Chapter 12

161 10 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R. Galing

Chapter Twelve

"GALIT ka ba sa akin na sumunod ako sa'yo?" tanong ni Ella sa asawa nang makarating na sila sa bahay.

"Hindi ah!"

"Sorry kung nagiging possessive wife ako. Babae ako Mero, ang instinct ko ang nagsasabi na may gusto sa'yo ang Sharlene, na 'yon. Ang totoo nagseselos ako," pag-amin ni Ella sa kanyang nararamdaman.

"Nagseselos ka? Love, mahal kita. Ikaw lang at tanging ikaw na lang. Sana magtiwala ka sa akin dahil 'di ko kayo iiwan ng anak natin."

"Pero kasi maganda siya, matangkad, at maputi. Lamang siya sa akin sa lahat ng bagay. Paano kung, maakit ka sa kanya?"

Sinapo ni Mero ang mukha nang kanyang asawa. "Love, para sa akin ay ikaw ang pinakamaganda. Marami na akong naging babae kaya sawa na ako sa panandaliang saya, gusto ko na 'yong lifetime happiness. Kayo ng anak natin ang nagpapasaya sa akin at hindi na sa anumang bagay," si Mero sa asawa at hinagkan niya ito sa noo ng buong pagmamahal.

"Hindi ko maiwasan mangamba. Ang isang haligi nga na matibay, 'pag lumindol ng malakas ay nauuga rin, ang tao pa kaya na 'pag lapitan ng tukso ay 'di magpapadala!"

"Alam kong mahirap pagkatiwalaan ang minsan nang naging pasaway, pero love, kahit ngayon lang, magtiwala ka naman," nangungusap ang mga mata ni Mero sabay halik muli ng pino sa pisngi ni Ella, hanggang sa mata, ilong at smack kiss sa lips.

"Sigurado ka? Kahit maganda siya?"

Natawa si Mero sa kakulitan ng kanyang asawa. "Kahit naman maganda pa ang mga babaeng lalapit sa akin ay 'di ako matutukso, dahil pare-pareho lang namagn ang hugis at amoy ni'yo sa alams na," pilosopong saad ni Mero.

"Sira ka talaga kahit kailan! Talagang mahilig ka sa baba!"

"Aray labs, ang sakit!" panay pananalag na natatawang sigaw ni Mero nang pagkukurutin siya ng kanyang asawa.

"Eh sira ka kasi!" patuloy na pangungurot ni Ella hanggang sa mabuwal sila sa may sofa bed.

"Huli ka!" nakangiting saad ni Mero nang mahawakan ang dalawang kamay ni Ella sabay yakap niya rito. "I love you!" bulong ni Mero sa tainga ng kanyang asawa sabay kagat sa tainga nito nang bahagya, kagat na 'di masakit kundi nakakakiliti in short, teasing bite.

"Oh, ano naman 'yan? Sa kuwarto na tayo!" namamaos na ang boses ni Ella dahil sa init na nararamdaman. Abala na kasi ang kanyang asawa sa kahahalik sa leeg niya at kahihimas sa kanyang mga bundok.

"Love, 'wag dito! Ahm..." nadadarang na, na saad ni Ella ngunit patuloy pa rin si Mero sa ginagawa nito.

"Gusto ko lagyan ng maganda at mainit na memories ang bawat pagmamay-ari kong bagay," tugon nito at bumalik muli sa kahahalik sa leeg pababa na sa may dibdib.

Muling pinag-isa ang katawan ng dalawang pusong nagmamahalan. Magkayakap sila na kapwa hubo't hubad at pawisan sa yugyugang walang patawad.

"Buti na lang at wala tayong maid na kasama 'pag gabi, malaya tayong gawin ang tulad nito. Ayaw mo kasi kumuha tayo ng stay-in na housemaid."

"Saka na 'pag dalawa na baby natin," nakangiting saad ni Ella. Inaagaw na rin siya ng antok. Namimigat na ang kanyang mga talukap sa mata dahil sa pagod. Eh siya naman kasi ang halos gumawa ng moves, siyempre dami niyang natututunan sa mga napapanood niya, isa-isa niya itong gagayahin nang wala ng hanapin pang iba ang kanyang playboy husband.

Kinabukasan ay kinuha na ni Ella ang kanyang anak sa mga magulang. Gusto kasi ni Mero na ipasyal ulit ang bata. Gusto nito punan ang mga pagkukulang noon kaya hangga't walang ginagawa ay lagi silang inilalabas ni Mero.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon