LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.GalingChapter Ten
NANG lumabas si Mero, ibinalot ni Ella ang kanyang hubad na katawan ng kumot at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Naiiyak siya hindi dahil sa pang-aangkin sa kanya ni Mero kundi dahil napatunayan niyang mahal niya pa rin ito. Nakiramdam siya kung babalik ito sa silid ngunit lumipas na ang ilang minuto ay 'di parin.
"Saan na kaya 'yon?" aniya sa sarili. Bumangon siya't nagsuot ng roba saka lumabas ng kuwarto. Nakita niyang nasa living room ito at umiinom. Nagpasya na lang siyang bumalik sa kuwarto para matulog.
Alas nuebe na nang magising si Ella ng umaga. Agad siya bumangon at lumabas ng kuwarto. Kumakalam na kasi ang kanyang sikmura.
"Good morning ma'am! Ako po si Lita, ang stay-out maid ni Sir Mero. Umalis po siya ng maaga at sinabing mag-almusal na raw kayo."
Pinasadhan niya ng tingin ang babaeng nasa forty na siguro ang edad na maid ni Mero. Inaayos nito ang mga regalo ng kanilang kasal. Hindi pa nga nabubuksan ang mga iyon. Dumiretso siya sa kitchen at kumain. Katatapos lang niya nang marinig ang boses ni Ella Mae. Agad siya nagtungo sa sala at nakita nga niya ang kanyang anak.
"Mommy!" tuwang sigaw ni Ella Mae sabay takbo at yakap sa ina.
"Hmmmmn, ang bango!" aniya sa anak pagkatapos niya halikan.
"Dinala ko siya rito para masanay na. Magbihis lang ako," ani Mero kay Ella saka pumasok sa kuwarto.
Nakaramdam siya ng pagkailang sa asawa. Dapat ngayon ang alis nila papuntang Italy, doon kasi ang kanilang honeymoon na regalo ni Yasir sa kanila. Lahat ng expenses ay sagot ng mag-asawang Hassan.
"Ang ganda po rito mommy, sabi ni daddy ipasyal niya ako mamaya at bibilhan ng lahat ng aking gusto!" tuwang saad ng bata.
"T-talaga? O-okay," tanging nasabi niya.
"S-sasama ka ba?"
Gulat na napalingon si Ella kay Mero. "S-saan?"
"Ipapasyal ko ang bata."
"O-oo naman. Maligo lang ako saglit," sagot niya at hinuhuli ang mga mata ni Mero pero parang umilap ito.
"Let's wait your mommy, ha?" si Mero sa bata.
"Yes po."
Pumasok na sa loob ng banyo si Ella para maligo pero ukopado parin ng kanyang isipan sa sitwasyon nila ng kanyang asawa ngayon. Nanibago siya sa gawi nito. Hindi na ito nangulit sa kanya at parang ang cold na nito bigla at 'di siya sanay sa ganoon. Nang dahil do'n ay nakaramdam siya ng pangamba.
"Ano ba nangyayari sa'yo Ella? Hindi ba ito naman ang gusto mo? Anong inaarte mo? Ba't parang nasasaktan ka?'' kastigo niya sa sarili. Ewan niya ba kung anong dahilan ng lungkot niya ngayon, sa pagiging cold ba ni Mero, or sa hindi na ata natuloy ang honeymoon nila?
Sa sala naman ay nakikipag-usap si Mero sa kanyang anak nang may tumawag.
"Oh, dude napatawag ka?" tanong niya sa kaibigan na nasa kabilang linya.
"Sorry kung nadisturbo ang iyong honeymoon dude, gusto kasi ni Lyn, na sumama sa paghatid sa inyo sa airport," sabi ni Benjo.
"H-ha? Ah...kasi dude, hindi na matutuloy iyon."
"What? Bakit naman?"
Nailayo ni Mero ang phone sa kanyang tainga dahil sa lakas ng boses nito sa kabilang linya. "E-eh...gusto ko na lang na makabonding ang anak namin para naman maging close na siya sa akin. Wala akong trabaho kaya magandang pagkakataon ito para sa aming tatlo," alibi niya. Ang totoo kasi ay useless lang naman ang honeymoon nila ni Ella kung magkakasakitan lang sila. Takot siyang tuluyan na itong magalit at lumayo sa kanya. Hangga't maaari ay 'di niya ito sisipingan. Kaya kailangan niya ang kanilang anak para malibang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/227948092-288-k268168.jpg)
BINABASA MO ANG
LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)
РазноеLUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3) Written by M.R.Galing TEASER ELLA PONCE, isa sa limang magkakaibigang ofw. A single mother dahil biktima ng tangang pag-ibig. MERO LARAZABAL, guwapo, matikas, heartless man, suwabeng bed lover, nobya ngayo...