8

12 2 0
                                    

Sa ating mundo
may iba't ibang lugar,
maraming kanto at may nakakahilong pasikut-sikot.

Pero bakit kailangang sa bahay namin ako tumungo?

Kung pwede lang tumakbo at tumakas hindi na ko uuwi.

-

Naabutan ko sa labas ng bahay ang jeep na pinapasada ni papa.

Nakita ko rin na nakasindi ang mga ilaw at TV.

Maalinsangan ang paligid ngunit bigla akong pinagpawisan ng malamig. Biglang nanginig ang aking mga laman.

-

Unti-unti akong pumasok ng pinto at agad kong nadatnan si papa na nakaupo sa sofa.

Sa kunot palang sa noo nya habang nanunuod ng balita ay alam ko nang bukas ay gigising na naman akong may mga pasa.

Habang hindi inaalis ang mata sa TV ay narinig ko syang nagsalita
"Bat ngayon ka lang?"
mahina ngunit mariin ang pagkakatanong nya

Isinara ko muna ang pinto bago ko hinarap at sinagot sya

"ahh. ano.. alas-siyete po kasi yung u-uwian ko p..pa.."
napakapit ako ng mahigpit sa aking bag. Umaasang hindi mapansin ni papa ang aking kaba.

Kahit wala akong ginagawa , alam kong pagsususpetsyahan nya ko kung makita nya akong kinakabahan kaya pinilit kong kumalma.

Pinatay nya ang TV.

Nakita ko ang pagtaas at pagbagsak ng kanyang balikat at masasabi kong bumugtong hininga sya.

"Halika nga dito"

Hindi parin sya nakatingin sakin. Mahinahon lang ang boses nya habang tinatapik tapik nya ang bakanteng lugar sa sofa.

Inaanyayahan nya kong tumabi sa kanya. Napako ako sa aking kinatatayuan.

Halos malaglagan ako ng puso ng bigla nya akong niligon. "Halika na dito. Hindi kita kakagatin"
Unti unti kong pinilit ang mga paa kong lumapit.

Nakaupo na ko ngunit hindi ako sumandal. Nakahanda ang paa kong tumakbo ano mang oras.

Kahit pa ang pagtakbo ay wala rin namang maitutulong sakin kung sakaling pag-initan ako ni papa ay inihanda ko padin ang aking sarili.

Lumapit si papa sakin at halos magdikit na kami. Sa sobrang lapit nya ay sigurado akong ramdam nya ang aking kaba.
Nakatitig lang ako sa sahig at umaasang matapos na ang lahat.

Inakbayan ako nya ako at inilapat nya ang tuktok ng aking ulo sa ilong nya. Tila ba isa akong bulaklak na kinagigiliwan nyang amuy-amuyin. Marahan nya ring dinadampi ang labi nya sa aking buhok. Halos isang minuto nya rin itong ginawa sakin

Kung nakikita kami ng ibang tao, marahil ay iisipin nila na isang mapagmahal na ama ang nakayakap sa akin

Hindi ko na napigilan pang mapaluha.

Naghalo ang takot at galit ko.
Sa dami ng lalaki sa mundo,
Bakit sya pa ang tatay ko?

Hinawakan nya ng mahigpit ang aking dalawang pisngi gamit lamang ang isang kamay at pinilit nya akong humarap sa muka nya.

Pabulong ngunit may halong paninindak nyang sinabi
"Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang kalokohan sa labas dahil kapag may natuklasan ako, hinding hinding hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko"
ang mga huling kataga ay sinabi nya sa tapat ng tenga ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan nya ang muka ko ngunit patuloy parin nyang hinihimas ng marahan ang aking buhok.

Sensyales na hindi pa sya tapos sa akin.

Tumigil na sa pagdaloy ang aking luha ng bigla nyang hinablot palikod ang aking buhok. Sa sobrang sakit ay tila mababaklas na ang anit ko.

Bumulong ulit sya

"Nagkakaintindihan ba tayo?"

"opo. opo papa. opo pa"

Nakakapit ako sa kamay nyang nakasabunot sakin habang nagmamakaawang bitawan nya na ko.

"Mabuti" sagot nya sabay malakas na binitawan ang ulo ko "Mag-saing ka na" binuksan nyang muli ang TV at nag de kwatro pa.

Dali dali akong nagpunta sa kusina at naghugas ng bigas. Ni hindi ko na inisip magpalit ng damit.

-

Sunod sa AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon