Chapter Six

183 9 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Chapter Six

"ANIMAL talaga ang lalaking 'yon! Lagi na lang ako nahahalikan! Akala niya siguro madadala ako sa halik! Kainis!" inis na saad ni Ella sa sarili at umakyat sa taas. Pumasok sa isang silid para doon magbihis. 'Di na siya babalik sa pool baka mapulmonya pa siya. Isa, pa baka makita pa niya doon si Mero. Pagkatapos magbihis ay naupo siya sa may kama. Inilibot ang paningin sa loob. Maganda ang pagkakadesinyo at malamig pa. Ang bangong naaamoy sa loob ay tila nakakarelax. Napahiga siya sa kama dahil sa lambot nito na kaysarap tulugan. Dahil sa natikman na alak ay namigat ang kanyang talukap sa mga mata. Siguro, iidlip muna siya bago magpahatid kay Migs pauwi.

Si Mero naman ay nasa may pool area. Umukupa ng maliit na table saka mag-isang uminom. Tila walang nagtangkang lumapit sa kanya dahil 'di ma-drawing ang kanyang hitsura na pati mga babae ay takot lumapit. Gusto na niya sana umuwi kaso 'di niya magawa hangga't alam niyang nandito pa si Ella. Naka-ubos na siya ng dalawang bote ay 'di pa bumabalik si Ella. Ang ibang bisita ay nagsiuwian na rin. Iilan na lang ang naroroon na mga lasing na at 'di na magawang magdrive pauwi. Napatayo siya nang mapansing wala na si Migs sa kinaroroonan nito kanina kausap ang mga kaibigan.

"Shit!" agad siya pumasok sa loob ng bahay para hanapin si Ella. Gumana kasi ang advance niyang imahinasyon.

Naalimpungatan si Ella na tila may katabi siya. Laking gulat niya nang makita si...

"Migs!"

"Ouch! Nakakagulat ka naman!" takip ni Migs sa dalawang tainga niya sa lakas ng sigaw ni Ella.

"Anong ginagawa mo rito?"

"This is my room," nakangiting sagot ni Migs.

"Ha? Ah...eh... m-may nangyari sa atin? Mayroon ba? Hay naku! Kaya ayaw kong uminom eh! Pahamak lang lagi," si Ella na 'di mapakali.

"Anong na nangyari?" kunot-noong tanong ni Migs.

"Sa atin!"

"Sex?"

"Migs, naman ano nga nangyari?" si Ella na nagpapadyak na.

"Ang corny mo! Tingnan mo nga kung suot mo pa ang panty mo?" napapailing na saad ni Migs. Natatawa siya nang kapain ni Ella ang baba nito. "You're crazy! Ano, nandiyan pa?"

"O-oo," namumula ang pisngi na sagot ni Ella.

"Para kang timang! Eh kung nandiyan pa 'yan, ibig sabihin walang nangyari sa atin. Oh okay ka na?"

"Ihatid mo na ako. Nag-alala na 'yon sila Mama sa akin," si Ella.

"Okay sige."

Nagpatiuna si Ella sa paglabas ng kuwarto. Saktong pagbukas niya ng pinto ay nasa labas na si Mero.

"Hey cous! Matutulog ka na?" tanong ni Migs na nakasunod kay Ella. Sinadya niya pang ayusin ang zipper ng kanyang short na 'di nakaligtas sa paningin ni Mero.

"What is the meaning of this?" tanong ni Mero.

"Kailangan pa bang sabihin 'yan, eh nobya ko siya," si Mero na lihim natatawa.

"Mero!" sigaw ni Ella nang suntukin si Migs nito.

"Ouch, shit!" daing ni Migs nang masalya siya sa may wall sa lakas ng suntok ni Mero sa kanya. Tila umikot ang paningin niya dahil sapol siya sa bibig.

"Ano ba problema mo Mero? Sabihin mo kasi!" si Migs.

"Oo nga! Ba't bigla ka na lang nananapak? Siraulo ka ata!" segunda ni Ella ngunit'di kumibo si Mero na umalis.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon