15

10 3 1
                                    

Mula sa kabilang kwarto ay rinig ko sa aming banyo ang malalakas na pag-ungol. Kung minsan pa ay naririnig ko rin ang pagkalampag ng mga kahoy ng aming dingding na susundan pa ng pag-ungot ng babae ni papa.

"Sige lang! Sige pa! Idiin mo pa aah ah ah!!!"

Pagkauwi namin ay dumiretso na ako agad sa banyo at dali-dali kong binuklat ang papel. Hindi na ko nag-alala pa kay papa dahil agad din naman silang nagkulong sa kwarto.

Minabuti kong dito na lamang sa palikuran basahin ang liham ni Mark. Sabik na sabik ako mula pa lamang ng akin itong mahawakan ngunit ayokong isugal na makita ako ni papa na nagbabasa ng liham mula sa lalaki.

Nalipos ako ng kaligayahan sa katotohanang may isang tao palang nag-aalala sa aking kalagayan.
Buong akala ko ay iniiwasan nya na ako dahil nagseselos sa akin si Isabel. Hindi pala ako kinalimutan ni Mark.

Sa mga nakalipas na araw ay masyado lang pala akong mabilis sa paggawa ng konklusyon sa aking isipan.

Binasa ko ng paulit-ulit ang kanyang liham hanggang sa makabisado ko na ang bawat letra nito.

Napuno ako ng pag-asa na ang lahat ng aking hirap na pinagdaraanan ngayon ay lilipas din.

Sa dami ng bagay na tumatakbo sa aking isipan nitong mga nakaraang araw, matapos kong basahin ang liham ay may isang problema na lang akong inaalala









Papaano ko sya muling makakausap, makakasama o makikita?

-

Alas-kwatro empunto.

Tumilaok ang mga manok na pansabong ng aming kapit-bahay.

Sabay sa pagdilat ng aking mga mata ay sumilay sa aking labi ang ngiti na kay tagal ko ng nalimot.
Habang nililinis ko ang aming sala ay hindi ko namamalayang mas lumalaki ang pagkurba ng aking pisngi.

Nang dumako ako sa aming kusina upang maghanda ng almusal ay narinig ko ang usapan ng aking dalawang kasama.

"Babe. Dito ka muna." pagsusumamo ng babae. Tila bata itong nagmamaktol sa kanyang magulang na bilhan sya ng laruan
"Pleeeaassee. Ang aga-aga pa oh! Isang round pa muna tayo."

"Loves naman. Nakarami ka na kagabi. Hindi ka ba napagod? Magpahinga ka muna. Uuwi naman ako agad. Kokota lang ako. Pagkauwi ko magpapaputok uli tayo"

"Sige pero hmmmm kiss mo muna ko"

Habang inaayos ko sa plato ang itlog at tuyo na aking niluto ay natahimik sila ng saglit.

Matapos nito ay narinig kong tinawag ako ni papa. Kasabay ng pagsigaw nya ay biglang umapaw ang aking sinasaing na bigas kaya napaiktad ako habang hinihinaan ko ang kalan. Tumakbo ako agad palabas sa sala ng natiyak kong hindi na muling aapaw ang kaldero.

"Pa?" pambungad ko

"Dito muna matutulog si chicklet ng ilang araw ha? Naitabi mo naman siguro yung mga damit nya nung isang linggo? Oo sige ilabas mo para makapagpalit sya ha. Osya. Lutuan mo sya ng almusal. 'Wag kang gagawa ng kalokohan habang wala ako at susundin mo kung may iutos man sya sayo! Naunawaan mo?" nagmamadali nyang bilin sa akin

Matapos kong tumugon ay umalis na sya.
Mula sa kusina ay inilabas ko na ang almusal na aking hinanda.
Habang inilalapag ko ito sa lamesa ay nakaupo lang si chicklet at matama akong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa. Nakatiklop ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib.

Mahigit ilang buwan na silang magkakilala ni papa kaya sanay narin ako sa twing pupunta sya rito upang matulog ng ilang araw. Hindi ko alam kung saan o kung papaano sila nagkakilala. Bigla na lamang syang dinala rito.

Hindi naman sya masungit o malupit sa akin. Madalas nga ay para lamang akong hangin sa kanya puwera nalang kung may iuutos sya o itatanong. Gayunpaman ay ngayon nya lamang ako tinignan ng ganito.

Nang maihain ko ng ang lahat ng pagkain ay iniwan ko na sya sa hapagkainan at dinampot na muli ang tambo upang makapaglinis naman sa aking kwarto.

"Oh Clarissa! Mamaya na yan! Sumabay ka na sakin mag-almusal!"

Ano daw?

"Po?" natigilan sa paggana ang aking utak.

May sakit ba sya? Karaniwan ay wala naman syang pakialam sa akin. Halos daan-daanan nya lamang ako at ngayon nama'y aalukin nya ko ng almusal. Ano kaya ang nasa isip nya? Marahil ay may hihingiin itong malaking pabor. Marahil nga.

"Sabi ko mamaya mo na ituloy yan. Halika sumabay ka na kumain" halata na ang pagka-irita sa boses nya kaya kumuha na ako ng plato at agad na kumuha ng ulam. Sa bawat pagnguya ko'y ramdam ko parin ang bigat ng mga tingin nya sa akin.

"Clarissa, may boyfriend ka na b-"

Nabilaukan ako at may sumabit na tinik ng tuyo sa aking lalamunan. May iilang piraso ng kanin pa ang tumalsik sa aking palad na nakatakip sa aking bibig. Halos maiyak ako sa lakas ng aking ubo at kataka-takang inabutan pa ako ni chicklet ng tubig.

"Salamat po. Eherm. Ahmm. Wala po akong boyfriend."

"Ahahahahahah! Bakit?"

"Po? Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Ahh.. Wala naman. Sinisiguro ko lang."

"Hindi ko po kayo nauunawaan."

"Iniisip ko lang kung gusto mong mag-trabaho o kumita ng pera."

"Opo. Gusto ko po. Kaya nga po nagsisipag po ako sa pag-aaral par-"

"Ahhahahahaaha" humalakhak sya habang hinahampas ang lamesa "Nako iha! Napakatagal pa nun! Ayaw mo bang tumulong sa papa mo? Maghahanap ka ng trabaho pagkatapos mo pang mag-aral tapos ano? Sigurado ka bang may mahahanap ka? Matatanggap ka? O eh kung wala? Ano? Mag ja-janitress ka nalang?"

"Wala naman po sigurong masama sa isang marangal na trabaho"

"Hahahaha" habang tumatagal ay naiirita na ko sa tawa nya. Saan ba patungo ang usapang 'to?

Ang mga sumunod nyang kataga ay halos pabulong "hindi kailangang maging marangal para kumita ng pera." inayos nya ang buhok ko at inilagay sa likod ng aking tenga "kung minsan kailangan mo lang ng katawan at ganda."

Sunod sa AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon