Abut-abot ang aking kahihiyan matapos kaming mapatawag sa opisina ng aming dean. Lumala pa ito noong tinanong kami ng mga guro kung may relasyon daw ba kami at hindi daw ba namin alam na bawal gawin "IYON" sa loob ng unibersidad.
Mariin ko namang itinanggi ang kanilang mga alegasyon. Gayoon din si Mark. Matapos kaming kausapin ay pinauwi na kami diretso. Paglabas ay nakita ko agad si Isabel na halatang nag-aalala. Tumakbo ito para yakapin ng mahigpit si Mark.
Bago pa man ako mapansin ni Isabel ay agad na akong tumakbo palayo. Sinubukan pa kong tawagin ni Mark ngunit kumaripas lang ako ng takbo.Sa mga nagdaang araw ay nahalata ko ang pagkailang sa akin ni Mark at pagkainis naman ni Isabel. Sa palagay ko ay nagselos ito sa akin dahil sa kumalat na maling balita tungkol sa kung anuman ang ginagawa naming dalawa ni Mark doon sa faculty. Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya noong isang araw ngunit hindi ako nito kinibo. Ayoko ng gulo sa pagitan naming dalawa kaya hindi ko muna sila nilapitan.
Marahil ay kailangan nya munang mapag-isa.
o baka kailangan muna nilang mapag-"dalawa" ni Mark at ako ang mag-isa.
-
Nalalapit na ang pagtatapos ng klase at magbabakasyon na. Nanatili parin kaming magkakalayo.Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ako'y nasasaktan.
Sobra-sobrang nasasaktan.
Masakit pa yata ito sa hagupit ng sinturon ni papa.
Parati lang naman akong mag-isa noon ngunit hindi ako naghahanap ng makakasama.
Pero bakit mula ng dumating sya ay laging gusto ko na siyang makita?
Para bang ang sakit sakit kapag wala sya?
At mas lalong sumasakit tuwing nakikita kong may iba syang kasama?
BINABASA MO ANG
Sunod sa Agos
RomanceHindi natin madidiktahan ang ikot ng mundo. Kahit ano pa ang ibatong pagsubok at pahirap ng tadhana ay wala na tayong magagawa. Sa dagat ng luha, ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos By:rile1998