Chapter Eight

177 9 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Chapter Seven

AFTER ONE WEEK

Nagpunta sa bahay ng kanyang lolo si Mero dahil pinatawag siya ng matanda.

"Lo, bakit po?" tanong ni Mero. Nasa bahay na siya nito.

"Itong pinsan mo kasi, nagbago ng desisyon. Ewan bakit ni-rush niya ang kanilang kasal ng kanyang nobya. Kaya, papunta na ako ngayon sa bahay niya kung saan nandoon ang judge na magkakasal sa dalawa."

"Ano? Ngayon? As in now?" nanlaki ang mga mata sa gulat ni Mero.

"Oo ngayon na, masyado ka raw busy kaya ako na nagsabi sa'yo."

"No!" ani Mero sabay tayo at mabilis na lumabas ng bahay.

"Hoy bata ka hintayin mo ako!"

Narinig pa ni Mero ang pagtawag ng matanda ngunit 'di na siya maaring mag-aksaya ng panahon. Kailangan niya nang pigilan ang kasal. Bahala na kahit mag-away at magkagulo pa sila ng kanyang pinsan. Ang importante ay hayaan muna siyang iparamdam kay Ella na mahal niya ito. Kinuha niya ang phone at tinawagan si Ella ngunit cannot be reach ito. Ganoon din kay Migs ngunit 'di rin makontak.

"Fuck!" sigaw ni Mero nang maipitsiya sa traffic.

"Bullshit! Ella, please no! Mahal kita, mahal na mahal kita!" aniya sa sarili na halos maiyak. Takot at pangamba na baka mahuli na siya.

"Yes!'' sigaw niya nang gumalaw na ang traffic.

Nang makarating si Mero sa bahay ng pinsan ay agad siya bumaba at patakbong pumasok sa loob.

"Ella!" sigaw ni Mero.

Napalingon sina Migs, Ella, at ang kausap na lalaki.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Migs sa pinsan na humihingal pa.

"Ikaw ba ang judge?" turo ni Mero sa lalaking kausap ng dalawa. Nakakunot-noo ito na hindi makasagot. "Migs, sorry, I'm so sorry," anito sa pinsan at tiningnan naman si Ella. "Ella, please, hayaan mong ipakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Mahal na kita, Ella."

Nagulat naman si Ella sa sinabi ni Mero. Kahit sa panaginip ay 'di niya inaasahan na sasabihin ito ni Mero.

"Sira ka ba? Nobya ko 'to! Ano Mero, kaya mo bang pakasalan si Ella katulad ko? Kung makapagtapat ka akala mo wagas ang pag-ibig mo?" tanong ni Migs.

"Mahal ko siya! Ako ang una sa kanya! Kami ang unang nagkakilala. Migs, ngayon lang ako magkakasala sa'yo, ngayon lang ako makikipag-agawan sa'yo. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging ganito. Please, hayaan mong mahalin ko rin siya."

Nanatiling 'di makakibo si Ella, tila nagloloading sa kanyang isipan ang bawat sabihin ni Mero.

"Hindi bagay si Ella, para hilingin mo't agawin sa akin! Kung sa karapatan, mas lamang ako. Ikaw nauna, ako naman ang ama ng kanyang anak. I'm sorry din Mero, sa akin lang siya! Umalis ka na at 'wag na manggulo!" si Migs.

"Ella, please! Mahal na mahal kita! Hindi ko kayang makita ka sa piling ng iba!" si Mero kay Ella na 'di parin makaimik.

"Tama na!" sigaw ni Migs. "Ikaw Ella, ano masasabi mo?"

"H-ha? Ah...ewan! Ano 'to Mero, kalokohan na naman? Please lang, kung magsalita ka 'yong galing naman sa puso mo talaga!" ani Ella.

"Oo nga! Bakit Mero, kaya mo bang pakasalan si Ella, tulad ko ha?" segunda ni Mero.

"O-oo. K-kaya ko, Ella, kahit saan at kahit kailan pa!" seryosong saad ni Mero.

"Eh 'di sige, magpakasal na kayo!" ani Migs.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon