bago pa dumapo sa pisngi niya. "Don't you dare, Czarina!", babala niya at pasimpleng lumingon sa paligid.

Kaagad nitong binawi ang kamay nang mapagtantong may mga cellphone nang nakatutok sa kanila. Hindi lang sa mga staff nito kundi maging ang iba pang customers.

"Hindi pa tayo tapos!", anito at kaagad siyang tinalikuran at umalis ng cuisine.

"Okay lang po kayo Ma'am Alex?", usisa agad ng palapit na staff na si Cataleiah.

Nanghihina siyang napaupo sa silya bago tumango. "I'm fine!"

"Akala talaga ng Czarina Rosaldo na iyon ay papayag na lang kaming saktan ka niya! Naku! I'm sure headline na siya sa balita wala pang isang oras mula ngayon.", palatak nito.

"Na-upload ko na ang video!", sabat naman ni Warren. "Mag-iingat na iyon ngayon sa ikikilos niya."

Napangiti siya sa ginawa ng mga ito. Tiyak niyang malalaman din ito hindi lang ng mga magulang niya kundi pati na rin ng mga kaibigan niya.

*******

Hindi maipaliwanag ni Alexander ang sayang naramdaman nang ibalita ng asawa ang pagdadalang-tao nito. Ngunit mas lalo siyang nag-aalala ngayon dahil kay Czarina. Hindi na ito nagbalik sa tv station matapos ipakalat ng mga staff ng cuisine ang video nito na kung saan pinagbantaan nito ang asawa niya.

Nilingon niya ang asawa na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Maliit lang iyon kumpara sa malakas nitong personality. Maliban kina Max at Jacque, isa ito sa mga babaeng walang inuurungan. Masyado itong palaban kaya nga bihira lang na may mangahas na manligaw dito noon. At mapalad na si Andrew nang mahalin nito ngunit sinayang lang ng lalaki iyon. Nagkamali ito nang lokohin nito ang asawa niya. Naiiling habang natatawa na lamang siya nang maalala ang pangyayaring iyon.

Matapos nilang sunduin si Kendra ay kaagad silang dumiretso sa RVD mall. Nalalapit na ang kaarawan ng nobyo nito at nais niya itong bilhan ng regalo.

"Hey, Alessandra!", tawag pansin dito ni Kendra na ikinalingon nito. Naroon sila sa men's wear section. "Ano bang gusto mong iregalo kay Drew?", usisa nito habang namimili ng polo.

"Sa totoo lang hindi ko rin alam.", matamlay nitong saad.

Inakbayan niya ito para idestruct ito sa kaiisip. "Why don't you just cook for him, instead?", suhestiyon niya.

"That's right!", mabilis na pagsang-ayon ni Kendra sa kanya. "Patikimin mo na rin kami ng specialty mo! Bukambibig lagi nito ni Alex love na Master chef ka na!"

Kaagad naman itong tumango. "Yeah! Hindi ko pa nga talaga siya naipagluluto!",tila na-excite na saad nito at hinila sila paalis ng department store.

Mabibilis ang hakbang nito patungo sa escalator. Ngunit nagtaka siya nang matigilan ito. Nagkatinginan tuloy sila ni Kendra at bakas din sa mukha nito ang pagtataka.

"Hey, Alex!", pagkuha niya sa atensiyon nito ngunit naglakad ito patungo sa ibang direksiyon. Mabilis nila itong sinundan at nakita niyang patungo ito sa isang food chain.

"Dito na lang tayo!", pigil sa kanya ni Kendra bago pa kami makapasok sa loob.

"But-"

"Look!"

Kaagad kong sinundan ng tingin ang itinuro niya. Naroon si Andrew. May kaakbay at kahalikang babae. Huminto ito nang tila mapansin na may tao sa harapan nila. At kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito pagkakita kay Alessandra.

"A-Alex honey!", namumutlang bulalas nito.

"Honey your face!", dinig niyang asik ni Alessandra at walang anu-ano'y inundayan kaagad nito ng suntok sa mukha ang lalaki.

Sapo-sapo ni Andrew ang nasaktang mukha at tumayo ngunit hindi na ito binigyang pagkakataon na magsalita ni Alessandra at binigyan pa ng isang malakas na uppercut sa panga nito.

"You just break my heart so you deserve to break your bones, asshole!", anito bago pinagpagan ang mga kamay at iniwan ito.

Palabas pa lang ito ng food chain ay sinalubong na nila ito at agad niyang niyakap. "Let's go home, Alexboy! Wala naman pala akong kelangan dito!"

"Right! Iuwi na muna natin siya Love!", pagsegunda ni Kendra. "Kung tutuusin, kulang pa iyong ginawa mo sa kanya!", palatak pa nito.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang alumpihit na magising ang asawa. "Bakit gising ka pa?", Her bedroom voice seems so sexy upon his ears that made him shiver.

Sa halip na sagutin ito'y hinalikan niya na lamang at tinitigan. "You're beautiful!"

"Matagal ko nang alam iyan!

"You know what? You just made me realize how much I love you!"

"I love you too, Alex!", tugon nito at agad siyang niyakap.

When the right time comes, he's gonna marry her in church at sisiguraduhin niyang invited na ang buong barkada.

Sa ngayon ay nakapagfile na siya ng restraining order laban kay Czarina. Even the network file a case against her dahil sa paglabag sa kontrata. Kaya sigurado siyang nagtatago na ito ngunit batid niyang anumang oras ay pwede nitong balikan at saktan ang asawa. At iyon ang hindi niya hahayaang mangyari.









-itutuloy---

Thank you for reading,
Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon