"Ngayong bakasyon 'wag kayong magtutok sa puro gadgets ha! Magpahinga kayo at bumawi sa tulog. Dagdagan nyo narin ng konting exercise. Mag-ingat kayo pag-uwi"
"Bye ma'am!!!" sambit ng buong klase sa aming propesor habang papalabas sya ng kwarto
Nagmamadaling makalabas ang mga magkakaibigan. May ilang nagbibigayan pa ng regalo bilang pamamaalam sa isa't isa.
Sa kabilang banda naman ay may nagkukuhaan pa ng litrato sa kanilang mga cellphone.
Tumayo na ako sa aking silya.
"Uy Clarissa! Uuwi ka na? Sama ka muna samin. Kain lang sa mall" magiliw na pag-aaya ni Wendy. Katabi ko sya mula pa noong unang markahan. Mabait naman sya sa akin ngunit hindi kami gaanong malapit.
"Ok lang Wendy. Salamat. Enjoy kayo"
"Eto naman oh! 'Di na ba kita mapipilit? Libre koooooo" pang-aakit pa nito sakin "sasama na yan" pabiro nyang sinundot ang aking tagiliran.
"Sorry hindi talaga Wendy. Bawi nalang ako next time" nginitian ko na lamang s'ya.
"Hay nako. Fine. Kelan ka ba sumama sakin. Sige na nga. Ingat. Byeee" Naglakad na ito papunta sa ibang mga katropa nya.
Nakakailang hakbang pa lamang ako ng biglang may humawak sa aking kaliwang braso. Lumingon ako upang alamin kung sino ito at bigla namang nanlaki ang aking mga mata.
"Uuwi ka na?" tanong nya bagaman hindi sya makatingin sa akin.
"Oo. Ikaw?"
"Hm hm" sinabayan nya ito ng pagtango. "Pwedeng sumabay?"
Sa tanong nyang ito'y ako naman ang napalihis ng tingin. Naiilang at hirap makapagsalita
"Sa tingin ko... Ayaw akong kasabay ni Isabel" napayuko ako sa hiya nang maalala ko na naman ang nangyari.
"Hindi. Hindi natin sya makakasabay. Nakauwi na sya kanina pang 2pm" mabilis nyang tugon at tila may kaba sa tono ng kanyang boses.
Napaisip ako ng ilang sandali. Naghahalo ang aking emosyon.
Nais kong makasabay sya ngunit hindi ko parin makayang titigan sya.
Ang makaharap lamang sya sa mga sandaling ito ay nagdudulot na ng mabilis na pagtakbo ng aking pulso, paano pa kaya ang makasabay sya hanggang sa jeep?
Ano na lamang ang iisipin ni Isabel kapag nalaman nyang nagsasabay na ulit kami?
"Pwede ba?" pagsingit nya sa magulong debate sa aking isip
"Mark, baka kasi--"
"Please?"
"Pero--"
BINABASA MO ANG
Sunod sa Agos
RomanceHindi natin madidiktahan ang ikot ng mundo. Kahit ano pa ang ibatong pagsubok at pahirap ng tadhana ay wala na tayong magagawa. Sa dagat ng luha, ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos By:rile1998