Tila hindi mapakali si Alexander sa labas ng delivery room habang hinihintay na mailuwal ni Alessandra ang anak nila. Abot-abot ang kaniyang kaba habang naglalakad paroon at parito."Will you please calm down, Alexander?", ani ng ama. "Lalo kaming kinakabahan sa kalalakad mo riyan!"
Kaya naman umupo na lamang siya sa tabi ng ina. "Everything will be alright! Palaban at matapang si Alessandra, remember?", pagpapaalala naman ng ina.
Ngunit tila hindi man lang nabawasan niyon ang kaniyang kaba hanggang marinig niya ang iyak ng anak. Doon niya nabatid na kanina pa siya nagpipigil kaya ganoon na lang ang kanyang paghinga. Ngunit hindi pa rin siya nakakampante hangga't hindi niya nalalaman ang kalagayan ng asawa.
Maya-maya pa'y bumukas na ang pinto ng delivery room at iniluwa ang kaibigan. "Congratulations, bro!", bati agad nito.
"Si Alex? Is she safe?", sa halip ay usisa niya.
Napangiti at napailing na lamang ito. "Don't worry! She's fine!", bagaman ay sagot nito.
Saka pa lamang siya tuluyang kumalma sa narinig mula rito. Nagpaalam na si Aries matapos sabihing ililipat na ang asawa sa magiging silid nito.
Inakbayan na siya ni Daddy Llenard. "We told you she'll be fine! Masyado kang nerbiyoso!"
Nakita niya muling bumukas ang pinto ng delivery room at inilabas na ang asawa. Sumunod sila sa mga ito at nang makarating sa magiging silid nito ay siya na ang nagbuhat sa asawa para ilipat ito sa kama.
Pagkalabas ng mga nurse ay agad niya itong kinumusta. "Kumusta? May masakit ba sayo?", nag-aalala niyang tanong.
Ngumiti ito. "May kaunting stitch lang but I'll be fine."
Narinig nilang bumukas ang pinto at pumasok si Mommy Amanda. Karga-karga nito ang bagong silang na sanggol. "Here's baby Alexis Andrei!"
Napasimangot naman si Mommy Sophia. "Bakit ba naisipan niyo pang ipangalan ang baby sa daddy mo?", palatak nito. Alexis Llenard kasi ang tunay na pangalan ng biyenan. But her wife just shrugged on her mother's rant.
Ilang linggo ang nakalipas pagkalabas nila ng ospital ay hindi sukat akalain ni Alessandra na ganoon kayaman ang pamilya nina Kiefer at Emerald. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa isip nina Tito Cedric at Tito Jasper para paglaruan ang dalawa.
Sa naisip ay hindi pala sila nagkakaiba ng kaibigan. Arranged marriage. Mabuti na lamang at hindi kasing topakin ng mga ama nito ang kanilang ina ng asawa. Nasobrahan naman kasi sa drama ang love story ng kaibigan.
Ngayon ay naroon sila sa Camiguin upang ganapin ang kakaibang kasalan na iyon. Natatawa at naiiyak siya sa eksenang natatanaw. Natatawa siya nang malaman ng mga ito ang kalokohan ng mga nito. Naiiyak siya dahil kahit parehong nakapiring ay nakilala pa rin ng mga ito ang isa't isa. What a lovely couple!
Lulan na sila sa isang service van patungo sa reception. Hindi na nila naabutan ang bagong kasal kaya naupo na lamang sila sa mesang nakareserve para sa kanila.
Natanaw niyang pababa na ng hagdan ang mga ito kaya mabilis niya itong sinalubong kahit palapit na rin naman ito sa kinaroroonan nila. "Grabeh! Hindi ko lubos akalain na ganito kayo kabigatin ni Kiefer!", bulalas niya. "Biruin mo, sinagot ng iyong father dear ang mga pamasahe namin although kaya naman namin i-afford!"
"Pati itong mga suot namin, siya rin ang gumastos!", sambit naman ng papalapit na si Shy!"
Napuna niya ang pagtaas ng kilay nito. "Naging accomplice pa rin nila kayo!", mahinang sumbat nito na ikinatahimik nila.
"We're sorry Emmy!", mahinahong saad ni Amor na ikinatango na rin nila.
Yumakap na lamang ito sa asawa na nagpaalam na pupuntahan saglit ang mga kaibigan nito. "Akala ko talaga, tuluyan na kaming magkakahiwalay."
"Maybe we need to start the program! Mukha kasing kakaliskisan niyo pa ang mga parents niyo!", pag-iiba ni Shy na ikinatawa na lamang nila.
Kanina pa aligaga si Alexander. Ito na iyong pagkakataon niyang magpropose nang pormal sa asawa. Kahit pinagpaplanuhan na nila iyon ay gusto niya pa ring iparanas dito ang isang romantic proposal.
Sa layo ng iniisip niya ay hindi niya namalayan ang papalapit na mga kaibigan.
"Hey, Ash! Mukha yatang hindi ka mapakali!", puna sa kaniya ni Top.
"Pinagpapawisan ka pa samantalang ang lamig-lamig naman!", palatak naman ni Ace.
Sa sinabi nito'y kaagad niyang dinukot sa bulsa ang panyo. Ngunit wala siyang nakapa.
"Here!", saad ni King sabay abot ng panyo. "Don't worry! Hindi ko pa iyan nagagamit." Kaagad niya iyong inabot at ipinunas sa mukha.
"Bakit ba kasi parang nate-tense ka?", usisa ni Echo.
"Is it about the proposal?", segunda ni Blue.
Napilitan na siyang tumango. It's useless naman para tumanggi. "Kasal na kayo kaya what's the use of being paranoid?", pang-aasar naman ni Dom.
"Look who's talking!", si Red. "Para namang hindi mo iyan pinagdaanan!"
He smirked when Dom remained silent. Napailing na lamang siya nang marinig ang boses ni Shy. Tanda na mag-uumpisa na ang program.
"Let's go back!", aya na ni King at nagpatiuna nang lumakad. Ganoon din ang mga kaibigan. Akma na rin siyang susunod nang mamataan ang isang bagay na nahulog at batid niya kung kanino iyon. Mabilis niyang sinundan si King bago pa ito makalapit kay Emerald.
Kaagad niyang inabot ang bagay na iyon pagbaling nito. But he didn't accept it. "Hawak mo na. Bawal nang ibalik sa groom.", anito at tinalikuran na siya.
He felt like he was about to cry but he shouldn't. It's about time to execute the plan. Pagkakita kay Emerald na tumayo na at akmang hahakbang patungo sa entablado ay mabilis niya itong nilapitan.
Kunot-noong lumingon naman ito sa kaniya. Iniladlad niya ang hawak na garter at hiningi Ang dapat ay sa asawa. "Can I have the flower?"
Kitang-kita niya ang pagtataka sa mga mata nito ngunit inabot din naman sa kanya ang bouquet. At sigurado ang mga hakbang niya patungo sa asawang nakaupo sa isang sulok.
Himas-himas ni Alessandra ang nangangalay na binti. Gustuhin man niyang makisali sa mga nagkakagulong mga kaibigan ay hindi niya tuloy magawa. Nagtataka tuloy siya at wala man lang throwing of garters and bouquets. Ngunit ang pagtatakang iyon ay pinagsawalang kibo na lamang niya.
At dahil disco lights ang umiilaw, kaagad siyang nasilaw nang tumutok sa kanya ang spotlight. At laking sorpresa niya nang tumambad sa harapan niya ang magaling na asawa. Nakaluhod ito sabay abot ng bouquet na alam niyang galing sa bride.
"May I?", hinging permiso nito sabay ladlad ng hawak nitong garter. Kahit na mag-asawa na sila ay hindi niya pa rin mapigilan ang makaramdam ng kilig sa ginagawa nito.
Iminuwestra niya ang kaliwang hita dito at hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba sa bawat pagdaiti ng kamay nito sa balat niya. Akala niya ay tapos na ngunit laking tuwa niya nang iharap nito sa kaniya ang isang platinum ring.
Kaya sa sobrang saya niya na tila sasabog na ay hindi na niya nahintay pa ang cue nito. Dinamba niya na ito ng yakap sabay sabing "I will!"
---itutuloy---
Thank you for reading,
Feel free to vote and share the link..@mjfreesia
BINABASA MO ANG
THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETED
Romance"Totoo pala ang kasabihang 'Parents know better'. Kaya kahit ilang beses man akong magpakasal, saanman klaseng simbahan, iisang babae lang ang gusto kong maging bride at iyon ay ikaw." Sa araw ng kanilang debut ay itinakda ng kanilang mga magulang a...