Ilang araw ang lumipas, umuwi narin sya sa kanilang bahay, matapos akong alukin ni Chicklet ng trabahong ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko.
Nais nya kong magbenta ng katawan.
"Hindi ka naman mahihirapan dun. Aaliwin mo lang sila... Kakausapin. May kaunting hawak lang naman ng kaunting-kaunti lang naman sa katawan pero hindi ka naman masasaktan Clarissa... Jusko 'wag ka na mag-inarte... Alam mo darating din naman ang panahon na gagawin mo rin yan.... Atlis nga dito kikita ka ng pera eh. Kailangan mo lang maging open-minded"
Patuloy lamang ang pagsasalita niya pero tila ba'y lumalabas lamang ito sa aking kabilang tainga.
"Maganda ka. Maganda rin ang hubog ng katawan mo. Sigurado akong marami kang magiging parokyano!"
Nagniningning ang mga mata nya habang sinasabi ito na tila ba napakaganda ng kinabukasang nakikita nya.
"Kikita ka ng libu-libo Clarissa! Maghuhubad ka lang, bubukaka, uungol ng konti at…"
Nasusuka na ako sa mga sinasabi nya kaya minabuti ko ng tumayo at talikuran sya.
"Oh teka san ka pupunta?" Marahan nyang hinablot ang aking braso para humarap ako sa kanya. Bakas pa rin ang pananabik sa kanyang mukha.
"Pasensya na po pero hindi ko po matatanggap ang inaalok nyo. Hindi ko po kayang magbenta ng katawan."
Binitawan ko ang mga salitang ito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Gusto kong iparating sa kanya na hindi ako katulad nya.
Mahina syang tumawa at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. May halong ka-preskuhan ang ekspresyon nya bago nya ako sinagot:
"Hahaha… Clarissa. Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa sayo ng ama mo?" Nakakapit pa rin sya saking balikat at naka-ngiting aso.
"Akala mo ba hindi ko alam na pinagpaparausan ka nya tuwing wala ako. Akala mo ba hindi ko alam na isa ka sa mga PUTAheng pinapapak nya. Alam ko Clarissa."
Kinuskos nya ang magkabila kong balikat na para bang anak nya ako at ayaw nya akong malamigan. "'Wag kang umastang birhen dahil wala narin namang mawawala sayo. Ni dignidad wala ka na. Mainam pa nga dito e kikita ka. Bawat pagputok at pagtusok sayo may kapalit na halaga. Osya! Ganito nalang ang isipin mo…"
Binitiwan nya ako at bumalik sya sa kanyang kinauupan. Nanatili akong nakapako sa sahig.
"…kapag sumama ka sakin sa pinagtatrabahuhan ko, ilang linggo lang makakaipon ka agad ng pera tapos pwede ka ng umalis dito sa puder ng ama mo. Kung gusto mo tuturuan kita ng tricks at moves para mapasaya mo ang mga kostumer mo at bigyan ka ng malaking tip" Matapos ang kanyang litanya ay binigyan nya ko ng pilyang kindat at pinagpatuloy nya ng muli ang kanyang pagkain. Nanginginig man ang aking mga laman ay pinilit kong tumakbo patungo sa aking kwarto.
Buong araw akong nagkulong sa aking silid. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay bigla akong natakot kay Chicklet. Pakiramdam ko anumang oras ay hahablutin nya ako, isasakay sa van at ititinda kung kanino man.Nakaupo ako sa gilid ng kama habang yakap ko ang aking sarili.Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga katagang ito:
Alam nya. Alam nya ang lihim ko. Paano? Sinabi ba sa kanya ni papa? May iba pa bang nakakaalam? Alam ni Chicklet! Sino pang nakakaalam?
Sabay sa bilis ng tibok ng aking dibdib ang aking paghinga. Mag-isa man ako sa aking silid, pakiramdam ko ay daan-daang mata ang nakatitig sakin. Bagaman suot ko ang aking saplot, tila ba ako'y hubad. Hinablot ko ang kumot na masinop na nakatupi sa ibabaw ng aking unan saka agad ko itong binalumbon sa aking katawan. Naupo ako sa sulok ng aking kwarto saka niyakap ang aking mga binti.
Alam nya, alam nila ang lihim ko.
-
Bandang alas-otso ay narinig ko ang pagdating ng jeep ni papa. Dahil buong araw akong nagkulong sa kwarto ay nakalimutan kong maghanda ng hapunan. Hindi ako tumayo at lumabas hanggang sa narinig ko na lamang ang hiyaw ni papa sa may sala.
"Clarissa! Anak ka ng… Bakit wala pang hapunan?! Alam mong galing ako sa pasada, pagod ako! Anong ginawa mo maghapon?!" Binalibag ni papa ang pinto ng aking kwarto. Yakap ko pa rin ang sarili ko habang nakatitig lamang sa sahig. Biglang tumabi si Chicklet sa gilid ni papa.
"Anong ginawa ng lintik na 'to maghapon?!" tanong nya kay Chicklet na nagkibit balikat lamang.
"Putaragis ka!" Lumapit sakin si papa saka marahas na hinablot ang aking buhok sabay sinampal ang aking kanang pisngi. Sa lakas nito'y napasubsob ako sa maliit na lamesa sa gilid ng kama.
"Oh. Oh tama na. Tama na." Ika ni Chicklet ng umamba pa ng isang sampal si papa. "Hayaan mo na yung bata, baka nawala lang sa isip nya. Eh ke-sipag sipag kasi nyan maglinis kanina. Ako nalang muna kainin mo. Mwuah" hinalikan nito si papa sa pisngi at saka marahang hinila palabas ng pinto. "O sya Clarissa. Magluto ka na" malamig na bigkas nito bago sinara ang pinto ng aking kwarto.
BINABASA MO ANG
Sunod sa Agos
RomanceHindi natin madidiktahan ang ikot ng mundo. Kahit ano pa ang ibatong pagsubok at pahirap ng tadhana ay wala na tayong magagawa. Sa dagat ng luha, ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos By:rile1998