17

2 0 0
                                    


Makalipas ang ilang araw ay umalis narin si Chicklet sa aming bahay.

Bago sya tuluyang umuwi ay pinilit nya akong muli na samahan sya sa trabahong kanyang pinapasukan.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magbenta ng katawan. Marami akong pangarap sa buhay, gusto kong matapos ang kurso ko sa pag-aabogasya upang matulungan ang mga mahihirap sa mga taong mapang-abuso.


Tsss… Gustong makatulong pero ang sarili ko nga'y di ko matulungan. Ano bang pinag-iiisip ko?


Nakakainis ma'y minsan ng sumagi sa isip ko si Chicklet at ang kanyang alok na kaginhawaan.

"Ano nga ba naman ang mawawala sakin?"

-

Nakakabagot ngayong walang pasok kaya nililibang ko na lamang ang sarili ko sa pagbabasa ng aming libro at paggawa ng mga gawaing bahay.

Kasalukuyan kong tinatahi ang aking lumang pantalon na punit ang pundya ng bigla kong marinig ang jeep ni papa na pumarada sa tapat ng bahay. Bigla akong nataranta dahil wala pa akong nalulutong pagkain. Lumingon ako sa orasan at nakita kong maga-alas kuwatro pa lamang ng hapon. Katakatakang napa-aga ng uwi si papa.

Sa takot na ako'y masaktan, pagpasok na pagpasok ni papa ng pinto ay agad na akong nagpaliwanag.

"Pa… napa-aga ho kayo ng uwi. 'Di ko po alam na maaga po kayo ngayon. Magluluto na po ako.." tutungo na sana ako sa kusina ng bigla nyang hablutin ang aking buhok.

Mariin nyang hinawakan ang aking leeg upang maigiya ako sa bandang muka nya. Matapos nito'y pinangos nya ang aking kanang leeg. Dahan-dahan nya akong tinulak papunta sa sofa.

Nang maramdaman nyang nakalapat na ang aking puwitan sa sandalan ng sofa ay tinungo naman ng kanyang isang kamay ang aking dibdib. Tinabig nya ang aking suot na bra at saka halinhinang hinawakan ang aking magkabilang dibdib.

"Pa. Pleaseee. Wag po." Pakiusap ko habang pilit na hinaharangan ng aking magkabilang braso ang aking sarili mula kay papa.

Tila kabaliktaran lamang ang nangyari dahil sa bawat pakiusap ko'y mas lalo lamang tumindi ang kanyang pagsasamantala sa aking katawan. Natigilan lamang sya ng may kumatok sa aming pintuan at tinawag ang kanyang pangalan.

"Katoy!" Pagtawag ng bisita kay papa

tok tok tok

"Katoy! Dala na namin ang alak. Papasukin mo na kame"

Binitawan ako ni papa saka sabing "Mag-ayos ka at punasan mo yang muka mo. Dun ka muna sa kwarto. Kapag nakaayos ka na, lutuan mo kami ng chicharon. May tira pang balat ng manok sa ref. Bilisan mo"

-

Nasa loob ako ng kusina pero amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo nila mula sa likod bahay. Ala-una na ng madaling araw pero wala silang pake sa mga kapit-bahay.

"MagKAahAwAk ANG ating KaMay at WAlaNg Kamalay-maAlay…." malakas na kinakalabit ng isang manginginom ang gitara ni papa habang tuloy sa pag-awit

"…na TinUruAn mooo Anng puSuu kooo nA uMibeeg ng Tunnayy… NYAA ANYYYAAAAA ALLALAAA lalalaaAAAA"

Nang matapos kong ihanda ang Pancit Canton na ipinaluto ni papa ay dinala ko na ito sa likod bahay. Kung maaari lamang akong tumanggi ay ayoko sanang kaharapin ang mga kainuman ni papa. Nag-iiba ang pag-uugali ng isang tao kapag sila'y sinasapian ng espiritu ng alak. May ibang nagiging bayolente at mapag-hanap ng away. May iba namang nagiging maramdaman at iyakin. Samantalang may iba na bigla na lamang nagiging mang-aawit o mananayaw. Ilan lamang yan sa maaring kalabasan ng taong nalalasing.

Natigilan sila sa kantahan ng makita nila akong paparating na may dalang pagkain. "AYOOOONNN!!! May pa-canton naman pala 'tong si pareng katoy, akala ko hik balak mo kaming gutumin".

Habang ang limang lalaking lasing ay abala sa paglantak sa pagkaing aking inihanda ay kinuha ko naman ang ibang maruming pinggan at baso upang akin na itong mahugasan.

Abala ako sa pagsisinop ng hugasan ng makita ko namang nakatitig sakin ng malagkit ang isang lalaki habang lumalagok ng kanyang alak. Nagpanggap na lamang akong hindi ko sya nakita at dali-dali ng pumasok sa loob ng bahay.

-

"HAM OLL OUT OF LAB. AM SO LOSS WITHOWT YOU… A KNOW YOU RIGHT… BELIBING FOR SO LONGGG… HAMOL OAWT OF LAB… WAT EM I WITHOUT YOU? I KEN BE TOO LEYT TO SAY THAT I WAS SO WROOOONNGGG"

Patuloy silang naga-awitan habang ako'y naghuhugas ng pinggan ng may marinig akong pumasok sa pintuan.

Hindi ko na ito pinansin. Malamang ay isa lamang ito sa bisita ni papa na makikigamit ng palikuran. Madalas sila ditong nag-iinuman kaya alam naman na nila kung saan pupunta. Napaiktad na lamang ako ng maramdaman kong may matigas na dumampi sa aking bandang puwitan.

Nabitawan ko ang hawak kong plato sa may lababo ng maramdaman kong nilapat ng taong nasa likuran ko ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang baywang. Inamoy-amoy ng taong ito ang likurang bahagi ng aking ulo habang mas idinidiin pa nya ang kanyang harapan sa aking likuran.

"Ang ganda-ganda mo Clarissa. May nobyo ka na ba?"

Nakatingin lamang ako sa kutsilyo na panghiwa namin ng baboy na abot-kamay ko lamang sa mga sandaling ito. May tatlong bagay na sumagi sa aking isipan:

Sisigaw?
Tatakbo?
O sasaksakin ang lalaking ito?

Nagdidilim na ang aking paningin at dakmang aabutin ko na sana ang matalim na bagay ng biglang…

"Josep. Anong ginagawa mo riyan? Ikaw na ang sha-shot ah?! Nanlalamang ka yata." ani ng isang boses matandang lalaking halatang lulong narin sa alak.

Kahit natataranta ay nakapagdahilan pa ang lalaking nasa aking likuran. "Ayy wala ho 'tay Maryo. Nagpapasalamat lang ho ako kay Claris.." Hindi pa man natatapos ay pinutol na ng matanda ang kanyang sasabihin.

"Osya sya. Lumabas ka na roon kung ayaw mong masapak ka nila sa muka at hindi ka tumira ng shot mo" Sa utos ng matanda'y nanginginig na lumabas ang binata.

Tumabi sakin ang matanda sa may lababo habang duduwal-duwal na yumuko. Matapos nitong maghilamos ng muka ay napansin nito ang aking pamumutla.

"Kamusta ka iha. Namanyak ka ng tarantadong 'yon ano? Pasensya ka na ha. Mabait na bata sana 'yang si Josep kaso kapag ang tao ata talagang sinasaniban ng alak ay nag-iiba ang pag-uugali" marahan pang tinapik-tapik ng matanda ang aking kanang braso matapos akong subukan na aluin nito. "Pagtapos mo dyan magkulong ka sa kwarto mo ha, at isarado mo ng maigi" iika-ika itong bumalik na sa kanyang mga kainuman.

Sa mga sandaling ito ay may realisasyong pumasok sa aking isipan:

"Kailangan kong makaalis rito. Kailangan kong kumita ng pera."

Sunod sa AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon