Chapter One

221 10 1
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M. R. Galing

Chapter One

PRESENT

Lulan ng eroplanong pabalik ng Pinas si Ella. Ilang minuto na lang at nasa NAIA na siya. Nararamdaman naman niya ang kakaibang saya 'pag pauwi na ng sariling bansa. Makikita na niya ang pamilya niya lalo na ang kanyang anak. Lahat ng sakripisyo ay ginagawa niya, para lang sa nag-iisang prinsesa ng kanyang buhay. Malungkot din siya dahil sa pinagdadaanan ngayon ng isa niyang kumare na si Ellyn. Kasama sa susunod sa kanya ay sina Kathleen at Ellyn.
Nang makarating ay labis na tuwa ang nadarama niya nang makita ang ina at dalawang kaibigan. Gusto niya sana makausap agad si Ellyn, kaso kailangan niya munang makauwi sa bahay.

Kabababa pa lang nila ng kanyang ina sa taxi ay nakita niya na agad ang anak niyang lumabas sa pinto ng bahay nila at patakbong sumalubong sa kanya.

"Yehey! Nandito na si Temy!" Masayang bigkas ng bata.

Niyakap agad ito ni Ella ng mahigpit, "Ang ganda talaga ng princess ko at laki pa!" aniya sa anak na hinalikan pagkatapos yakapin. Sa edad na lima ay taga balikat niya na ito, mana sa ama nitong matangkad.

"Pasalubong ko Temy," sabi ng bata.

"Siyempre mayroon, 'lika na sa loob at nang mabuksan ko na," ani Ella sa anak. Temy ang tawag sa kanya ng bata, ate at mommy na pinagcombined. Ilang buwan pa lang kasi ito ng iwan niya at naging ofw siya kaya ang magulang niya ang nag-alaga rito. Alam lang nito na siya ang tunay na ina pero mas malapit ito sa kanyang mga magulang, siguro dahil ito ang mga nakagisnan nitong nag-aaruga. Malapit lang ito sa kanya 'pag tungkol sa mga pasalubong.

"Pa!" Yakap niya sa ama na nasa wheelchair na, na stroke kasi ito nang dahil sa kanya. Na stress nang malamang buntis siya, buti nga nakakapagsalita na ito at nakakalakad. Labis itong nasaktan dahil nag-iisang anak lang siya ng mga ito.

"Namiss kita anak!" Maluha-luhang saad ni Mang Elmo.

"Ako rin po," aniya na napaluha rin dahil sa pinaghalong emosyon, ang pagkasabik at saya.

"Ella Mae, anak!" tawag niya sa bata na nasa tabi ng kanyang ina. Hawak nito ang binili niyang tablet na pasalubong niya.

"Bakit po?" anito na nasa tablet ang tingin.

"Sa akin ka mamaya tatabi sa pagtulog ha?"

"Ayaw, kay Mama at Papa lang ako."

"Anak, do'n ka na sa mommy mo. Miss ka niya eh," sabat ni Aling Marina sa apo.

"Ayaw nga!" tanggi ng bata.

"Bukas punta tayo ng mall, bibilhin ko lahat ng gusto mo." Panunuhol niya rito.

"Talaga po? Sige sa'yo ako tatabi, pero isang gabi lang ha, Temy?".

"O-oo naman," aniya at natuwa kahit papaano. Ang hirap talaga na 'di siya ang nag-alaga rito. Kahit alam nitong siya ang ina pero may suhol lang ito lumalapit sa kanya.

Kinagabihan ay sa kanya nga natulog ang bata. Yakap-yakap niya ito nang mahigpit at panay halik ng makatulog. Ayaw kasi ng bata na niyayakap niya ito lagi at hinahalikan.

"Ang laki mo pa anak. Habang lumalaki ka, kamukha mo na ang ama mo. Buti na lang mas kinikilala mong magulang ang lolo't lola mo, ayaw ko kasing magtanong ka sa akin kung sino ang iyong ama," si Ella na kausap ang anak niyang natutulog. Napapailing na lang siya sa kanyang nakaraan. Ang hirap na pinagdaanan niya no'ng nagbuntis siya. Sari-saring pangungutya ng ibang tao ang natikman niya at ang galit ng kanyang ama noon. Ang ina niya ay napatawag at natanggap siya, pero sa ama ay natagalan bago siya mapatawad.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon