chapter three

190 8 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Chapter Three

"HOW old are you?" tanong ni Migs habang nagdadrive ito para ihatid si Ella.

"Twenty six na," sagot ni Ella na pinapakiramdaman ang lalaki. May pagkasuplado ito pero mukhang may bait namang itinatago.

"I'm two years older than you pala. Hmn...the father of your daughter?"

"Ah... patay na."

"Sorry to hear that," si Migs.

"Ayos lang. Mas mabuti nga sana kung totoo," ani Ella na nainis na naman nang maalala si Mero.

"Ha?" naguluhang napatingin si Migs sa katabi.

"W-wala. Ikaw, ba't single ka pa?" tanong ni Ella pero 'di sumagot ang lalaki. Hindi na siya nagsalita o nagtanong muli rito hanggang sa makarating sila sa bahay. Hindi na rin ito pumasok sa loob.

"Dinner tayo tomorrow night," anito bago umalis.

Walang lalakarin si Ella kaya ibinuhos niya lahat ng oras maghapon sa kanyang anak. Gusto niya mahuli ang damdamin nitong napalayo sa kanya. Kaya maaga pa nakatulog ang bata ngunit 'di parin ito tumabi sa kanya. Napapailing na lang siyang pumasok sa kanyang silid para matulog nang magring ang kanyang phone.

"Unknown number?" aniya at sinagot ito. "Hello?" narinig niya ang malalim na paghinga sa kabilang linya, it sounds like a man's voice.

"Sino ka ba? Tatawag-tawag ka tapos 'di ka man lang nagsasalita! Next time 'wag ka na tumawag, buwisit!"

Napahawak sa tainga si Mero nang sumigaw sa kabilang linya si Ella at nawala na ito sa linya.

"Amazon nga siya. Tindi! Ano ba nagawa ko sa babaeng 'yon at galit na galit? Kainis talaga!" aniya saka inihagis sa kama ang cellphone. Gusto niya kasi marinig ang boses nito bago matulog. Ngayon lang siya nagkaganito sa babae. Never pa siyang tumawag dahil siya ang tinatawagan ng mga girls. Never pa siyang nasigawan pero ang babaeng ito ay tila tigre na 'pag makita siya ay mangangagat agad. Buti sana kung sa baba siya kakagatin.

"Shit! Limit your wild imagination boy! Argh! Damn girl! Ba't ginugulo mo isip ko?" aniya at napahiga na lang sa kama at nakatingin lang sa kisame. Napapikit siya ng ang imahe ni Ella na naman ang nakikita niya.

"Lintik na, nagayuma ata ako. Saan ba magpapagamot? Kainis! Focus Mero, lahat ng babae ay pare-pareho. They are just like your mother, mahilig sa lalaki," usal niya at 'di napigiligang mangilid ang mga luha sa mata. Fifteen years old siya noon no'ng marinig ang iyak ng kanyang ama habang may kausap ito sa cellphone.

"Asawa ko, please bumalik ka na! Mahal na mahal kita! 'Wag mo kami iwan ng anak mo. Ano, malaki na siya? Eh kahit na, kailangan ka pa rin namin. Bumalik ka na please! Hindi ako naniniwala na may mahal ka ng iba. Saan ka ngayon? Pupuntahan kita! Iuuwi kita!"

"Dad, saan ka pupunta? Gabi na ah," aniya sa ama na maga ang mata sa kaiiyak. Naawa siya nang makita ang mga luhang naglalandas sa pisngi nito.

"Iuuwi ko ang mommy mo. Everything will be alright to us son. Hindi masisira ang buhay na binuo ko at puno ng pagmamahal. Pagbalik ko, tahimik na ang lahat. I love you son and I really love your mother," anito at nagmadaling umalis.

Hindi siya makatulog. Gusto niya maayos ang lahat. Ilang araw na kasing hindi nagpapakita ang kanyang ina. Nagtataka man ay tumahimik na lang siya, ayaw niya rin masira ang masayang pamilya na mayroon sila.

"Sir!"

Napabangon siya pagtawag ng katulong sa labas ng kanyang silid.

"Bakit po?" aniya nang buksan ang pinto.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon