"Hi. Ako nga pala si Clarissa. Ahmm Clarissa Pikara."
May pag-aalinlangan pa ako sa pagbigkas ng aking apelido ng pinagpakilala kami ng propesor isa-isa sa harapan. Kung sila siguro ang nasa kalagayan ko mauunawaan din nila ang hiya na nararamdaman ko. Ang bigat na pasan ko sa pagdala-dala ng apelido ng ama ko.
Matapos kong magsalita ay dali dali na akong bumalik saking upuan. Agad namang lumapit sa harap ang susunod na magpapakilala.
Unang araw ko ito sa kolehiyo pero wala akong pananabik sa pag-aaral. Ni hindi ko maaninag ang aking kinabukasan.
Balik ulit ako sa pagiging bato.
Bulag.
Bingi.
Pipe.
Araw-araw naman akong ganito.
Sanay na sanay na ko.
Ngunit hindi ko inasahang sa araw pala na ito ay may pangyayari na babago sa ikot ng mundo koTila ba may hanging umihip saking leeg na tumingin sa gawing kanan ng aming silid.
At iyon ang unang beses na nakakita ako ng liwanag.
BINABASA MO ANG
Sunod sa Agos
RomanceHindi natin madidiktahan ang ikot ng mundo. Kahit ano pa ang ibatong pagsubok at pahirap ng tadhana ay wala na tayong magagawa. Sa dagat ng luha, ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos By:rile1998