9

15 2 0
                                    

"Ready na ba kayong malaman kung sinong group ang mae exempt sa final exams?"

Magiliw na tanong sa amin ng baklain kong propesor na sinundan naman ng hiyawan ng mga estudyante.

"Grupo nila VILLEGAS!!"

"WAAAAHHHHH!!!"

Tuluyan ng nawala sa katinuan ang mga katabi ko. Nagsipag-tayuan at nagsisigaw sila. May iba pa nga ang nag-yabang sa kabilang grupo.

Ako naman ay tahimik lang na ngingisingisi sa aking nasisilayan.

-

"Hindi ka ba masaya?"

Nagitla ako sa marahan na pagtapik sakin sa braso ni Mark. Naglalakad kami ngayon papunta sa isang kainan.

"Huh? Ahmm. Masaya. Syempre naman"

"Talaga? E ba't parang hindi halata sa muka?" sabay ngumiti sya ng nakakaloko. Napailing nalang ako sa kapilyuhan ng kasama ko.

"Wala ka bang ibang alam gawin kundi mang-asar?"

"Wala ka rin bang ibang alam gawin kundi sumimangot? Ngiti ngiti naman dyan"
sa pagsambit nya ay kinurot nito ang magkabila kong pisngi.

Nakarating na kami sa kainin at nandoon na si Isabel. Tumayo ito sa kinauupuan upang salubungin kami.

"Hi babe!" masayang bati nito kay Mark na sinundan ng mabilis na halik sa labi. "Oh kamusta yung presentation nyo?" tanong nya sa akin habang sabay sabay kaming naupo.

"Exempted kami sa final exam. Magaling kasi 'tong leader namin eh" sinapak ko si Mark sa braso dahil halatang pumapalakpak na naman ang kanyang tenga. "Well, Mark Villegas for the win!" pagmamalaki pa nito

"Wow! Congrats! does that mean treat mo ang lunch namin ni Clarissa?" kinindatan pa ko ni Isabel para pagkaisahan namin si Mark.

"Oo ba! Anytime! Tara bili na tayo. Gutom na gutom na ko eh!" pinaikot ikot pa ni Mark ang kamay nya sa kumakalam na sikmura

"Yay! Narinig mo yun Clarissa! Tara na!" tumayo ito at akmang hahawakan na ang kamay ko ng bigla akong tumanggi

"Ay ok lang ako dito. Kayo nalang ang bumili. Magbabantay nalang ako ng bag natin"

Sumimangot si Isabel

"sigurado ka?" tanong nya

"Oo ok lang. Sige na Mark bahala ka na sa libre" itinulak ko ang braso nya para tumayo na at samahan si Isabel.

Magkahawak kamay silang tumungo sa kahera at umorder ng pagkain.

-

Mula pa noong unang araw na kausapin ako ni Mark upang hingian ng numero para sa pangkatan namin sa P.E ay hindi na ako nilayuan nito. Lagi na akong kinukulit at inaasar.

Masayahin syang tao at puno ng kwento. Kapag nakikita nya akong tulala at nakasimangot ay agad ako nitong babatuhan ng mga pang-aasar.

Palakaibigan sya at mahilig makihalubilo sa mga tao. Lahat yata ng kaklase namin ay kaibigan nya. Pati mga guro ay paborito sya dahil bukod sa nakakagiliw na ugali nito ay magalang din at ubod ng bait.

Naging magkaibigan kami sa loob ng ilang linggo pa lamang.
Hindi ko inaasahang magliliwanag ang mundo ko dahil sa mokong na 'to.

Hindi parin naman nagbabago sa aming bahay at madalas parin akong apihin at pagsamantalahan ni papa.
Punung-puno parin ako ng problema ngunit dahil kay Mark gumaan ng kaunti ang aking pasanin sa balikat.

Buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng kakampi.
Bagaman hindi nya alam ang tunay kong pinagdadaanan ay lagi parin itong nakaagapay sa akin.

Malakas ang ulan noong una namin syang makita ni Mark na nakasilong sa isang waiting shed. May kani-kaniyang payong kami ni Mark noon kaya naman minabuti nya ng ihatid ang babae sa terminal na sasakyan nito.

"LOVE! Love at first sight ang tawag dun Clarissa! Deeyymm! Kailan ko kaya ulit makikita si Isabel? Haaaayy. Isabel my loves. "

Iyon ang unang kwento sakin ni Mark kinabukasan matapos nyang ihatid ang naturang babae na ang ngalan ay Isabel. Mula noon ay sya na ang bukambibig nito.

Hindi naman sobrang gwapo pero malakas ang dating ni Mark sa mga babae kaya hindi na ako nabigla ng ibalita nito sa akin na sinagot na sya ni Isabel matapos ang isang buwan na panliligaw.

Mabait, matalino, malambing, maganda at maunawain si Isabel kaya naman boto ako sa kanya para kay Mark. Alam kong magiging masaya sya sa piling nito.

They're a perfect match.

Noong una ay nangamba akong mawawalan ako ng kaisa-isang kaibigan.

Mali ako.

Sa samahan namin ni Mark ay wala parin naman ang nagbabago.



Sunod sa AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon