FINALE

270 9 1
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Final Chapter

"AHH" daing ni Migs nang sapol siya sa kamao ni Mero.

"Mero 'wag!" sigaw ni Ella ngunit sunod-sunod na atake ng kanyang asawa sa kawawang pinsan nito.

"Bak---" hindi natatapos ni Migs ang nais sabihin dahil lagi siyang sapol sa bawat suntok at sipa nito.

"Mero, tama na! Ano ka ba? Please! Wala kaming ginagawang masama ni Migs, dahil bakla siya!" patuloy na sigaw at pigil ni Ella sa asawa ngunit parang wala itong marinig, tila bingi na dahil sa galit. Wala rin siyang magawa tuwing sinusubukang pigilan ito dahil sa lakas na tila ayaw magpaawat.

"Mero! Tama na!" awang-awa si Ella kay Migs nang makitang nasa isang sulok na ito na nakabaluktot at duguan ang mukha.

"Papatayin kita!" gigil na gigil si Mero na pakiramdam niyang sasabog na siya.

Nanginginig sa takot si Ella ang tumigil si Mero at nakita ang bakal na upuan sa loob ng kuwarto ni Migs at kinuha nito.

"Huwag!" naglalandas ang luhang hinarang ni Ella ang sarili sa akmang paghampas ni Mero kay Migs.

Nagtagis ang panga habang nakabitin sa ere ang hawak na upuang bakal ni Mero.

"Makinig ka sa akin please! Bakla si Migs, naririnig mo ba? Bakla siya, as in gay, bading, bayot!" sigaw ni Ella. Halos lahat ng tawag sa uri ni Migs ay ginawa niya na para lang maintindihan ni Mero ang kanina pa niyang sinasabi.

"W-what?"

"Bakla nga siya! Ayaw mo kasi makinig!" si Ella na walang tigil ang iyak sa sobrang takot na baka mapatay ni Mero ang sariling pinsan sa maling akala lang nito.

"B-bakla? S-siya ang bakla?" turo ni Mero sa pinsan.

"Oo," sisinghot-singhot na sagot ni Ella sa naghurumintadong asawa.

"W-walang nangyari sa inyo?" panigurado nito.

"Sira ka ba! Ba't ko gagawin 'yon? Nagpunta ako rito para tulungan siya dahil wala ka!"

Nabitiwan ni Mero ang upuan saka tiningnan ang pinsang 'di na gumagalaw. "Migs!" mabilis na tiningnan niya ito.

"Dalhin na natin siya sa hospital!" tarantang sigaw ni Ella nang makitang halos basag ang buong mukha ni Migs.

Walang sinayang na oras ang dalawa at agad naisugod sa pinakamalapit na hospital.

"Ikaw, ang bilis mo agad magalit! Hindi ka man lang naghintay ng paliwanag!" sermon ni Ella sa asawa. Nasa labas pa sila ng emergency room at naghihintay sa resulta ng mga tests na isinagawa ng doktor at ang kalagayan ni Migs. Para itong pinagtulungan ng maraming lalaki sa kanto. Hindi rin kasi makalaban ito dahil may tama pa ng alak.

"Hindi mo ako masisisi! Naabutan ko kayong magkayakap, ano aasahan mo,   makipagkamay ako sa kanya at sa'yo naman ay batiin, ganoon?"

"Bakit, no'ng ipinakita sa akin ni Sharlene ang litrato ninyong magkayakap, nagalit ba agad ako sa'yo, ha?"

"Iba 'yon! Hindi aktuwal na nakita mo! At ibahin mo ang lalaki Ella, hindi kami tulad sa inyong mga babae kung magselos! Malay ko bang darna 'yang pinsan ko eh, ang laki ng katawan!" ani Mero na para silang asu't pusa sa labas ng E.R. at pinagtitinginan pa sila ng ibang pasyenteng nandoon at mga ibang nurses.

"Kumusta ang pasyente, doktora?" tanong agad ni Ella nang lumabas ito.

"He's fine now and I can't see any bone fractures. Tinahi ko lang ang mga napunit na balat niya. Ibibigay ko mamaya ang mga reseta niya para sa pain, swelling or inflammation. Then, ililipat na siya sa kuwarto."

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon