Chapter Nine

179 7 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Chapter Nine

NAGPUNTA si Ella sa dalawang kaibigan para imbitahin sa kasal niya kinabukasan.

"What? As in bukas na? Paanong nangyari? At si, Mero talaga?" 'di makapaniwalang saad ni Kathleen.

"Sabi ko nga may something sa inyo eh, at natutuwa naman ako mare na buo na kayo. Isa pa, magkababata pa talaga sila ng asawa ko at asawa mo, diba ang cool?" nakangiting saad ni Ellyn.

"Hay naku, basta inaasahan ko kayo bukas," sabi ni Ella. Sinabi niya ang tungkol sa kanila ni Mero pero 'di niya sinabi na galit at papahirapan niya ang lalaki. Sigurado kasing tatadtarin siya ng maraming tanong at sermon.

"Sigurado, maiingit na naman sa atin sina Elisa at Nica. Eh, sila na lang ang single sa ating lima at wala pang tsikiting," si Kathleen.

"Oo nga eh. Kayo na magsabi sa kanilang dalawa, medyo busy lang talaga. Paano rush wedding ang nangyari," si Ella sa mga kumare.

"We're happy for you mare," si Ellyn na niyakap ang kaibigang si Ella.

"Sali naman ako!" ani Kathleen.

WEDDING DAY

"Ganito pala ang pakiramdam. Kinakabahan sa excitement at pag-aalala. Excitement dahil ikakasal na sa taong pinakamamahal, pag-aalala namang 'di matuloy ang kasal at pag-aalala sa buhay may pamilya. Ang responsibility mo bilang isang haligi ng tahanan. Sana Lord, gabayan mo ako sa aking pagiging asawa at anak sa dalawang taong pinakamamahal ko. Sana, hindi maging tulad sa mga magulang ko," usal ni Mero habang hinihintay ang bride niya. Konti lang ang tao sa simbahan dahil nga madalian ito. Tanging mga malalapit lang na kamag-anak at kakilala ang naroroon. Kanina pa tagaktak ang kanyang pawis sa pag-aalala na baka sumpungin si Ella niya.

"Sana naman, umayon sa akin ang pagkakataon. Please lang panginoon, ibigay mo sa akin ang babaeng iingatan at aalagaan ko. 'Wag naman sanang sumpungin ng kanyang pagiging tigre at amasona," taimtim na dasal ni Mero dahil late na si Ella nang five minutes.

"Relax dude! I feel you!" nakangiting saad ni Benjo.

"Thank you!" aniya sa kaibigan.

"On the way na raw," sabi ng matanda na lolo ni Mero.

"Yeah, Lo."

"Pinsan, congrats! Pero sa tingin ko, hindi pa 'to happy ending," ani Migs.

"Gago! Suntukin kita eh!" yamot na saad ni Mero sa pinsan na nang-aasar.

"Joke lang! Relax lang kasi, lahat kami nakakahalata sa'yo. Halatang pilit lang ang pagkahinog ng saging kaya ang pakla, singpakla ng mukha mo kaya tuloy napapaghalataan ka," nakangiting saad ni Migs.

"Lumayo ka nga sa akin! Puro ka kalokohan!"

"Pasalamat ka, love kita!"

"Ang sagwa gago!"

Natatawang bumalik sa kanyang puwesto si Migs. Tapos na siya mang-asar sa pinsan na mas ikinatuwa niya. Paano, ito lang ang lalaking ikakasal na hindi mapakali. Mahihilo ka sa kalalakad nito kaya obvious tuloy na sobrang kinakabahan.

"Nandito na mare namin," si Kathleen at Ellyn na narinig ni Mero kaya napangiti ito at napatigil sa kalalakad.

"Thanks God!" usal ni Mero. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nasa may bukana na ng simbahan si Ella. Wearing her glamorous wedding gown. Para sa kanya, ito na ang magandang babaeng nakilala niya. Hindi niya naisip na minsan ay ikakasal siya. He hates marriage, but now, he's waiting infront of the altar to his beloved wife to be.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon