Chapter Five

200 9 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Chapter Five

"HOY! Ano ka naka-drugs?" sigaw ni Ella kay Mero sabay agaw ng litrato niya na hawak nito habang nakapikit.

"Ella? Oh no, It was you? Five years ago! I took you and----"

"Ewan ko sa'yo!" kinabahan na sabat ni Ella. Tila may naalala na ang lalaki.

"So, may past nga tayo. Ako ang unang lalaki sa buhay mo. I-iyong tungkol sa sinabi mo sa akin noon, 'yong about sa ahm...na buntis ka, totoo ba 'yon?" seryosong tanong ni Mero.

"Hindi! Kabaliwan ko lang 'yon! Gwapo ka't hinahangaan ng mga tulad ko ring may 'di matinong pag-iisip noon, kaya nagsinungaling ako sa'yo para maging official na tayo, pero sadyang mahilig ka talaga sa iba't-ibang butas kaya nagising ako sa kabaliwan ko. Then nakilala ko si M-migs, na kabaliktaran sa ugaling mayroon ka. Kaya lang nagkaroon kami ng 'di pagkakaunawaan kaya iniwan ko siya. Siya ang ama ng aking anak, so please, layuan mo na ako. 'Wag mo nang paglaruan at sirain ang buhay ko ngayon. 'Wag mo na akong gawing laruan o anong tawag diyan sa mga kalokohan mo, dahil ang nangyari sa atin five years ago was only pure lust!" mahabang saad ni Ella. Hindi siya papayag na ganoon lang kadali malaman ng lalaki ang tungkol sa bata na inayawan nito noon.

"S-sorry for what happened before. I didn't mean to hurt you but I did. No'ng time na nakilala kita, nasa stage ako ng aking buhay na may kinikimkim na galit, well until now naman is 'di parin nagbabago. Ang galit, pagrerebelde at lungkot ay nasa puso ko parin. Kaya sa panahong 'yon ay walang deriksyon ang buhay ko, sunod lang sa agos ng mundo. Lahat ng bisyo natikman ko. But yeah, maybe you're right. Walang rason para guluhin pa kita lalo na't ayos na kayo ng pinsan ko at may anak pala kayo. Don't worry, I'll explain to my grandfather everything I did a while ago. Again sorry and goodbye!" ani Mero na agad umalis.

Napabuga ng hangin si Ella nang marinig ang pagharurot ng sasakyan ni Mero. Ayaw niya talaga malaman ng lalaki na may koneksiyon pa silang dalawa. Hangga't maaari, ayaw na niyang ma-stress dito.

Ilang minuto lang ay dumating naman si Migs. Agad ito pinagbuksan ang bisita.

"Are you ready?" tanong ng binata.

"H-ha? Ahm...Maupo ka muna Migs," ani Ella na sumunod naman ang lalaki.

"Ah... Migs, I just want to say sorry, umuurong na ako sa napagkasunduan natin."

"Why?"

"Kontento na ako kung anong mayroon kami ngayon, kaya nagbago isip ko," sagot ni Ella.

"Is that because of my cousin, Mero?"

"H-ha?"

"Tumawag sa akin si lolo na nagpunta raw kayo kanina ni Mero sa bahay niya, why?"

"Siraulo lang talaga ang pinsan mo. Walang magawang matino. Lahat ay ginagawa niya lang kalokohan.''

''Tell me the truth, Ella. Siya ba ang ama ng anak mo?"

"A-ano? H-hindi noh!"

"Come on, iba ang trato mo sa kanya. Tila may malalim na dahilan. Nasabi mo sa akin na patay na ang ama ng bata na kaibigan ni Mero before, pero kilala ko lahat ng kaibigan niya and they are still alive and healthy. Isa pa, magaan loob ko sa bata at kamukha niya ang pinsan ko, kung naging lalaki nga lang 'yon ay siya si bulilit Mero, am I right?"

Hindi nakaimik si Ella. Ganoon pala kadali malaman na konektado ang dalawa.

"Ituloy natin ang plano, please?" si Migs na nangungusap ang mga mata.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon