6

23 2 0
                                    

Sa kadiliman na aking kinasasadlakan ay tila ba may nagsindi ng lampara sa aking harapan.

Nakatingin lamang sya sakin.

Nakatitig ng maigi saking mga mata.

Parang isang bata na sumasagot ng mahirap na palaisipan.

Ano bang problema nya sakin? May kailangan ba sya? ba't hindi sya lumingon sa iba

Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa pagkalito.
Subalit imbes na umiwas ng tingin ay nginitian lang ako ng ginoo.

Hindi ko mawari kung bakit mas nagliwanag pa ang paligid.
Isa syang makinang na lampara at kahali-halina ang kanyang rikit.

Bilang isang bulag sa liwanag natutukso akong lapitan sya o ngitian manlang

Mula sa aking pagkahibang, aking naalala na minsa'y nasabi sa isang istorya na kamatayan lang ang idudulot ng paglapit sa lampara.

Kaya naman umiwas na agad ako ng tingin. Inilayo ko ang sarili sa temptasyon.

Tulad ng isang gamu-gamong takot na madampian ng apoy ang kanyang mga pakpak.

Tulad ng isang gamu-gamong sabik sa init ngunit takot na mapaso.

Sunod sa AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon