LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M. R. GalingChapter Two
NAGING mahirap kay Ella na iwasan si Mero lalo na't kay liit lang ng mundo nila. Katulad ngayon, nasa hospital sila pareho at nagbabantay sa kanilang mga kaibigan.
"Paano 'yan, nagkita na naman tayo? Kahit anong iwas mo sa akin ay nagtatagpo parin ang landas natin. Isa lang ibig sabihin niyan, we're meant to be in bed or i---"
"Shut up! Umalis ka nga rito sa room ng kaibigan ko! Do'n ka magbantay kay Benjo, h'wag dito! Nakakairita boses mo eh!" inis na saad ni Ella kay Mero na kumunot ang noo.
"Alam mo, sa sobrang tapang mo, mapaparusahan na talaga kita! Alam mo ba kung ano ang parusa?"
"Bwisit! Ang ingay!" Yamot na lumabas ng kuwarto si Ella. Naiinis talaga siya sa tuwing nagsasalita ang lalaki. Umiinit agad ang ulo niya. "Parusa mukha niya!" aniya sa sarili at palingon-lingon pa, baka sumunod 'yong asungot nang...
"Ouch! Shit!" daing ng lalaking nabangga ni Ella.
Gulat naman ang rumihistro sa mukha ng dalaga nang makita ang lalaking nabangga niya na napahawak sa brasong may sugat. "Sorry Sir, masakit ba? Sorry talaga!"
"Of course masakit! Tinatanong pa talaga."
"Sorry, ah...okay ka lang? Patingnan natin sa nurs-----"
"Tapos na! Hay 'wag na nga lang," anito at tumalikod para lumabas na lang ng hospital.
Hindi maunawaan ni Ella kung ano tinutukoy ng lalaki. Tila may sadya pa ito sa loob.
"Sir, siguradong okay ka lang?" habol ni Ella sa lalaking nasa labas na ng hospital. Napalingon naman ito at tinitigan siya.
"Kulit mo talaga! Okay na nga ako! No worries, you're forgiven."
"Thank you, Sir! Ahm...napaano po ba 'yang braso mo?"
Napapailing siya sa kakulitan ng babae, pero 'di naman siya naiirita. "Nahulog sa may constructi---"
"Nahulog? Kalaki mong tao ay nahulog ka? May pagka-clumsy mo pala, malayo sa tindig mong maskulado," ani Ella. Ngunit 'di na siya pinansin ng lalaki na tuluyan nang sumakay sa kotse nito.
"HELLO, Migs!" sagot ni Mero sa kanyang phone. Tumawag kasi ang pinsan niya.
"Nasa hospital ako kanina, nakita kita. Hahanapin sana kita kaso tinamad na ako. Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Migs.
"Nadisgrasya kaibigan ko. Ikaw, ano ginagawa mo rito kanina?" balik tanong ni Mero.
"Nahulog ako sa construction site eh, mababa naman masyado kaya lang nasabit ang braso ko sa may bakal."
"Ingat ka kasi," si Mero.
"Oh sige bye. Bukas puntahan natin si lolo, hinahanap ka na no'n, tayo pala. May sasabihin siguro."
"Copy, thank you sa pag-inform. Kita tayo bukas," si Mero na ibinaba na ang phone.
"Ano na naman kaya sasabihin ni lolo?" usal niya at naupo sa tabi ng kaibigang tulog. Gusto niya sana puntahan si Ella, kaso baka iwasan na naman siya nito. Masyadong ginugulo siya ng babae. Napasuklay na lang siya sa kanyang buhok gamit ang kamay.
Kinabukasan ay nagpaalam muna si Mero kay Benjo. Tutal kaya na naman ng kaibigang kumilos. Pwede naman na ito kumilos mag-isa. Kararating lang niya sa malaking bahay ng kanyang lolo. Nakita niyang nasa garahe na ang kotse ng nag-iisang pinsan. Nauna pala ito.
Nang makapasok ay deritso siya sa kitchen. Kumakain daw kasi ang kanyang lolo ayon sa katulong.
"Hello good morning," bati ni Mero. Napatingin naman ang matanda at si Migs sa kanya.
BINABASA MO ANG
LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)
LosoweLUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3) Written by M.R.Galing TEASER ELLA PONCE, isa sa limang magkakaibigang ofw. A single mother dahil biktima ng tangang pag-ibig. MERO LARAZABAL, guwapo, matikas, heartless man, suwabeng bed lover, nobya ngayo...