Chapter Four

177 8 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Chapter Four

"OH, may problema ba, dude?" tanong ni Benjo kay Mero na byernis santo ang mukha.

"About, Ella. Ginugulo niya isip ko."

"What?" nagulat at natawa si Benjo sa kaibigan. First niyang narinig sa bibig nito ang magkaproblema sa isang babae. "Great dude, kaibigan ng mahal ko ang mahal mo, ganda!"

"Anong mahal? Magkaiba ang mahal sa laging mong iniisip!"

"Gago! 'Pag iniisip mo lagi ang isang tao it means inlababo ka! Buti na lang ako, ayos na kami ni Ellyn, kasal na lang ang kulang."

"Good to hear that. Hayst, nabuang na ang isip ko, hindi na siya sumusunod sa gusto ko. Alam mo bang si Ella, ay nobya ni  Miggy! At may anak pa sila," naiiling na saad ni Mero. Ilang gabi na siya 'di makatulog ng maayos dahil sa nalaman. Ewan niya ba at ang hirap iwaglit ang babaeng 'yon sa isip niya.

"Really? Itanong ko nga 'yan kay Lyn, pero kung totoo na may past sila, aba dapat kalimutan mo na. Mahirap ang komplikadong relasyon, napagdaanan ko 'yan," ani Benjo.

"Eh ginagawa ko na nga! Iniiwasan ko na 'di ko siya makita. Kaya nga minsan 'di ako sumasama sa'yo, pero traydor 'tong isip ko eh, lagi siya ang laman. Nauubos na ang alak sa bahay ko, dahil sa kanya."

Muling natawa si Benjo sa kaibigan, "No doubt dude, in love ka na!"

"What? In love? It will never happen to me, not me!"

"Then ano explanation ng nararamdaman mo?" nakangiting tanong ni Benjo.

"Only lust siguro," si Mero.

"Gago! Kung libog lang 'yan, sa iba mo na lang gawin, 'wag sa kaibigan ni Lyn, baka mapatay ka ng magiging asawa ko, 'di kita kakampihan. Bahala ka! Makaalis na nga! Ang babaero kasi, ako pa sinabihan noon na babaero eh dalawa lang akin."

Binato ni Mero nang hawak na newspaper ang kaibigan nang paalis na ito na mas ikinatawa lang ng huli.

"Come on Mero, chillax lang!" aniya sa sarili at nagpasyang magpunta ng bar. Nang makarating ay may nakita siyang babaeng magaling gumiling kung sumayaw. Nakailang bote na rin siya ng beer sa kanyang bar kaya medyo may tama na siya. As usual, lumapit sa kanya ang babae na may tama na rin ng alak. Agad niya ito dinala sa kanyang pugad. Kailangan niya ibaling sa iba ang isip para makalimutan si Ella.

"Expert kisser huh! I love it!'' sabi ng babae at agad pumaibabaw kay Mero. Pumatong ito kay Mero at hinubad at akmang huhubarin na ang blouse.

"Umalis ka diyan!" ani Mero sa babae na nagulat.

"Why?"

"Hindi tumigas ang tsutotoy ko, it means 'di ka kaakit-akit," deritsong saad ni Mero sa babae.

"Asshole!" galit na tumayo ang babae saka sinipa sa paa si Mero at saka mabilis na lumabas.

"Fuck!" sabunot ni Mero sa kanyang buhok. "Ano nangyayari sa'yo? Impotent ka na ba? Ba't walang gana ka nang makipagsex? Argh, Ella! Ginagayuma mo ako!" tumayo siya't lumabas ng kanyang bar. Si Archie lang muna ang pinaasikaso niya. Tinawagan niya ang dating kaibigan na 'di niya masyadong close. Tinanong niya kung saan ang mangtatawas. May alam kasi itong albularyo.

Ipinarada niya sa isang lumang bahay ang kotse. Dito raw nakatira ang albularyo o mangtatawas.

"Tao po!" katok niya sa may pintuan. Halos mabuwal siya nang biglang bumukas ang pinto at lumapit ang isang babaeng may katandaan na at hanggang sakong ang damit. Mahaba ang mga kuko at matalim kung tumingin.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon