Chapter 4

9 1 0
                                    


Nakapangalumbaba si Alessandra sa counter habang hinihintay ang cashier niyang si Cataleiah. Hindi niya mapigilang alalahanin ang namagitan sa kanila ng asawa ng gabing iyon. Sinong makapagsasabing ayaw nilang bigyan ng apo ang mga magulang? Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang init ng katawan nito sa balat niya. At para sa kanya ay tama lang ang sinabi niya rito. Hindi siya nagmamadaling mahalin kaagad nito. Sapat na sa kanya na maramdaman ang security mula rito. Kahit pa sabihing karapatan niyang magdemand bilang asawa nito ay hindi niya magagawang samantalahin iyon.

Naagaw ng isang pamilyar na bulto ang atensiyon niya. Ilang taon na ba ang lumipas bago niya muling nakita ang lalaking ito. Nakita niya lumapit dito ang waiter na si Warren at kinuha ang order nito.

Nang matapos ay nilapitan niya ito. "Eugene? Is that really you?", usisa niya bago umupo sa tapat nito.

"Yeah and you are?", Kunot-noong balik-tanong nito.

Napasimangot siya. Alam niyang hindi siya agad nakilala nito.  "Palayasin kaya kita dito sa restaurant ko!", banta niya.

Medyo nailang siya nang pakatitigan siya nito nang maigi  at maya-maya'y napangiti. "Mrs. Alex!"

Nanlaki ang mata niya sa itinawag nito. "Don't call me that, will you?", asik niya. Hindi niya alam na alam pala nito ang sekreto nilang mag-asawa. Humanda sa kanya ang lalaking iyon mamaya.

"Fine! So, this is yours?", tukoy nito sa restaurant.

"Yes and for the record. Just call me Alessandra.", giit niya. Tiyak na katakot-takot na sermon ang aabutin niya sa mga girlfriends oras na malaman ng mga ito ang sekreto niya.

Saglit silang huminto nang dumating na ang inorder nitong pagkain. At nahagip ng paningin niya si Charm na kalalabas lang mula sa banyo. "Shall we eat?", dinig niyang saad ng kaharap.

Mabuti na lang at nasa malayo ito. Kung hindi ay tiyak na malalagot siya. "Charm! Come here!", sa halip ay tawag niya.
Napuna niya ang pag-aalangan nito bagaman ay dahan-dahang naglakad palapit sa kanila. "I wonder if you still remember her.", saad niya kay Eugene bago iginiyang maupo si Charm. "Ka-frat siya nina Timothy, remember?", aniya matapos balingan si Charm.

Isang sulyap lang ang binigay nito sa kaharap."Yeah!". maiksing tugon nito bago siya nilingon. "May pupuntahan lang ako. I'm not sure kung makakabalik agad ako.", paalam nito.

Nagtatakang man sa ikinilos nito ay napilitan na lamang siyang tumango kaya mabilis na humakbang si Charm palayo sa kanila. "Weird!", bulong niya sa sarili. Ano kayang nangyari doon?

"Come again?", usisa ng kaharap.

Nagkibit na lamang siya ng balikat."Wala naman kasing ibang pinupuntahan iyon eh! Mas gusto pang magwaitress ng babaeng iyon dito.", bulalas niya na ipinagtaka nito. "Nevermind!", sabay bawi niya bago nagpaalam at iniwan na ito.

Bagaman abala sa pagluluto ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang inakto ni Charm kanina. Ramdam niya talagang may kakaiba. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala rito. Hinahango na niya ang kaluluto pa lang na sinigang nang marinig ang ugong ng motorsiklo.

Gustuhin man niyang takbuhin ang sala upang salubungin ito at hindi niya magawa. May kasalanan pa nga pala ito. Kaya pinagpatuloy na lamang niya ang paghahain ng hapunan nila. Naramdaman na lamang niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa baywang niya bago siya kinintalan ng halik sa leeg.

"Lalo akong nagutom sa bango ng niluto mo!", anito at dumulog na sa hapag.

Akma na itong sasandok ng sabaw nang tampalin niya ang kamay nito. Kunot-noong napatingin ito sa kanya. "You told your brothers about us? How could you?", sumbat niya. "Hindi ka kakain hangga't hindi ka nagpapaliwanag."

Nakita niyang takam na takam na ito at sinusupil niya ang ngiti para mapatunayan ang galit mode niya rito. "I'm sorry, Lex! Alam mo naman private eye iyang si Eugene kaya wala akong choice kaya umamin na ako sa kanila. Anyways, they keep it to themselves naman eh! Kaya huwag ka nang magalit. I'm starving already!", paliwanag at pagmamakaawa nito.

Napailing na lang din siya. Bakit nga ba nakalimutan niyang imbestigador nga pala ang mokong na iyon? "Fine! Sige na! Eat up!", aniya sa asawa at agad namang tumalima.

"May problema ba?", basag nito sa katahimikan.

"Charm acted so strange kanina. Nagkita kasi kami ni Eugene kanina sa cuisine.", kwento niya.

Napatango ito. "Para makabawi ako sayo, I'll tell you a secret too."

Siya naman ang na-curious sa tinuran nito. "What is it?", usisa niya.

"Charm and Eugene had been a couple way, way back. But then they had misunderstandings.", pahapyaw na saad nito.

"I'm sure involved naman diyan ang kapatid ni Charm!", gigil na komento niya.

"But I believe na may chance pa silang magkaayos.", positibong saad nito.

"I knew it!", sabay na lumipad ang tingin nila sa intruder. At hindi lang basta intruder, buntis na intruder.

Unang nakabawi si Alexander. "Anong ginagawa mo dito Kendra?", mahinahong tanong nito.

"Sinundan kita para makipagbalikan sayo but I wasn't surprised to know na nagbabahay-bahayan na pala kayo ng mang-aagaw na iyan!", sigaw nito sabay duro sa kanya.

Tumayo siya at humakbang patungo sa silid nila upang makapag-usap ang mga ito nang maayos ngunit bago pa niya iyon magawa ay hinila nito ang buhok niya. Kung hindi lang dahil sa ipinagbubuntis nito ay nunca na hindi niya ito patulan.

Nang makawala mula sa pagsabunot ni Kendra ay itinago siya ni Alexander sa likod nito. "Don't talk to my wife that way!", asik nito na ikinagulat nila pareho ni Kendra.

"Anong sinasabi mo, Xander?", tila hindi makapaniwalang tanong ni Kendra.

Tila naman natauhan ang asawa. "Go away, Kendra!", pagtataboy nito. "Magpakasal ka sa ama ng batang dinadala mo!"

Umiling lang ang babae. "No! Ikaw ang mahal ko, Xander!", naiiyak na saad nito.

"Sana naisip mo iyan bago ka nagpabuntis kay Andrew.", hindi makatinging saad nito. "Now just go! Isipin mo na lang ang kalagayan niyong mag-ina!"

"Kailan pa?", sa halip ay tanong nito. "Kailan pa kayo ikinasal?"

Sinundan niya ng tingin ang pinagmamasdan nito. Naroon nga pala sa pader ng ikalawang palapag ang wedding picture nilang mag-asawa. Napakagat siya ng labi sa konsensyang nararamdaman. Kung siya ang nasa kalagayan nito ay iyon din ang iisipin niya.

"Did you just made me a mistress? Is that it, Xander?"

Marahas na bumuga ng hangin ang asawa bago binalingan si Kendra. "Im telling you, walang nang-agaw kaninuman. She supported us kahit kasal na kami. Kaya wala kang karapatan na ipamukha sa kanya na inagawan ka niya."

Nakita niyang nanghihinang napaupo ito sa nalaman. Maya-maya pa'y hilam na ang mukha nito sa luha nang bumaling sa kanila. "And I'm telling you also. Isang malaking pagkakamali ang namagitan sa amin ni Andrew. We're just both drunk!", giit nito at marahas na pinahid ang luha. "But then, siguro nga ay hanggang dito nga lang tayo. What a cruel way to apart us!", sarkastiko nitong saad bago tumayo. "So this is really goodbye!", anito at bagsak ang balikat na iniwanan sila.

Mahigpit siyang niyakap ni Alexander nang maiwan silang dalawa. Alam niyang hindi ganoon kadali ang magmove on ngunit sana lang ay mapagtagumpayan iyon ni Kendra. At nawa ay maging masaya din siya.

---itutuloy---

free to vote and share the link..

@mjfreesia


THE ASH OF AN APPLE (Bouquets And Garters Series Book Six) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon