Chapter 16

176 8 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Chapter Sixteen

"MAHAL NA MAHAL KITA! Mom, ang hirap tanggapin na huli na ang lahat. Pero alam kong masaya ka na dahil kasama mo na si Daddy, hindi ka na magtitiis ng sakit. Alam mo bang hanggang ngayon pakiramdam ko ang sama ko, ilang beses kong sinabi na wala kang kuwentang ina. Mali pala dahil ikaw ang pinakadakilang ina. Paalam sa'yo Mom, katawan mo lang ang nawala sa akin pero sa puso ko habang kang buhay. Baunin mo sa'yong paglalakbay kasama si Daddy, ang pagmamahal ko."

Awang-awa si Ella sa asawa niya. Libing na ng ina nito kaya isa sa pinakamasakit na parte ng buhay ng kanyang kabiyak ang mawala ang taong limang taon niyang kinamuhian. Madali sanang tanggapin ang pagkamatay nito kung inalagaan ang ina, pero hindi dahil puro pagkamuhi ang naramdaman na hindi naman nararapat sa inang nagsakripisyo lang para sa mahal niyang pamilya.

"Nandito lang kami ng anak mo," ani Ella sa asawa. Sila na lang tatlo ang naroroon sa sementeryo. Nagsiuwian na ang lahat na nakilibing.

Humarap si Mero sa asawa at hinawakan ang mga kamay nito. "Thank you! Hindi pa kita napasalamatan, my love. Ikaw ang naging daan para makita ko ang huling sandali ng buhay ng aking ina. Ang huling boses niya, ang huling ngiti, ang huling init ng kanyang katawan, at ang huling paghinga niya. Isa kang regalo ng Diyos sa akin, kayo ng anak ko. Pangako, aalagaan at pupunuin ko ng pagmamahal ang pamilya natin habang tayo pa'y nabubuhay," ani Mero na niyakap ang asawa at hinagkan sa noo.

"Mahal na mahal din kita! Alam mo bang sabi ng katulong na kasabwat ni Mommy mo, na sa kasal natin ay nanood pala siya. Ito may ibibigay ako," ani Ella na may kinuha sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Ano 'yan?" si Mero.

"Sulat kamay niya."

Binasa ni Mero ang nilalaman ng sulat ng kanyang ina.

          'Nasa simbahan ako kanina, pinapanood ang pag-iisang dibdib ng aking anak na si Mero. Ang saya-saya ko dahil sa wakas ay natuto nang magmahal ang anak kong babaero dahil sa akin. Nakita ko ang pag-ibig niya sa mga mata para sa babaeng katulad ko rin. Alam kong ang babaeng ihaharap niya sa altar ay magiging kagaya kong mamahalin siya ng walang pag-iimbot.
Ipinikit ko ang aking mata, pinagana ang aking imahinasyon na katabi ko ang aking anak habang hinihintay sa altar ang kanyang magiging asawa.

Mero anak, congrats! Happy wedding day! I love you!'

"Mommy!" napatingala si Mero sa labis na kalungkutan. Ang akala niyang kinalimutan siya ng ina, ay 'di pala totoo dahil lagi niya pala ito kasama sa pagdadalamhati man o saya. "Thank you and I love you!" usal niya patungong langit.

ISANG buwan ang matuling lumipas na paunti-unting nagiging maayos na muli ang lahat. Mas lalong naging isang ulirang haligi ng tahanan si Mero. Laging may oras o panahon sa kanyang mag-ina. Isa na silang matatawag na masayang pamilya na puno ng pagmamahal.

"Hello!" sagot ni Ella sa tumawag sa kanilang landline.

"Hinahanap ko po si, Mero Larazabal. Ang pinsan niya kasi ay nandito sa bahay ko at lasing na lasing." anang lalaki sa kabilang linya.

"Ha? Wala kasi rito ang asawa ko, sige ako na lang ang kukuha diyan," turan ni Ella. Mamayang hating gabi pa kasi uuwi si Mero dahil may inasikaso ito kasama si Benjo, may ipinapatayo kasi ang dalawa na bagong negosyo. Sa bahay ng kanyang mga magulang muna niya inihabilin si Ella Mae.

Nagpatulong si Ella sa lalaki na kaibigan nito na makasakay sa taxi. Iniuwi niya ito sa sariling bahay nito.

"Lasinggero!" sermon niya. Pinunasan niya ng maligamgam na tubig ang mukha nito. Gumawa ng soup para ipakain kay Migs. Malaki ang utang na loob niya rito, dahil sa lalaki ay naging maayos na ang buhay nila ni Mero.

"Migs, higupin mo 'to!" tawag ni Ella sa binata.

"Hmnn, Ella?" anito na tila nahimasmasan na.

"Higupin mo 'to, medyo mainit pa nang mawala na ang kalasingan mo. Tatawagan ko pa si Mero, na sunduin ako rito." Nagulat na lang si Ella nang umiyak si Migs.

"Ayaw ko na sa mundo! Gusto ko na mawala!" iyak nito.

"Migs, ano ba kasi problema mo? Sabihin mo sa akin, o sa mga magulang mo!"

"Magulang? Hindi ko gagawin 'yon! Wala na ang buhay na ito! Walang kuwenta! Sana 'di na lang ako nabuhay!"

"Migs, bakit ba? Sabihin mo sa akin nang gumaan naman ang iyong pakiramdam."

"Kaya mo ba akong tanggapin?"

"Ha?" gulat na bigkas ni Ella. May pumasok sa kanyang isip pero iwinaksi niya ito dahil alam niyang imposible.

"Sabi pa nga eh, katulad ka rin nila!"

"No, Migs hindi! Siyempre naman kaya kitang tanggapin, ano ba kasi 'yan?" kinakabahang tanong ni Ella. Sana lang 'di siya mapasubo at sana taliwas sa kanyang iniisip.

"Ella, ikaw lang ang nakakaalam nito ngayon. B-bakla talaga ako!"

"Ha?" nanlaki ang mga mata na saad ni Ella. Pero nakahinga siya ng maluwag na iba pala ang tinutukoy nito.

"Ang alam ng lahat ay lalaki ako. Magulang ko, lolo ko, pati si Mero, pero ang totoo pusong babae ako. Sa tingin mo kung 'di ako bakla, baka pinatos kita no'n noh!" anito na biglang lumambot ang boses. "Pagod na ako sa kalilihim! Simula pagkabata hanggang ngayon ay 'di ko pa mailabas ang totoo kong nararamdaman. Ella, ayaw ko na! Lahat ng expectations ng family ko 'di ko na kayang panghawakan. Si Fred, mahal namin ang isa't-isa pero 'di namin maipagsigawan ang lahat, pero sa iba ay tanggap ng ating sosyedad ang tulad namin. Inggit na inggit ako sa kanila pero ako heto at nakakulong pa rin sa rehas na ako lang ang may alam."

Awang-awa si Ella kay Migs. Hindi niya akalain na may malaking problema pala ito sa likod ng mga ngiti, sa likod ng mga tawa, sa kabutihan, at sa pagiging matikas na lalaki.

"Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Kung mahal ka ng iyong mga magulang, tatanggapin ka nila, ang buong ikaw. At sa lolo mo at si Mero, alam ko namang kung saan ka masaya ay susupurtahan ka nila. Huwag kang matakot ilabas ang totoong ikaw Migs, maikli lang ang buhay sa mundo. Hindi natin alam kung hanggang saan tayo kaya 'di dapat isipin ang sasabihin ng iba. Sadya lang may mga toksikong tao sa ating paligid."

"Pero kasalanan sa Diyos ang tulad ko. Kilalang relihiyosa ang aking pamilya, ayaw kong dungisan ang pangalan nila."

Naalala ni Ella ang ina ni Mero. Dahil sa takot na madungisan ang pangalan ng pamilya ay nagsakripisyo ito. Nagdusa mag-isa at ayaw niya mangyari ito kay Migs. "Mali ka Migs, 'wag mo isipin ang pangalan ng pamilya dahil 'pag mamatay tayo, hindi natin madadala sa langit ang pamilyang pinangalagaan natin. Ang pangalan mo o natin ay mananatili lang sa lupa. Isa pa, maawain ang panginoon, hindi mo 'to ginusto o 'di mo 'yan ginusto. Migs, mahabang panahon na ang iyong pagdurusa, panahon na para palayain ang iyong sarili. Tanggap kita kahit sino ka pa. Ako nga natanggap ka na salin lang sa inyong pamilya, ang pamilya mo pa kaya na mahal na mahal ka? 'Wag mong hayaan patayin ka ng iyong nararamdaman. Set yourself free! Lumipad ka kung saan mo gusto, iyan lang ang tunay na kaligayahan. Sigurado na tatanggapin ka nila," mahabang payo ni Ella.

"Thank you sissy!" anito sabay yakap kay Ella.

"Mga putang i** niyo!"

"M-mero!" gulat na kuro ng dalawa. Nakita nila ang nag-aapoy na mga mata ni Mero. Nanlilitid at namumula ang mukha. Kapwa umurong ang mga dila sa gulat at takot. Pangamba kung paano ipapaliwanag kay Mero na hindi agad ito aalma. Nagkataon pang topless si Migs.

Itutuloy...

Author's note: Next is Finale. Thanks guys!

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon