Chapter 14

158 9 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Chapter Fourteen

"NANINIWALA ka na ba sa akin?" panigurado ni Mero pagkatapos isalaysay ang lahat.

"O-oo na." sagot ni Ella.

"Hindi nga? Baka mamaya magtampo ka na naman, kaya pala ang init ng ulo mo kasi nagseselos ka na," nakangiting saad ni Mero sabay yakap sa kanyang maybahay. Mahal na mahal niya talaga ito.

"Mahal na mahal kita, sana lagi mong iisipin na masasaktan ako 'pag ako'y niloko mo."

"Alam ko 'yan, dahil ganoon din ako. Tara, sa taas na tayo!"

"Ano na naman nasa isip mo ha?" natatawang tanong ni Ella.

"Hindi kaya ako naka-score kagabi, sabi mo may buwanang dalaw ka, 'yon pala wala," si Mero na panay na ang himas sa kanyang asawa.

"Aba, Mero Larazabal! Isang araw lang ang pahinga ko sa'yo tapos nagreklamo ka pa!"

"Eh, sinusulit ko lang ang panahon na sinayang natin, isa pa malaki na si Ella Mae, pwede na at gusto ko lalaki naman!"

"Ayos ah! Kung makahiling ka akala mo madali lang umiri!"

"Mahirap pala manganak pero bakit ang ibang ina, kayang ipagpalit ang anak sa ibang tao."

Napatitig si Ella sa mukha ng kanyang kabiyak. Nakita niya ang lungkot sa mata nito. Alam niyang galit ito sa ina pero sigurado siyang nandoon pa rin ang pagmamahal nito. Niyakap niya na lang ang asawa at papawiin ang lungkot dito.

KINABUKASAN, muling bumalik si Mero kina Benjo kaya maaga pa ito umalis.

"Manang, nasaan si Ella Mae?" tanong ni Ella sa kanyang katulong.

"Po? Nasa sala lang 'yon kanina ah, nanonood ng TV."

"Sige, hanapin ko."

Wala sa kuwarto nito ang anak pati sa banyo. Nagpasya siyang lumabas.

"Ella Mae, anak!" tawag niya sa bata na may kausap na babaeng may katandaan na.

"Mommy!"

"Teka lang!" tawag ni Ella sa matandang babae. Kinabahan siya dahil uso pa naman ang sindikatong nangunguha ng bata. Napalingon ito kaya nakita niya ang hitsura ng babae. Parang kamukha pa ito ni Mero. Kahit payat at maganda pa rin, lalo na siguro no'ng kabataan pa nito.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako masamang tao."

Sinundan na lang ng tingin ni Ella ang pag-alis ng matandang babae.

"Anak, ano sabi niya sa'yo?" tanong ni Ella sa kanyang anak nang makapasok na sila.

"Sabi niya po kamukha ko si Daddy," sagot nito.

"Ha? Kilala niya? Sinabi ba sa'yo ang pangalan?"

"Sabi niya tawagin ko siyang Lola Myrna."

"Myrna? Myrna Larazabal, 'yon ang pangalan ng ina ni, Mero!" usal niya. "Ano pa anak?"

"Wala na po."

"Sinabi ba kung kailan siya babalik?''

"Bukas po, may ibibigay daw po siya sa akin," anang bata.

"Ganoon ba."

Nagplano si Ella na susundan ang babae. Kaya nang muli itong pumunta ay lihim niyang nasundan ang matandang babae nang 'di nito nalalaman. Nalaman niyang nasa Cavite rin pala ito nakatira, iba nga lang ng barangay.

"Naku Myrna, nagpunta ka na naman sa kanila! Hindi ba sabi ko sa'yo ay bawal ka ng umalis at bumiyahe! Ang tigas ng ulo mo! Bawal sa'yo ang usok ng sasakyan o polusyon!"

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon