Itim lang ang nakikita ng mga mata ko.
Dilat man ay tila wala ding pinagkaiba sa natutulog.
Paano kaya nangyari iyon?
Mulat na mulat naman ang aking mga talukap ngunit wala akong makita.Bulag.
Bulag na nga ako.
Sinubok kong magsalita, humingi ng tulong kahit kanino.
Nais kong masilayan ang mundo.
Nais maaninag maski ang kulay man lamang nito.Subalit ang mga labi ko'y tikom.
Ang dila'y manhid at ang lalamunan ko'y namamaos.Pipe.
Pipe na nga ako.
May tumatawag sa aking pangalan ngunit hindi ko alam kung sino.
Hindi ko na lamang pinansin.Bahala na.
Bulag din naman ako kaya hindi ko rin sya makikita.
BINABASA MO ANG
Sunod sa Agos
RomanceHindi natin madidiktahan ang ikot ng mundo. Kahit ano pa ang ibatong pagsubok at pahirap ng tadhana ay wala na tayong magagawa. Sa dagat ng luha, ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos By:rile1998