LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.GalingChapter Thirteen
"MY LOVE!" tawag ni Mero sa kanyang asawa nang makauwi na siya. Napangiti siya nang makitang lumabas ito sa kuwarto. Agad niyang nilapitan at niyakap ito pero tinanggal lang mga kamay niya. "Bakit?"
"Wala! Ano nagugutom ka ba?" pagalit na tanong ni Ella sa asawa. Sino nga ba ang 'di magagalit, nakita niya no'ng mag-video call sila si Sharlene na nasa bar na naman.
"Actually medyo, pero pwede bang ikaw muna ang kainin ko?" naglalambing na saad ni Mero.
"Ewan ko sa'yo! Kumain ka na rito!" nagdadabog na naglalakad papuntang kusina si Ella.
"Masama ang gising ng asawa mo, unawain mo. Mamaya tanggal na 'yan," ani Mero na bubulong-bulong habang nakasunod sa asawa niyang tila may topak.
"Ayan oh, kumain ka na!" sabi ni Ella pagkatapos ihanda sa hapagkainan ang pagkain.
"Ako lang mag-isa? Sabayan mo naman ako," nakangusong saad ni Mero.
"Busog pa ako! Akyat na ako!"
"Ha? Teka love!" tawag ni Mero ngunit 'di man lang lumingon sa kanya si Ella.
"Lagot ka sa akin mamaya!" usal niya sabay binilisan sa pagkain. Bumabalik na naman kasi ang pagka-tigre ng kanyang asawa eh, at bilang parusa ay papagurin niya ito.
Sinilip muna niya ang kuwarto ng kanyang anak at hinalikan ang natutulog na bata. Lumabas siya't tinungo ang kuwarto nila mag-asawa. Dahan-dahang pinihit ang pinto. Napangiti siya nang nakahiga na patagilid si Ella. Tinabihan niya ito at niyakap kaso laking gulat niya nang tinanggal lang nito ang kanyang kamay sa ikalawang pagkakataon.
"May problema ba, love?"
"Wala!" asik nito.
"Ah...may regla ka 'no?" hula niya.
"Oo!"
"Hay, kaya naman pala eh! Payakap na lang!"
Hindi sinagot ni Ella ang sinabi ni Mero. Hinayaan na lang niyang yakapin siya nito para 'di na humaba ang usapan. Isa pa, alam niyang pagod ito, pero sa tuwing naiisip niyang si Sharlene ay nasa bar, nakakaramdam siya ng inis. Hindi nga lang niya masabi.
Paggising ni Ella ay wala na sa tabi niya ang kanyang asawa. Alas siete na pala ng umaga. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala si Ella Mae, sigurado gutom na ito ngayon.
"Daddy, gising na kaya si mommy?"
Nagkubli si Ella sa malaking base sa may bukana ng kusina nang marinig niyang nag-uusap ang kanyang mag-ama. Nakaharap si Mero sa may oven habang si Ella Mae ay nakaupo sa may mesa.
"Ang cute ng mag-ama ko, ang hot naman ng asawa ko!" tuwang saad ni Ella sa sarili habang pinagmamasdan ang pogi niyang asawa na kay ganda ng katawan. May abs pa ito at ang lakas ng sex appeal, kaya tila 'di kapanipaniwala na mamahalin siya ni Mero.
"Tingnan mo na anak kung gising na para makapag-almusal na tayo," utos ni Mero sa kanyang anak.
"Gising na ako!" si Ella na sabay pasok sa kusina.
"Good morning, mommy!" si Ella Mae.
"Good morning my love!" si Mero na agad halik sa pisngi ni Ella. "May sumpong pa ba?"
"Huwag mo ng intindihin 'yon."
"Buti naman. Siyangapala love, aalis ako pagkatapos natin mag-almusal, tumawag si Benjo, nagpapatulong siya sa akin. Uuwi agad ako."
BINABASA MO ANG
LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)
AcakLUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3) Written by M.R.Galing TEASER ELLA PONCE, isa sa limang magkakaibigang ofw. A single mother dahil biktima ng tangang pag-ibig. MERO LARAZABAL, guwapo, matikas, heartless man, suwabeng bed lover, nobya ngayo...